Ngayon kung ayaw ninyong maglingkod sa PANGINOON, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran;... ngunit sa ganang akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod sa PANGINOON. Josue 24:15. KDB 265.1
Magkakaroon ng mahigpit na tunggalian sa pagitan nilang tapat sa Diyos at sa kanilang humahamak sa Kanyang kautusan. Naigupo ang paggalang sa kautusan ng Diyos. Nagtuturo ng mga kautusan ng tao bilang doktrina ang mga lider ng relihiyon. Kung paano noong mga panahon ng matandang Israel, gayundin sa kapanahunang ito ng sanlibutan. Ngunit dahil sa pangingibabaw ng kawalang-katapatan at paglabag, sila bang nag- ingat sa kautusan ng Diyos ay magkakaroon ng higit na kakaunting paggalang dito? Makikiisa ba sila sa mga kapangyarihan ng sanlibutan upang pawalang- bisa ito? Hindi matatangay ang mga tapat ng agos ng kasamaan. Hindi nila hahamakin ang mga inihiwalay ng Diyos bilang banal. Hindi nila tutularan ang halimbawa ng pagiging makakalimutin ng Israel, bagkus ay aalalahanin nila ang pakikitungo ng Diyos sa Kanyang bayan sa lahat ng kapanahunan, at lalakad sa daan ng Kanyang mga kautusan. Dumarating ang pagsubok sa bawat isa. Mayroon lamang dalawang panig. Nasa aling panig kayo?— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 120. KDB 265.2
Itulot na maging handa ang bawat kaluluwa. Nasa iyong landas ang kaaway. Maging mapagbantay malibang may matalinong bitag na itinagong mabuti ang gumulat sa inyo. Hayaang mag-ingat ang walang pag-iingat at walang pakialam malibang dumating sa kanila ang araw ng Panginoon na tulad ng isang magnanakaw sa gabi. Marami ang maliligaw mula sa landas ng pagpapakumbaba, at, iwinawaksi ang pamatok ni Cristo, sila'y lalakad sa mga landas na kakatwa. Binulag at nagulumihanan, iiwan nila ang makitid na daan na patungo sa lunsod ng Diyos.... KDB 265.3
Panahon na para sa ating bayan na ilayo ang kanilang mga sambahayan tungo sa higit na liblib na lugar, kung hindi'y marami sa mga kabataan, at marami rin sa mga higit na nakatatanda, ang masisilo at kukunin ng kaaway.— Ibid., pp. 99-101. KDB 265.4