Bibigyan ko kayo ng bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo. Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. Ezekiel 36:26. KDB 75.1
Ang mga katotohanan ng Salita ng Diyos ay hindi lamang mga pahayag ng damdamin, sa halip ay mga pahayag ng Kataas-taasan. Siyang ginawang bahagi ng kanyang buhay ang mga katotohanang ito ay nagiging sa lahat ng diwa ay bagong nilikha. Hindi siya binigyan ng bagong kakayahan ng isipan, kundi ang kadiliman dahil sa kawalang-alam at kasalanan na nagpalabo ng pagkaunawa, ay inalis. KDB 75.2
Ang mga salitang, “Bibigyan ko kayo ng bagong puso,” ay nangangahulugang, isang bagong kaisipan ang ibibigay Ko sa iyo. Ang pagbabago ng puso na ito ay laging sinasamahan ng Cristianong katungkulan, ang pagkaunawa ng katotohanan. Ang pagiging malinaw ng ating pananaw sa katotohanan ay magiging ayon sa sukat ng ating pagkaunawa sa Salita ng Diyos. Siyang nagbibigay sa Kasulatan ng malapitan at mapanalanging atensyon ay magkakaroon ng mas malinaw na pagkaunawa at tamang paghatol, na parang sa paglapit sa Diyos siya ay nakaabot sa mataas na kalagayan ng karunungan. KDB 75.3
Kung ang isipan ay nakatuon sa gawain ng pag-aaral ng Biblia, ang pagkaunawa ay mapalalakas at ang kakayahang mag-isip ay mapauunlad. Sa ilalim ng pag- aaral ng Kasulatan ay lumalawak ang kaisipan at lalong nagiging balanse higit sa kung ito ay abala sa pagkuha ng impormasyon mula sa mga aklat na walang kaugnayan sa Biblia.— Counsels to Parents, Teachers, and students, p. 452. KDB 75.4
Kapag ang puso ay naging pag-aaring lubos ng Banal na Espiritu, ito'y bumabago ng buhay. Ang masasamang isipan ay inaalis, ang mga gawang masama ay tinatalikuran; ang pag-ibig, pagpapakumbaba, at kapayapaan ang pumapalit sa galit, inggit, at pagtatalo. Ang kaligayahan ang pumapalit sa kalungkutan, at ang mukha ay nagpapakita ng liwanag ng langit. Walang sinuman ang nakakikita ng kamay na bumubuhat ng pasan, o nakakikita ng liwanag na bumababa mula sa patyo sa kaitaasan. Ang pagpapala ay dumarating kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ang kaluluwa ay isinuko ang sarili nito sa Diyos.— The Desire of Ages, p. 173. KDB 75.5