“Kayo'y tumingin sa Akin, at kayo'y maliligtas, lahat ng dulo ng lupa! Sapagkat Ako'y Diyos, at walang iba liban sa Akin'.'Isaias 45:22, TKK 59.1
Upang masunod ang hinihingi ng kautusan, kailangang panghawakan ng ating pananampalataya ang katuwiran ni Cristo, na tinatanggap ito bilang ating katuwiran. Sa pamamagitan ng pakikiisa kay Cristo, sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya, maaari tayong maging marapat na gawin ang mga gawain ng Diyos, na maging mga kamanggagawa ni Cristo. Kung gusto mong magpaanod sa agos ng kasamaan, at hindi makipagtulungan sa mga makalangit na ahensya sa pagpigil sa paglabag sa inyong pamilya, at sa iglesya, para maipasok ang walang-hanggang katuwiran, wala kang pananampalataya. TKK 59.2
Gumagawa ang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig at nililinis nito ang kaluluwa. Sa pamamagitan ng pananampalataya, gumagawa ang Banal na Espiritu sa puso upang lumikha ng kabanalan dito; pero hindi ito magagawa malibang gumawa ang instrumentong tao kasama ni Cristo. Maiaangkop lamang tayo sa langit sa pamamagitan ng paggawa ng Banal na Espiritu sa puso; dahil kailangang mapasaatin ang katuwiran ni Cristo bilang kredensyal natin kung gusto nating makarating sa Ama. Para mapasaatin ang katuwiran ni Cristo, kailangan nating mabago araw-araw ng impluwensya ng Espiritu, at maging kabahagi ng banal na likas. Gawain ng Banal na Espiritu na iangat ang hilig, pabanalin ang puso, at parangalin ang buong pagkatao. TKK 59.3
Tingnan ng kaluluwa si Jesus. “Narito ang Tupa ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29). Walang pipiliting tumingin kay Cristo; pero ang tinig ng paanyaya ay naririnig sa sabik na pakikiusap, “Tumingin ka at mabuhay.” Sa pagtingin kay Cristo, makikita natin na ang Kanyang pag-ibig ay walang kapantay, na kinuha na Niya ang lugar ng salaring makasalanan, at ibinilang sa kanya ang walang-bahid Niyang katuwiran. TKK 59.4
Kapag nakikita ng makasalanan ang kanyang Tagapagligtas na namamatay sa krus sa ilalim ng sumpa ng kasalanan kapalit niya, at namamasdan ang nagpapatawad Niyang pagmamahal, nagigising ang pag-ibig sa puso. Minamahal ng makasalanan si Cristo, dahil una siyang minahal ni Cristo, at ang pagmamahal ang siyang katuparan kautusan (Roma 13:10). Napapagtanto ng kaluluwang nagsisisi na ang Diyos “ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan” (1 Juan 1:9). Ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa kaluluwa ng mananampalataya, tinutulungan siyang sumulong mula sa isang linya ng pagsunod hanggang sa isa pa, na nakakaabot mula sa kalakasan hanggang sa higit pang kalakasan, mula sa biyaya hanggang sa biyaya kay Cristo Jesus.— REVIEW AND HERALD, November 1,1892 . TKK 59.5