Bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng kahabagan, ng kabaitan, ng kababaang-loob, ng kaamuan, at ng katiyagaan, Colosas 3:12, TKK 73.1
Ang Kapitan ng ating kaligtasan ay ginawang walang reputasyon ang Kanyang sarili, at kinuha ang anyo ng isang alipin, upang maisapi ang katauhan sa pagka-Diyos. Dapat katawanin ng tao si Cristo. Dapat siyang maging matiyaga sa kanyang mga kapwa, maging mapagpasensya, mapagpatawad, at puno ng pagmamahal na katulad ng kay Cristo. Siyang tunay na nahikayat ay magpapakita ng respeto sa kanyang kapatid; gagawin niya ang iniutos ni Cristo. Sabi ni Jesus, “Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay Ko, na kayo'y magmahalan sa isa't isa. Kung paanong minahal Ko kayo, magmahalan din kayo sa isa't isa. Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo'y may pag-ibig sa isa't isa” (Juan 13:34, 35). Kung saan sumasagana ang pag-ibig ni Cristo sa kaluluwa, magkakaroon ng kapahayagan ng pag-ibig na iyan na mauunawaan ng sanlibutan.... TKK 73.2
Hindi lahat ng tumatawag sa pangalan ni Cristo ay kaisa ni Cristo. Silang walang Espiritu at biyaya ni Cristo ay hindi sa Kanya, kahit ano pa ang mga sinasabi nila. Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga ay makikilala n'yo sila. Ang mga kaugalian at gawaing ayon sa kaayusan ng sanlibutan ay hindi isinasagawa ang mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos, at sa gayo'y hindi inihihinga ang Kanyang Espiritu ni ipinapahayag man ang Kanyang karakter. Maipapakita lamang ang pagiging kagaya ni Cristo nung mga napalakip sa banal na larawan. Yung mga nahuhubog lamang sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu ang tagagawa ng Salita ng Diyos, at nagpapahayag sa kaisipan at kalooban ng Diyos. TKK 73.3
Merong huwad na Kristiyanismo sa mundo at meron ding tunay na Kristiyanismo. Ang tunay na espiritu ng tao ay nakikita sa paraan ng pakikitungo niya sa kanyang kapwa. Puwede nating itanong, “Kinakatawanan ba niya ang karakter ni Cristo sa espiritu at sa pagkilos, o ipinapakita lang ang mga likas at makasariling katangian ng pag-uugali na nasa mga tao ng sanlibutang ito? Walang halaga sa Diyos ang pagpapakitang-tao. Bago pa mahuli ang lahat magpakailanman para maitama ang mga mali, tanungin ng bawat isa ang kanyang sarili, “Ano ba ako?” Depende sa ating sarili kung tayo ba'y bubuo ng gayong karakter na gagawin tayong mga kaanib ng makaharing pamilya ng Diyos sa kaitaasan.— REVIEW AND HERALD, April 9,1895. TKK 73.4