Aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo nang ayon sa aking mga tuntunin, at magiging maingat kayo sa pagsunod sa aking mga batas. Ezekiel 36:27. KDB 76.1
Sa pusong nilinis, ang lahat ay nabago. Ang pagbabago ng karakter ay ang patotoo sa sanlibutan ng nananahang Cristo. Ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa ng isang panibagong buhay sa kaluluwa, na dinadala ang mga kaisipan at mga nais sa pagsunod sa kalooban ni Cristo; at ang panloob na pagkatao ay binabago sa wangis ng Diyos. Ang mahihina at nagkakasalang mga lalaki at babae ay nagpapakita sa sanlibutan na ang tumutubos na kapangyarihan ng biyaya ay makatutulong sa may kakulangan na maging husto sa sukat at sagana sa pagiging mabunga. KDB 76.2
Ang pusong tumanggap sa Salita ng Diyos ay hindi gaya ng lawang sumisingaw, hindi gaya ng sirang imbakan ng tubig na nawawalan ng kanyang yaman. Ito ay gaya ng batis sa bundok, na pinapakain ng walang tigil na mga agos, na ang taglay na malamig, at makinang na tubig na tumatalon mula sa isang bato hanggang sa panibago, na nagpapasigla sa mga pagod, sa mga uhaw, at sa mga nabibigatan. Gaya ito ng isang ilog na patuloy na dumadaloy, at habang nagpapatuloy, ay lalong lumalalim at lumalawak, hanggang sa ang nagbibigay- buhay na tubig nito ay kumalat sa lahat ng bahagi ng lupa. Ang batis na umaawit sa pag-agos nito, ay iniiwan ang kaloob na luntian at pagiging mabunga. . . . Kapag ang lupa ay hubad at kayumanggi sa ilalim ng nakasusunog na init ng tag- araw, isang luntiang linya ang nagmamarka sa daanan ng ilog. KDB 76.3
Gayundin ang sa bawat tunay na anak ng Diyos. Ang relihiyon ni Cristo ay naghahayag ng sarili bilang nagpapasigla, at namamalaging prinsipyo, isang buhay, gumagawa, at espirituwal na enerhiya. Kapag nabuksan ang puso sa makalangit na impluwensiya ng katotohanan at pag-ibig, ang mga prinsipyong ito ay dadaloy muli na gaya ng batis sa disyerto, na ginagawang makita ang pagiging mabunga kung saan ngayon ay tagtuyot at kakulangan.— Prophets and Kings, pp. 233, 234. KDB 76.4