Sapagkat sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon, upang Siya'y turuan niya? Subalit nasa amin ang pag-iisip ni Cristo, 1 Corinto 2:16, TKK 57.1
Habang nahihikayat ang tao sa katotohanan, ang gawain ng pagbabago ng karakter ay nangyayari rin. Meron siyang karagdagang sukat ng pagkaunawa, sa pagiging isang taong masunurin sa Diyos. Ang kaisipan at kalooban ng Diyos ay nagiging kanyang kalooban, at sa palagiang pag-asa sa Diyos para sa payo, siya'y nagiging taong may higit na pagkaunawa. Nagkakaroon ng pangkalahatang pagsulong ng isipan na walang-pasubaling inilalagay sa ilalim ng gabay ng Espiritu ng Diyos. TKK 57.2
Hindi ito tagibang na edukasyon, na humuhubog ng tagibang na karakter; kundi kita ang sabay-sabay na pagsulong ng karakter. Ang mga kahinaang nakita sa walang-kapangyariha't urung-sulong na karakter ay napapanagumpayan, at ang tuluy-tuloy na debosyon at kabanalan ay inihahatid yung tao sa gayong napakalapit na relasyon kay Jesu-Cristo anupa't nagkakaroon siya ng pagiisip ni Cristo. Kaisa siya ni Cristo, palibhasa'y may kahusayan at kalakasan ng prinsipyo at kalinawan ng pagkaunawa, na siyang karunungang galing sa Diyos na pinagmumulan ng lahat ng liwanag at kaunawaan. TKK 57.3
Bumagsak ang biyaya ng Diyos gaya ng Araw ng Katuwiran sa mapagpakumbaba, masunurin, at tapat na kaluluwa, na pinalalakas ang mga kakayahan ng isipan, at sa pinakanakamamanghang paraan ay tuluy-tuloy na pinalalakas at pinalalago sa biyaya at sa pagkakilala kay Jesu-Cristo, yung mga gustong gamitin ang kanilang kapasidad sa paglilingkod sa Panginoon, maliit man ito, sa pamamagitan ng pagsunod at pagsasakabuhayan, at pinagtataglay ng maraming bunga sa ikaluluwalhati ng Diyos, sa mabubuting gawa. Kaya't ang mga taong may pinag-aralan at matitindi ang mga nakamtan ay natuto ng pinakamahalagang mga aral mula sa turo at halimbawa ng mga walang pinagaralan, na siyang tawag sa kanila ng sanlibutan. Ngunit kung magkakaroon sila ng mas malalim pang pananaw, makikitang nagkamit sila ng karunungan sa pinakamataas na klase ng paaralan, sa paaralan nga ni Jesu-Cristo.... Ang pagbubukas ng Salita ng Diyos ay sinusundan ng kapansin-pansing pagpapalakas sa mga kakayahan ng isang tao; sapagkat ang pagpasok ng Salita ng Diyos ay aplikasyon ng banal na katotohanan sa puso, na lumilinis at pumipino sa kaluluwa sa pamamagitan ng ahensya ng Banal na Espiritu.— REVIEW AND HERALD, June 19,1887 . TKK 57.4