Kaya't kailangang siya ay maging kagaya ng kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang siya ay maging isang maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao. Hebreo 2:17. KDB 255.1
Siya'y namamagitan gaya ng isang itinalagang pinakapunong pari para sa Kanyang bayan. Gaya ng isang tapat na pastol, tinitipon Niya ang Kanyang kawan sa ilalim ng silong ng Makapangyarihan sa lahat, sa malakas at tiyak na kanlungan. Para sa Kanya ay may naghihintay na huling laban kay Satanas, at Siya ay humahayo upang salubungin ito.— The Desire of Ages, p. 680. KDB 255.2
Kaya't si Cristo, ang Pinakapunong Pari, na ipinakikiusap ang Kanyang dugo sa harap ng Ama alang-alang sa makasalanan, ay dinadala sa Kanyang puso ang pangalan ng bawat nagsisisi, at nagtitiwalang kaluluwa.— Patriarchs ang Prophets, p. 351. KDB 255.3
Tulad ni Aaron, na sumasagisag kay Cristo, dinadala ng ating Tagapagligtas ang mga pangalan ng lahat ng Kanyang bayan sa Kanyang puso sa banal na dako. Naaalala ng ating Pinakapunong Pari ang lahat ng mga salita kung saan hinikayat Niya tayong magtiwala. Lagi Niyang inaalala ang Kanyang tipan.—Christ’s Object Lessons, p. 148. KDB 255.4
Ang gawain ni Cristo bilang tagapamagitan ng tao ay inihayag sa magandang propesiya ni Zacarias tungkol sa Kanya na “ang pangala'y Sanga.” Sinabi ng propeta: “Siya ang magtatayo ng templo ng PANGINOON at siya'y magtataglay ng karangalan, at siya'y uupo at mamumuno sa kanyang [Ama] trono. At siya'y magiging pari sa kanyang trono.” . . . Bilang isang pari, si Cristo ay nakaupong kasama ng Ama sa Kanyang trono. Sa trono na kasama ang walang hanggan, Isang umiral sa Kanyang sarili, ay Siyang “pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan.” . . . Ang Kanyang pamamagitan ay ang isang nabutas at nasirang katawan, ng isang walang-bahid na buhay. Ang mga sugatang kamay, ang butas na tagiliran, ang mga napinsalang paa, ay nagsusumamo para sa nahulog na tao, na ang pagtubos ay binili sa gayong walang-hanggang halaga.— The Great Controversy, pp. 415, 416. KDB 255.5