Huwag kang magnanakaw. Exodo 20:15. LBD 61.1
Kasama sa pagbabawal na ito ang mga hayag at hindi hayag na pagkakasala. Nagbabawal ang ikawalong utos sa pagnanakaw sa tao at pagbebenta ng mga alipin, at gayundin sa mga digmaang pananakop. Ipinagbabawal nito ang pagnanakaw at panloloob. Humihingi ito ng mahigpit na katapatan sa pinakamaliliit na detalye ng mga pangyayari sa buhay. Ipinagbabawal nito ang labis na pagpapatubo sa kalakalan, at humihingi ng pagbabayad ng makatuwirang pagkakautang at pasahod. Sinasabi nitong naitatala sa mga aklat ng langit bilang pandaraya ang bawat pagsusumikap na makinabang mula sa kakulangan ng kaalaman, kahinaan, o pagkasawim-palad ng inyong kapwa.— Patriarchs and Prophets, p. 309. LBD 61.2
Dapat bantayan ng ikawalong utos ang kaluluwa, at bakuran ang tao, upang hindi siya makagawa ng nakapananakit na panghihimasok—na maaari niyang magawa sa karapatan ng kanyang kapwa bunga ng kanyang pagmamahal sa sarili at pagnanasa para sa pakinabang. Ipinagbabawal nito ang bawat uri ng pagsisinungaling, kawalang katarungan, o pandaraya, gaano man ito kalaganap, gaano man ito tila mapahihintulutan ng mga maaaring mangyari.— Letter 15, 1895. LBD 61.3
Isinulat ng daliri ng Diyos ang “Huwag kang magnanakaw” sa mga tapyas ng bato, ngunit gaano kalaganap ang patagong pagnanakaw ng damdamin na ginagawa at binibigyang paumanhin. Napananatili ang isang mapandayang pagliligawan, naitatago ang pribadong komunikasyon, hanggang sa ang mga damdamin ng isang walang karanasan at hindi nakaaalam kung saan hahantong ang mga bagay na ito, ay mailayo sa kanyang mga magulang at mailagay sa lalaking nagpapakita sa kanyang mga gawa na hindi karapat-dapat sa kanyang pagmamahal. Hinahatulan ng Biblia ang bawat uri ng kawalang katapatan.— Fundamentals of Christian Education, p. 102. LBD 61.4
Ang paglaruan ang mga puso ay isang krimen na hindi maliit sa paningin ng banal na Diyos.— The Adventist Home, p. 57. LBD 61.5
Kung paano tayo makitungo sa ating kapwa sa maliit na mga pandaraya o sa mas mapangahas na panlilinlang, gayundin tayo nakikitungo sa Diyos. Magsasagawa ng kanilang mga prinsipyo ang mga taong nagpapatuloy sa daan ng pandaraya hanggang dayain nila ang sarili nilang mga kaluluwa at maiwala ang kalangitan at ang buhay na walang-hanggan.— The Adventist Home, p. 392. LBD 61.6
Habang nagpapatuloy ang langit at ang lupa, ang mga banal na prinsipyo ng kautusan ng Diyos . . . ay magpapatuloy, na isang bukal ng pagpapala, na nagdadala ng mga agos upang pasiglahin ang lupain.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 80. LBD 61.7