Ako, ako ang PANGINOON, at liban sa akin ay walang tagapagligtas. Isaias 43:11. KDB 324.1
Walang nahalo sa Kanyang buhay na paggigiit-sa-sarili. Ang parangal na ibinibigay ng sanlibutan sa posisyon, kayamanan, o talento ay hindi likas sa Anak ng tao. Wala sa mga pamamaraang ginagamit ng mga tao upang makamit ang paggalang o pagpaparangal ang ginamit ni Jesus. Inihuls tungkol sa Kanya daan-daang taon bago pa ang Kanyang pagkapanganak, “Siya'y hindi sisigaw, o maglalakas man ng tinig, o ang kanyang tinig man sa lansangan ay iparirinig.”— The Ministry of Healing, p. 31. KDB 324.2
Pakikipagniig kay Cristo, personal na pakikipag-ugnayan sa buhay na Tagapagligtas ang nagbibigay kakayanan sa pag-iisip at puso at kaluluwa na magtagumpay laban sa higit na mababang likas. Sabihin mo sa pagala-gala ang tungkol sa makapangyarihang kamay na tutulong sa kanyang makatayo, ang tungkol sa walang-hanggang pagkataong na kay Cristo na nahahabag sa kanya.—Christ’s Object Lessons, p. 388. KDB 324.3
Huwag hayaang mabigkas ni isang salita na magdudulot ng mas malalim na pasakit! Ihayag mo ang mapagmahal na Tagapagligtas sa kaluluwang nanlulupaypay sa buhay ng pagkakasala, ngunit hindi alam kung saan makahahanap ng ginhawa. Hawakan mo ang kanyang kamay, patayuin mo siya, bigkasin ang mga salitang magpapalakas ng loob at magbibigay pag-asa. Tulungan mo siyang hawakan ang kamay ng Tagapagligtas.— The Ministry of Healing, p. 168. KDB 324.4
Walang anumang hadlang na maaaring maitayo ng tao o ni Satanas na hindi mapapasok ng pananampalataya. Sa pananampalataya, inihagis ng babaing taga-Phoenicia ang kanyang sarili laban sa mga hadlang na pinagpatung- patong sa pagitan ng mga Judio at mga Hentil. Laban sa kabiguan, sa kabila ng mga pangyayaring maaari sanang dalhin siya sa pag-aalinlangan, nagtiwala siya sa pagmamahal ng Tagapagligtas. Sa ganitong paraan din ninanasa ni Jesus na magtiwala tayo sa Kanya. Para sa bawat kaluluwa ang mga pagpapala ng kaligtasan. Wala liban sa sarili niyang pagpili ang makapipigil sa tao na maging kabahagi ng pangakong na kay Cristo sa pamamagitan ng ebanghelyo.— The Desire of Ages, p. 403. KDB 324.5