Kaya nga, mga minamahal ko, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod, hindi lamang sa harapan ko, kundi higit ngayon na ako'y hindi ninyo kasama, ay isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig, Filipos 2:12, TKK 63.1
Kaya't kung ang sinuman ay nakay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago” (2 Corinto 5:17). Wala nang iba kundi ang banal na kapangyarihan lamang ang muling makabubuhay sa puso ng tao at pumuspos sa mga kaluluwa ng pag-ibig ni Cristo, na lagging ihahayag ang sarili nito sa pagmamahal para sa mga pinagbuwisan Niya ng buhay. Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapasensya, kabaitan, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili (GalaCia 5:22, 23). Kapag nahikayat sa Diyos ang isang tao, tinutustusan siya ng isang bagong panlasang moral, binibigyan siya ng kapangyarihan ng isang bagong motibo, at kinahihiligan niya ang mga bagay na mahal ng Diyos; sapagkat ang kanyang buhay ay nakabuklod sa buhay ni Jesus sa ginintuang kadena ng mga di-mababagong pangako. Lilipusin ng pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, at di-maipahayag na pagpapasalamat ang kaluluwa, at ang magiging wika niyang pinagpala ay, “Pinadakila ako ng kahinahunan Mo” (Awit 18:35). TKK 63.2
Ngunit mabibigo yung mga naghihintay na makakita ng mahikal na pagbabago sa kanilang mga karakter kahit wala silang disididong pagsisikap na mapagtagumpayan ang kasalanan. Wala tayong dahilan para mangamba habang nakatingin kay Jesus, walang dahilan para magduda kundi paniwalaan na kaya Niyang iligtas nang lubos ang lahat ng lumalapit sa Kanya (Hebreo 7:25); pero puwede tayong laging mangamba na baka muli na namang maghari ang ating dating likas, na baka makagawa ang kaaway ng kung anong bitag na muling bibihag sa atin. TKK 63.3
Dapat nating isagawa ang sarili nating kaligtasan nang may takot at panginginig, sapagkat ang Diyos ang gumagawa sa inyo parehong sa pagnanais at sa paggawa ng mabuti Niyang kalooban (Filipos 2:12, 13). Sa limitado nating kapangyarihan dapat tayong maging banal sa ating saklaw kung paanong banal ang Diyos sa Kanyang saklaw. Sa abot ng ating makakaya, dapat nating ipakita ang katotohanan at pag-ibig at kahusayan ng karakter ng Diyos. Kung paanong tinatanggap ng waks ang impresyon ng selyo, gayundin dapat tanggapin ng kaluluwa ang impresyon ng Espiritu ng Diyos at panatilihin ang larawan ni Cristo. TKK 63.4
Dapat tayong lumago araw-araw sa espiritwal na kagandahan. Madalas tayong mabibigo sa mga pagsisikap nating tularan ang banal na Huwaran. Madalas tayong kailangang yumuko at lumuha sa paanan ni Jesus, dahil sa ating mga pagkukulang at pagkakamali; pero hindi dapat tayo masiraan ng loob; kailangan nating manalangin nang mas maalab, manampalataya nang mas lubusan, at muling sumubok nang may higit na katatagang lumago tungo sa pagiging katulad ng ating Panginoon.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 336, 337 . TKK 63.5