“Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa,” Apoealipsis 3:10 TKK 373.1
Nagpapatuloy ang labanan sa pagitan ng puwersa ng kabutihan at puwersa ng masama, sa pagitan ng anghel ng mga Diyos at mga nangahulog na mga anghel. Inaatake tayo mula sa harapan at sa likuran, sa kanan at sa kaliwa. Ang labanang ating pinagdadaanan ay siyang huli na mayroon tayo sa sanlibutang ito. Tayo ngayon ay nasa kalagitnaan nito. Dalawang panig ang naglalaban para mangibabaw. Sa labanang ito ay hindi tayo maaaring maging walang pinapanigan. Dapat tayong tumayo sa isang panig o sa kabila. TKK 373.2
Kung pumanig tayo sa tabi ni Cristo, kung ating kikilalanin Siya sa buong mundo at gagawa, magdadala tayo ng buhay ng patotoo sa kung sino ang pinili nating paglingkuran at kilalanin. Sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng sanlibutang ito, hindi natin maaaring iwan ang sinuman sa kawalang kasiguruhan sa kung kaninong panig tayo naroroon. . . . TKK 373.3
“Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.” Ipinakikita sa kasulatang ito ang oras ng pagtukso na susubok sa kanilang nananahan sa lupa. Nabubuhay tayo ngayon sa mga oras ng pagsubok na ito. Walang daan para makatakas sa labanang ito. Kung sa buhay mo ay may katangian ng karakter na mayroong depekto na hindi ka nagsisikap na pagtagumpayan, makasisiguro kang sasamantalahin ng kaaway ang mga ito; sapagkat nagbabantay siyang may kasigasigan, nagsisikap na sayangin ang pananampalataya ng lahat. TKK 373.4
Para magtamo ng tagumpay laban sa lahat ng pag-atake ng kaaway, dapat nating panghawakan ang kapangyarihang wala at higit sa sarili natin. Dapat nating panatilihin ang patuloy at buhay na ugnayan kay Cristo, na may kapangyarihang magbigay ng tagumpay sa bawat kaluluwang magpapanatili ng ugali ng pananampalataya at pagpapakumbaba. Kungsapat na tayo sa ating sarili at iisipin nating makahahayo tayo sa sarili nating kagustuhan, at sa gayon ay aasang makalalabas sa tamang panig sa kahulihan, makikita nating nagkaroon tayo ng malaking pagkakamali. Kung paanong yaong mga umaasang makatatanggap ng gantimpala sa nagtagumpay, dapat tayong magsikap umusad sa Cristianong pakikipaglaban, bagamat sa bawat pag-usad tayo ay haharap sa pakikipaglaban.— REVIEW AND HERALD, July 9,1908 . TKK 373.5