Aking sasabihin sa hilaga, Hayaan mo, at sa timog, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki na sa malayo nagmula, at ang aking mga anak na babae na mula sa mga dulo ng lupa. Isaias 43:6. KDB 323.1
Napuno ng kalumbayan ang kalangitan sa pagkabatid na nawaglit ang tao, at ang sanlibutang nilalang ng Diyos upang mapuno ng mga nilalang ay nahulog sa paghihirap, sakit, at kamatayan, at walang paraan upang makatakas ang may sala. Dapat na mamatay ang buong sambahayan ni Adan. Pagkatapos ay nakita ko ang magandang mukha ni Jesus, at namasdan ang kapahayagan ng simpatya at kalumbayan sa Kanyang mukha. Hindi nagtagal nakita ko Siyang lumalapit sa labis na kaliwanagan na pumapalibot sa Ama. . . . Tatlong beses Siyang pumasok sa maluwalhating liwanag sa palibot ng Ama, at nang pangatlong beses na nagmula Siya sa Ama ay nakita namin ang Kanyang persona. . . . Pagkatapos ay ipinabatid Niya sa koro ng mga anghel na nakagawa na ng daan ng kaligtasan para sa taong nawaglit; na nagsumamo Siya sa Kanyang Ama, at nakatanggap ng pahintulot na ibigay ang Kanyang sariling buhay bilang pantubos sa lahi, upang dalhin ang kanilang mga kasalanan, at tanggapin ang sentensya ng kamatayan sa Kanyang sarili, sa ganito ay nabuksan ang daan kung saan maaari silang, sa pamamagitan ng mga kabutihan ng Kanyang dugo, makahanap ng kapatawaran para sa mga nakaraang pagsalangsang, at sa pamamagitan ng pagsunod ay maibalik sa hardin kung saan sila'y pinalayas.— Early Writings, p. 126. KDB 323.2
Hindi nagtagal ay narinig ko ang tinig ng Diyos, na umalog sa kalangitan at sa lupa. . . . Hinanap ko ang pulutong, na sa maigsing panahon dati ay nasa kahirapan at pagkaalipin. Nabaligtad ang kanilang pagkabihag. Nagniningning na kaluwalhatian ang lumiwanag sa kanila. . . . Ang lahat ng bakas ng pag- aalala at kapagalan ay nawala na, at makikita sa bawat mukha ang kalusugan at kagandahan. . . . Nanatili sa kanila ang liwanag at kaluwalhatiang ito, hanggang sa makita si Jesus sa mga ulap sa langit, at ang tapat at sinubok na pulutong ay nabago sa isang sandali, sa isang kisapmata, mula kaluwalhatian hanggang kaluwalhatian.— Ibid., pp. 272, 273. KDB 323.3