Huwag kang papatay. Exodo 20:13. LBD 59.1
Ang lahat ng gawaing hindi makatuwiran na nagpapaigsi ng buhay; ang espiritu ng pagkamuhi at pagganti, o ang pagpapasasa sa anumang damdamin na humahantong sa mga gawaing nakapananakit sa kapwa o nagiging sanhi para naisin din nating masaktan sila (dahil “ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao”); ang makasariling paglimot sa pagkalinga sa mga nangangailangan o mga naghihirap; ang lahat ng pagpapakasasa sa sarili o hindi kinakailangang pagtanggi sa sarili o ang labis na paggawa na humahantong sa pagkasira ng kalusugan—ang lahat ng mga ito, sa antas na humigit o kumulang, ay mga paglabag sa ikaanim na utos.— Patriarchs and Prophets, p. 308. LBD 59.2
May ibang nagsasakripisyo ng mga pangangailangang pisikal at moral, na iniisip na makahahanap sila ng kaligayahan, ngunit nawawala sa kanila ang kanilang kaluluwa at pangangatawan pagkatapos nito. Maghahanap ng kanilang kasiyahan ang iba sa pagpapakasasa sa hindi likas na panlasa, at iniisip na nakabubuti ito sa kalusugan at buhay. May ibang pinahihintulutan ang kanilang sarili na maalipin sa mga damdamin, at nagsasakripisyo ng mga kalakasang pisikal, intelektuwal, at moral sa pagbibigay hilig sa katakawan. Dinadala nila ang kanilang sarili sa hindi napapanahong libing, at mahahatulan sa paghuhukom ng pagpatay sa sarili.— The Youth’s Instructor, April 1, 1872. LBD 59.3
Nagmula kay Satanas ang espiritu ng pagkamuhi at paghihiganti; at humantong ito sa kanyang pagpatay sa Anak ng Diyos. Sinumang nagtataglay ng masamang hangarin o kasamaan ay nagtataglay rin ng ganitong espiritu; at ang bunga nito ay kamatayan. Nakapaloob sa kaisipang mapaghiganti ang masamang gawa na gaya ng halaman sa binhi.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 89. LBD 59.4
Tinatandaan ng kautusan ng Diyos ang paninibugho, pananaghili, pagkamuhi, paninirang-puri, paghihiganti, pagnanasa, at lunggating umaagos sa kaluluwa, ngunit hindi nakita sa panlabas na pagkilos, dahil sa kakulangan ng pagkakataon, hindi ng kalooban. At dadalhin sa paglilitis ang mga makasalanang damdaming ito sa araw na “dadalhin ng Diyos ang bawat gawa sa paghuhukom.”— The Signs of the Times, January 10, 1911. LBD 59.5
Si Cristo ang katuwiran, kabanalan, at pagtubos sa mga nananampalataya sa Kanya. . . . Naglagay Siya sa harapanan natin ng dakilang halimbawa ng banal na pagsunod sa batas ng Diyos.— The Review and Herald, February 4, 1890. LBD 59.6