“Ang magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan” Apocalipsis 3:12 TKK 374.1
Parang isang kahanga-hanga para sa ating ihayag ni Cristo ang Kanyang sarili kay Juan bilang Siya, nakapagtatakang Kanyang binanggit ang Kanyang sarili sa mga iglesya. Ngunit dapat nating alalahaning ang iglesya, mahina at may depekto man ito, ay ang paksa ng napakataas na pagpapahalaga ni Cristo. Patuloy na ito'y Kanyang binabantayang may mahabaging pagmamahal, at pinalalakas ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Atin kayang, bilang miyembro ng iglesya, papayagan Siyang pangunahan ang ating mga isipan at gumawa sa pamamagitan natin sa ikaluluwalhati Niya? Atin bagang susundin ang mga mensaheng sinasabi Niya sa iglesya? Ating sikaping maging kabahagi ng bilang ng mga makikipagtagpo sa Kanya na may kaligayahan sa Kanyang pagdating, at hindi kabilang doon sa mga “tatangis dahil sa kanya” (Apocalipsis 1:7). Ating siguruhin ang ating pagkatubos sa pagsunod sa mga mensaheng ibinigay Niya sa Kanyang iglesya. TKK 374.2
Dinadala ni Cristo sa iglesya ang mga salita ng pang-aliw: “Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali; panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang walang makaagaw ng iyong korona. Ang magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan” (Apocalipsis 3:10-12). TKK 374.3
Magsumikap tayong magtamo ng saganang pagpasok sa loob ng kaharian ng ating Panginoon. Ating masikap na pag-aralan ang ebanghelyo na si Cristo mismo ay naparito para ipakita kay Juan sa Isla ng Patmos—ang ebanghelyong binanggit bilang “Ang apocalipsis ni Jesu-Cristo, na ibinigay ng Diyos sa kanya upang ipahayag sa kanyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari sa madaling panahon” (Apocalipsis 1:1). Palagi nating alalahaning “Mapalad ang bumabasa at ang nakikinig ng mga salita ng propesiya at tumutupad ng mga bagay na nasusulat dito, sapagkat ang panahon ay malapit na” (talatang 3).— SIGNS OF THE TIMES, February 4,1903. TKK 374.4