Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan; kaya't ang Diyos, ang Diyos mo, ay binuhusan ka ng langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan. Hebreo 1:9. KDB 254.1
Tayo ay mga lingkod ng Diyos, at bawat isa sa atin ay binigyan Niya ng mga talento, sa parehong natural at espirituwal. Bilang mga anak ng Diyos, dapat tayong patuloy na magkaroon ng lakas para sa makalangit na mga mansyon na sinabi ni Cristo sa Kanyang mga alagad na lalayo Siya upang maghanda para sa kanila. Siyang humahawak sa katuwiran ni Cristo ay maaaring maging isang ganap na tao kay Cristo Jesus. Ang paggawa mula sa isang mataas na pananaw, na hinahangad na sundin ang halimbawa ni Cristo, tayo ay lalago sa Kanyang wangis, nagtataglay ng higit at higit na pagdadalisay.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 150. KDB 254.2
Ang Cristiano sa kanyang buhay negosyo ay dapat kumatawan sa mundo sa paraan kung paano magsasagawa ang ating Panginoon ng mga negosyo. Sa bawat transaksyon ay dapat niyang maipakitang ang Diyos ay kanyang guro. Ang “Kabanalan sa Panginoon,” ay isusulat sa mga pang-araw-araw na aklat at talaan, sa mga gawa, resibo, at bayarin. Ang mga nag-aangking tagasunod ni Cristo, ngunit nagsasagawa sa isang di-matuwid na pamamaraan, ay sumasaksi ng hindi totoo laban sa katangian ng isang banal, makatarungan, at maawaing Diyos.— The Desire of Ages, p. 556. KDB 254.3
Ang pantakip lamang na ibinigay ni Cristo mismo, ang makatutulong sa atin para humarap sa presensya ng Diyos. Ang pantakip na ito, ang kasuotan ng Kanyang sariling katuwiran, ay isusuot ni Cristo sa bawat nagsisisi, at naniniwalang kaluluwa.— Christ’s object Lessons, p. 311. KDB 254.4
Kung itutuon lamang natin ang ating mga mata sa Tagapagligtas, at magtitiwala sa Kanyang kapangyarihan, mapupuno tayo ng isang pakiramdam ng kasiguruhan; sapagkat ang katuwiran ni Cristo ay magiging ating katuwiran.— Messages to Young People, p. 107. KDB 254.5