Mapapalad ang naghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay at makapasok sa lunsod sa pamamagitan ng mga pintuan. Apocalipsis 22:14. KDB 170.1
Magkakaroon ng nakagagulat na impluwensiya ang matapat na pagsunod sa mga hinihiling ng Diyos na magpapataas, maglilinang, at magpapalakas sa lahat ng mga kakayanan ng tao. Silang nagtalaga ng kanilang mga sarili sa paglilingkod sa Diyos sa kanilang kabataan ay matatagpuan bilang mga taong may maayos na paghatol at matalas na pagkilala. At bakit hindi magiging ganito? Nagpapalakas sa pag-unawa, nagbibigay-liwanag sa pag-iisip, at nagpapadalisay sa puso ang pakikipag-ugnayan sa pinakadakilang Guro na nakilala ng sanlibutan. Ito'y nagpapataas, nagpapahusay, at ginagawang marangal ang buong pagkatao. . . . KDB 170.2
Sa mga kabataang nag-aangkin ng kabanalan, marami ang tila sumasalungat sa pahayag na ito. Wala silang ginagawa upang umunlad sa kaalaman o sa espirituwalidad. Ang kanilang kapangyarihan ay humihina, imbes na lumalago. Ngunit totoo ang mga salita ng mang-aawit tungkol sa tunay na Cristiano. Hindi talaga ang lantad na titik ng Salita ng Diyos ang nagbibigay liwanag at pang- unawa; ito ang Salitang binubuksan at inilalapat sa puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Kapag tunay na nahikayat ang isang tao, siya'y nagiging anak ng Diyos, isang nakikibahagi sa banal na likas. Hindi lamang napapanibago ang puso, kundi ang pang-unawa ay napalalakas at nabibigyang sigla. Maraming mga pagkakataon kung saan bago mahikayat ang mga tao, ay inisip na nagtataglay ng pangkaraniwan at mahinang kakayanan, ngunit, pagkatapos na sila'y mahikayat ay tila lubusang nabago. Sila'y nagpakita ng kakaibang kapangyarihan upang maunawaan ang mga katotohanan ng Salita ng Diyos, at ipahayag ang mga katotohanang ito sa iba. . . . KDB 170.3
Gagawa ang Diyos ng dakilang gawain para sa mga kabataan, kung sa pamamagitan ng tulong ng Banal na Espiritu, tatanggapin nila ang Kanyang Salita sa puso at ito'y isasabuhay.— Messages to Young People, pp. 65, 66. KDB 170.4