Pagpapakilala—Ang Ubasan ng Panginoon
Dahilan sa adhikaing madala ang pinakamabudng kaloob ng Langit sa lahat ng tao sa lupa, na dnawagan ng Dios si Abraham mula sa mga kaanak na sumasamba sa mga diyus-diyusan at inatasang manirahan sa lupain ng Canaan. “Gagawin kitang isang malaldng bansa,” wika Niya, “at ikaw ay Aldng pagpapalain, at padadaldlain Ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran.” Genesis 12:2. Dakilang karangalan ang pagkatawag kay Abraham—ang maging ama ng bayan sa maraming daantaon at magiging tagapag-ingat at tagapagtanggol ng katotohanan ng Dios sa lupa, ang bayang sa pamamagitan nila ang lahat ng mga bansa sa lupa ay pagpapalain sa pagdating ng ipinangakong Mesias.PH 15.1
Ang tao ay nawalan ng pagkilala sa tunay na Dios. Ang kanilang isipan ay pinadilim ng pagsamba sa mga diyus-diyusan. Sapagkat ang mga makalangit na kautusang “banal, at matuwid, at mabuti” (Roma 7:12), ay sinikap ng taong palitan ng mga batas na kaayon ng mga layunin ng mga pusong malupit at makasarili. Gayunman, sa kahabagan ng Dios ay hindi sila pinatay. Ipinanukala pang bigyan sila ng pagkakataon upang makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang iglesia. Idinisenyong sa pamamagitan ng mga simulaing inihayag sa Kanyang bayan ay maisauli ang larawang moral ng Dios sa tao.PH 15.2
Ang kautusan ng Dios ay dapat maitaas, ang Kanyang otoridad ay mapanatili, at sa sambahayang Israel ay nabigay ang dakila at banal na gawaing ito. Inihiwalay sila ng Dios mula sa sanlibutan, upang maipagkadwala sa kanila ang isang banal na pagkakatiwala. Ginawa silang taguan ng Kanyang kautusan, at ipinanukala na sa kanila ay iingatan para sa tao ang pagkakilala sa Kanya. Sa gayon ang liwanag ng langit ay sisilang sa isang sanlibutang may lambong ng kadiliman, at isang tinig ay madidinig na tumatawag sa lahat ng tao na bumalikwas sa pagsamba sa mga diyus-diyusan upang maglingkod sa buhay na Dios.PH 15.3
“Sa pamamagitan ng dalkilang kapangyarihan, at makapangyarihang kamay,” inilabas ng Dios ang bayang pinili mula sa lupain ng Egipto. Exodo 32:11. “Kanyang sinugo si Moises na Kanyang lingkod; at si Aaron na Kanyang hirang. Kanilang inilagay sa gitna nila ang Kanyang mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Cham.” “Kanyang sinaway naman ang Dagat na Pula, at natuyo: sa gayo’y pinatnubayan Niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.” Awit 105:26, 27; 106:9. Iniligtas Niya sila mula sa pagiging alipin, upang dalhin sila sa isang mainam na lupain, isang lupaing inihanda ng Dios upang maging tanggulan laban sa mga kaaway. Dadalhin Niya sila sa Kanya at yayakapin sila ng walang hanggang bisig; at kapalit ng kabudhan at kahabagang ito, pararangalan nila at gagawing maluwalhad ang Kanyang pangalan sa lupa.PH 16.1
“Ang bahagi ng Panginoon ay ang Kanyang bayan; si Jacob ang bahaging mana Niya. Kanyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, at sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kanyang kinanlungan sa palibot, Kanyang nilingap, Kanyang iningatang parang salamin ng Kanyang mata: parang agila na kumikilos ng kanyang pugad. Na yumuyungyong sa kanyang mga inakay, kanyang ibinubuka ang kanyang mga pakpak: ang Panginoon na mag-isa ang pumatnubay sa kanya, at walang ibang diyos na kasama niya.” Deuteronomio 32:9-12. Sa gamto ay pinalapit ng Dios ang Israel sa Kanya, upang sila ay manahan sa lilim ng Pmakamataas. May himalang inalagaan sila sa mga panganib ng paglilimayon sa ilang at sa huli ay itinatag sa Lupang Pangako bilang bansang pinili.PH 16.2
Sa pamamagitan ng talinhaga, isinaysay sa atin ni Isaias na may nagpapakilos na kalungkutan ang istorya ng pagtawag sa Israel at pagsasanay sa kanila upang makatayo sa sanlibutan bilang kinatawan ni Jehova, mabunga sa mabubuting gawa:PH 17.1
“Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol sa Kanyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol: at Kanyang binangbangan ang palibot, at inalis ang mga bato, at dnamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: at Kanyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.” Isaias 5:1,2.PH 17.2
Sa pamamagitan ng bayang hirang, nilayon ng Dios na dalhin ang pagpapala sa buong sangkatauhan. “Ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo,” wika ng propeta, “ay ang sambahayan ng Isarel, at ang mga tao sa Juda ay ang Kanyang maligayang pananim.” Isaias 5:7.PH 17.3
Sa bayang ito ay ipinagkadwala ang mga orakulo ng Dios. Binakuran sila ng Kanyang mga kautusan, ang walang hanggang prinsipyo ng katotohanan, katarungan, at kadalisayan. Ang pagsunod sa mga simulaing ito ang magiging sanggalang nila, sapagkat ilihgtas sila ng mga ito sa mapanirang makasalanang gawi. At bilang tore sa ubasan, inilagay ng Dios sa gitna ng lupain ang Kanyang banal na templo.PH 17.4
Si Kristo ang kanilang tagapagturo. Kung paanong nakasama nila Siya sa ilang, Siya pa rin ang magiging guro at patnubay nila. Sa tabernakulo at templo ang Kanyang kaluwalhatian ay nanahan sa banal na Sheldna sa ibabaw ng luklukan ng awa. Para sa kanila ay palagiang inihayag ang kayamanan ng Kanyang pag-ibig at pagtitiyaga.PH 17.5
Sa pamamagitan ni Moises malinaw na inihayag ng Dios sa kanila ang pakay at mga kundisyon ng kasaganaan. “Sapagkat ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios,” kanyang sinabi; “pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa Kanyang Sanling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.”PH 18.1
“Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo’y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa Kanyang mga daan, at iyong gaganapin ang Kanyang mga palatuntunan, at ang Kanyang mga utos, at ang Kanyang mga hatol, at iyong didinggin ang Kanyang tinig: at inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa Kanyang sanling pag-aari, gaya ng ipinangako Niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng Kanyang utos; at upang itaas ka sa lahat ng bansa na Kanyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng Kanyang sinabi.” Deuteronomio 7:6; 26:17-19.PH 18.2
Ang mga anak ng Israel ay tatahan sa lahat ng teritoryong itinalaga ng Dios para sa kanila. Ang mga bansang tumanggi sa pagsamba at paglilingkod sa tunay na Dios ay palalayasin. Ngunit panukala ng Dios na sa paghahayag ng Kanyang likas sa pamamagitan ng Israel ang mga tao ay mailalapit sa Kanya. Sa buong mundo ay ibibigay ang paanyaya ng ebanghelyo. Sa pagtuturo ng mga serbisyo ng sakripisyo, si Kristo ay maitataas sa mga bansa, at lahat ng titingin sa Kanya ay mabubuhay. Lahat, ng tulad ni Rahab ang Canaaneo at Ruth na Moabita, na bumalikwas mula sa pagsamba sa mga diyus- diyusan tungo sa tunay na Dios ay sasanib sa Kanyang bayang pinili. Sa pagdami ng bilang ng Israel, palalawakin nila ang kanilang mga hangganan hanggang ang kanilang kaharian ay lumaganap sa mundo.PH 18.3
Datapuwat hindi nakatupad ang matandang Israel sa layunin ng Dios. Wika ng Panginoon, “Gayon ma’y dnamnan lata ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabudng binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa Akin?” “Ang Israel ay isang mayabong na baging, na nagbunga.” “At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem, at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo Ko sa inyo, Ako at ang Aking ubasan. Ano pa ang magagawa Ko sa Aking ubasan na hindi Ko nagawa? Ano’t nang Aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas, nagbunga ng ubas gubat? At ngayo’y Aking sasaysayin sa inyo ang gagawin Ko sa Aking ubasan: Aking aalisin ang bakod na silt niyaon, at sasalantain; Aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan: at Aking pabababayaang sira: hindi kakapunin o bubukinn man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik Akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan. Sapagkat...Siya’y naghihintay ng kahatulan, ngunit narito, kapigharian; ng katuwiran, ngunit narito, daing.” Jeremias 2:21; Oseas 10:1; Isaias 5:3-7. PH 19.1
Sa pamamagitan ni Moises ay inilahad ng Dios sa bayan ang magiging bunga ng kawalang pagtatapat. Sa pagtangging ingatan ang opan, puputulin nila ang kaugnayan sa buhay ng Dios, at ang pagpapala Niya ay hindi nila matatanggap. Kung minsan ang babalang ito ay dininig, at mayamang pagpapala ay napasa bansang Judio at sa mga palibot na mga bayan. Ngunit higit na madalas sa kanilang kasaysayan ay nakalimutan nila ang Dios at nawalan ng pananaw sa mataas na karapatang pagiging kinatawan Niya. Ninakaw nila mula sa Kanya ang paglilingkod na inaasahan sa kanila, at ninakawan din nila ang kanilang kapwa ng patnubay sa relihiyon at banal na halimbawa. Hinangad nilang mapasa kanila lamang ang mga bunga ng ubasan na dito ay kadwala lamang sila. Ang kanilang kasakiman at kayamuan ang naging sanhi na kamuhian sila maging ng mga mananamba sa mga diyus-diyusan. Sa garuto ay nabigyang pagkakataon ang mga Gentil na bigyan ng maling larawan ang likas ng Dios at ang mga batas ng Kanyang kahanan.PH 19.2
Taglay ang puso ng isang ama, ang Dios ay nagdis sa Kanyang bayan. Nagsumamo Siya sa kanila sa mga kahabagang kaloob at binawi. Matiyagang inihayag sa kanila ang mga pagkakasala at may pagpapahinuhod na naghintay na ang mga ito’y kilalanin. Mga propeta at mensahero ay isinugo upang igiit ang pag-aangkin ng Dios sa mga tagapag-alaga ng ubasan; ngunit, sa halip na tanggapin, ang mga lalaking ito ng pagkaunawa at kapangyarihang espirituwal ay itinuring na mga kaaway. Inusig at pinatay sila ng mga tagapag-alaga. Ngunit nagpahatid pa ang Dios ng ibang mensahero, ngunit katulad din ng nauna ang pakikitungo nila, at may higit pang pagkamuhi.PH 20.1
Ang pag-atras ng kaluguran ng Dios sa panahon ng Pagkabihag ay umakay sa marami upang magsisi, ngunit nang makabalik na sa Lupang Pangako ang bansang Judio ay umulit lamang sa mga pagkakamali ng mga naunang salin ng lahi at naldpagtalong pulitikal sa mga karadg na bansa. Ang mga propetang isinugo ng Dios upang magtuwid ng mga kasalukuyang kasamaan ay dnanggap na may suspetsa at pag-aglahi katulad noong una; at sa gayon, sa paglakad ng mga daangtaon, ang mga tagapag-alaga ng ubasan ay nagdagdag lamang sa kanilang mga pagkakasala.PH 20.2
Ang mabudng ubas na itinanim ng banal na Tagapag-alaga sa mga burol ng Palestina ay itinakwil ng mga lalaki ng Israel at sa huli’y itinapon sa kabila ng pader ng ubasan; sinugatan nila ito at tinapaktapakan at umasa sila na nawasak nila ito nang tuluyan. Kinuha ng Tagapag-alaga ang ubasan at itinago ito sa kanila. Muli itong itinanim, datapuwat sa kabila na ng bakod at sa paraang ang puno ay hindi na malata pa. Ang mga sanga ay sumampa sa mga bakod, at ang mga idinugtong ay nasama dito; datapuwat ang puno ay inilayo sa kakayahang maabot ng tao o masaktan.PH 20.3
May tanging halaga sa iglesia ng Dios ngayon sa lupa—ang tagapag-alaga ng Kanyang ubasan—ang mga pabalita ng payo at panawagan sa pamamagitan ng mga propetang nagpaliwanag ng walang hanggang layunin ng Dios sa sangkatauhan. Sa mga turo ng mga propeta, ang Kanyang pag-ibig sa lahing waglit at ang panukala sa kanilang kaligtasan ay maliwanag na inihayag. Ang istorya ng pagtawag sa Israel, ng kanilang mga tagumpay at kahinaan, ng kanilang pagsasauli sa kaluguran ng Dios, ng pagtanggi nila sa Panginoon ng ubasan, at ang pagsasagawa ng panukala ng kapanahunan sa pamamagitan ng mabudng nalabi na sa kanila’y matutupad ang lahat ng pangako ng tipan—ito ang naging tema ng mga mensahero ng Dios sa Kanyang iglesia sa lahat ng mga daantaong lumipas. At ngayon ang pabalita ng Dios sa Kanyang iglesia—sa kanilang nagaalaga ng Kanyang ubasan bilang tapat na katiwala—ay yaong sinalita ng propeta noon una:PH 21.1
“Awitui ninyo sa kanya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alalc Akong Panginoon ang nag-ungat; Along didiligin tuwi-tuwina: baka saktan ng sinuman, Along ungatan gabi’t araw.” Isaias 27:2, 3.PH 21.2
Paasahin ang Israel sa Dios. Ang Panginoon ng ubasan ay nagtitipon ngayon mula sa mga bansa at bayan ng mahahalagang bungang matagal na Niyang hinihintay. Di magtatagal ay daratdng Siya sa sariling Kanya; at sa masayang araw na yaon ang walang katapusang panukala Niya sa sambahayang Israel ay matutupad. “Sa mga araw na darating ay mag-uugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko; at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanlibutan.” Talatang 6.PH 21.3