Huwag kang mangangalunya. Exodo 20:14. LBD 60.1
Nagbabawal ang kautusang ito hindi lamang sa mga gawaing mahalay, kundi maging sa mga makalamang mga pag-iisip at pagnanasa, o anumang gawaing humahantong sa pag-antig sa kanila. Hinihingi ang kadalisayan hindi lamang sa panlabas na kabuhayan, kundi maging sa mga lihim na pagnanasa at damdamin ng puso. Si Cristo na Siyang nagturo ng malawak na pangangailangan ng batas ng Diyos, ay nagsabi na ang masamang pag-iisip o tingin ay tunay na kasalanan na gaya ng gawaing paglabag.— Patriarchs and Prophets, p. 308. LBD 60.2
Kapag minahal at tinaglay ang masamang pag-iisip, gaano man kalihim, sinabi ni Jesus, ipinakikita nitong kasalanan pa rin ang naghahari sa puso. Naroon pa rin ang kaluluwa sa kapaitan at sa pagkakabulid sa kasalanan. Siyang nalulugod sa pag-iisp sa mga tanawin ng kahalayan, na nagbibigay lugod sa masamang pag-iisip, sa makalamang pagtingin, ay maaaring tumingin sa hayagang pagkakasala, kasama ang kahihiyan at nakapanlulumong kalumbayang sangkap nito, na siyang tunay na likas ng kasamaang itinatago niya sa mga silid ng kanyang kaluluwa. Ang panahon ng pagtukso, kung kailan nahuhulog sila sa masamang pagkakasala, ay hindi bumubuo sa kasamaang nahayag, kundi pinagyayaman lamang o ipinahahayag iyong natatago at likas sa puso. Kung anong “iniisip niya sa loob niya ay gayon siya”; dahil mula sa puso “dumadaloy ang mga bukal ng buhay.”—Thoughts From the Mount of Blessing, p. 94. Ang pusong pinananahanan ni Cristo, ay mapupuno, masisiyahan, sa Kanyang pag-ibig na anupa’t hindi ito mapupuno ng pagnanasang gumanyak sa simpatya at pansin sa sarili. At sa pamamagitan ng pagsuko ng kaluluwa sa Diyos, makagaganap ang Kanyang karunungan sa hindi magagawa ng karunungan ng tao.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 101. LBD 60.3
Habang may buhay, nananatili ang pangangailangang bantayan ang mga damdamin at mga pagnanasang may matibay na layunin. Hindi tayo makatitiyak sa isa mang sandali malibang nagtitiwala tayo sa Diyos, sa buhay na natatago kay Cristo.— Prophets and Kings, p. 84. LBD 60.4
Habang mas malapit tayong nabubuhay kay Jesus, lalong higit tayong makikibahagi sa Kanyang dalisay at banal na karakter; at mas mag-aanyong masama ang kasalanan sa atin, higit din namang magiging mataas at karapat-dapat nasain ang kadalisayan at kaliwanagan ni Cristo.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 141. LBD 60.5