“Kayo'y mag-ingat, kayo'y magbantay, sapagkat hindi ninyo nalalaman kung kailan ang panahon” Marcos 13:33, TKK 326.1
Ipinagkaloob ng Diyos na ang Kanyang bumabagong kapangyarihan ay maramdaman sa kabuuan ng malaking kapulungang ito. O, na ang kapangyarihan ng Diyos ay matanggap ng Kanyang bayan. Ang kailangan natin ay araw-araw na kabanalan. Kailangan natin saliksikin ang Kasulatan araw-araw, ang manalanging taimtim na ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos ay maging nararapat sa bawat isa sa atin na gumawa sa ating bahagi sa Kanyang bukirin. Walang sinuman ang handang magturo at magpalakas sa iglesya malibang kanyang tinanggap ang kaloob ng Banal na Espiritu. Walang ministro ang handang may katalinuhang maglingkod para sa kaligtasan ng mga kaluluwa, malibang pinagkalooban siya ng Banal na Espiritu, malibang pinakakain siya kay Cristo, at may matinding pagkamuhi sa kasalanan. . . . TKK 326.2
Ako'y walang tiyak na oras na mababangit kung kailan magaganap ang pagbubuhos ng Banal na Espiritu—kapag ang makapangyarihang anghel ay bumaba mula sa langit, at sumama sa ikatlong anghel sa pagsasara ng gawain sa sanlibutang ito; ang aking mensahe ay na ang ating kaligtasan ay ang pagiging handa para sa makalangit na pagpapanariwa, na ang ating mga ilawan ay naayos at nag-aapoy. Sinabihan tayo ni Cristo na magbantay; “sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan” (Mateo 24:44). “Magbantay at manalangin” ang utos na ibinigay sa atin ng ating Manunubos. Hanapin natin araw-araw ang pagpapaliwanag ng Banal na Espiritu ng Diyos, upang magawa nito ang trabaho nito sa kaluluwa at karakter. O, gaano kahabang panahon ang nasasayang sa pag-uukol ng panahon sa mga mababaw na mga bagay. Mangagsisi at magbago, upang maalis ang inyong mga kasalanan sa pagdating ng oras ng pagpapanariwa mula sa kinaroroonan ng Panginoon. TKK 326.3
Nanawagan kami sa inyo ngayon na ibigay ang inyong mga sarili sa paglilingkod sa Diyos. Matagal na masyado na ibinigay mo ang iyong kalakasan sa paglilingkod kay Satanas, at naging alipin ng kanyang kalooban. Tumatawag ang Diyos sa inyo na pagmasadan ang kaluwalhatian ng Kanyang karakter, na sa pamamagitan ng pagtingin, ikaw ay mabago sa Kanyang larawan Naparito si Cristo para ihayag sa sanlibutan ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos.— EVIEW AND HERALD, March 29,1892. TKK 326.4