“Walang naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat, Kapag gayon, papuputukin ng alak ang mga balat at matatapon ang alak at masisira ang mga sisidlang balat, Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa mga bagong sisidlang balat,” Mareos 2:2, TKK 19.1
Kailangan nating palaging punuin ng Cristo ang ating isipan, at alisan ito ng pagkamakasarili at kasalanan. Noong pumarito si Cristo sa sanlibutan, lubog na lubog sa pagka-Fariseo ang mga pinuno ng mga Judio anupa't hindi nila matanggap ang mga turo Niya. Inihambing sila ni Jesus sa mga kulubot nang balat na sisidlan ng alak na hindi na angkop na malagyan ng bagong alak mula sa naaning ubas. Kailangan Niyang makahanap ng mga bagong sisidlang paglalagyan ng bagong alak ng Kanyang kaharian. Ito ang dahilan kung bakit Siya lumayo sa mga Fariseo, at pinili ang mga mangingisda ng Galilea. TKK 19.2
Si Jesus ang pinakamagaling na Tagapagturo na nakilala ng sanIibutan, at pumili Siya ng mga taong maaari Niyang turuan, na tatanggap ng mga salita mula sa Kanyang mga labi, at ipapasa ang mga ito hanggang sa ating kapanahunan. Kaya't sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at ng Kanyang Salita, tuturuan ka Niya para sa Kanyang gawain. Kung gaano katiyak na aalisan mo ng lamang kapalaluan at kalokohan ang iyong pag-iisip, ang bakante ay mapupunan ng hinihintay ng Diyos na ibigay sa iyo—ang Kanyang Banal na Espiritu. Pagkatapos mula sa mabuting kayamanan ng iyong puso, makapaglalabas ka na ng mga mabubuting bagay, masasaganang hiyas ng kaisipan, at mahahagip ng iba ang mga salita, at magsisimulang luwalhatiin ang Diyos. Sa gayo'y hindi mo na maisesentro ang iyong isip sa sarili mo. Hindi ka magtatanghal ng iyong sarili; hindi ka kikilos ayon sa iyong sarili; kundi ang iyong mga pag-iisip at damdamin ay mananatili kay Cristo, at ipapakita mo sa iba yaong sumilay sa iyo mula sa Araw ng Katuwiran. TKK 19.3
Sabi ni Cristo: “Kung ang sinuman ay nauuhaw, lumapit siya sa Akin at uminom” (Juan 7:37). Naubos mo na ba ang bukal?—Hindi; dahil hindi ito mauubos. Sa sandaling maramdaman mo ang iyong pangangailangan, maaari kang uminom nang uminom ulit. Palaging puno ang bukal. At kapag minsang nakainom ka na mula sa bukal na iyon, hindi mo na pagsisikapang pawiin ang iyong uhaw mula sa mga sirang balon ng sanlibutang ito; hindi mo pag-aaralan kung paano ka makahahanap ng pinakamalaking kalayawan, katuwaan, kasiyahan, at pagbibiruan. Hindi; dahil umiinom ka mula sa agos na nagpapaginhawa sa lunsod ng Diyos. Kung gayo'y malulubos ang kagalakan mo; dahil sasaiyo si Cristo, ang pag-asa ng kaluwalhatian.— REVIEW AND HERALD, Mareh 15, 1892 . TKK 19.4