Kaya't ang sinuman sa inyo na hindi magtakuwil sa lahat ng kanyang tinatangkilik ay hindi maaaring maging alagad ko. Lucas 14:33. KDB 262.1
Hindi pinipilit ng Diyos ang kalooban ng Kanyang mga nilalang. Hindi Niya matatanggap ang paggalang na walang pagkukusa at katalinuhang ibinigay. Pipigilan ng pilit na pagpapasakop ang lahat ng tunay na pagpapaunlad ng pag-iisip o karakter; gagawin nitong robot ang tao. Hindi ganito ang layunin ng Maylalang. . . . Sa pagbibigay ng ating mga sarili sa Diyos, dapat lamang na isuko natin ang lahat ng maghihiwalay sa atin mula sa Kanya. . . . Anumang magpapalayo sa puso mula sa Diyos ay dapat na isuko. Ang salapi ay diyus-diyosan ng marami. Ang pagmamahal sa pera, ang pagnanasa para sa kayamanan, ay siyang ginintuang kawing na nagbigkis sa kanila kay Satanas. Ang iba nama'y sumasamba sa reputasyon at makalupang karangalan. Ang buhay ng makasariling kaalwanan at kawalan ng pananagutan ay diyus-diyosan din ng iba. Ngunit kailangang masira ang mga mapang-aliping gapos na ito. Hindi maaaring tayo'y kalahati sa Panginoon at kalahati sa sanlibutan. Hindi tayo mga anak ng Diyos malibang sa Kanya tayo nang buong-buo. . . . KDB 262.2
Kapag nananahan si Cristo sa puso, mapupuno ang kaluluwa ng Kanyang pag- ibig, ng kasiyahan ng pakikipagniig sa Kanya, na anupa't ito'y mangungunyapit sa Kanya; at sa pagbubulay-bulay sa Kanya, makalilimutan ang sarili. Ang pag-ibig kay Cristo ang pagmumulan ng pagkilos. . . . Ang pag-angkin ng pananampalataya kay Cristo na wala itong malalim na pag-ibig ay salita lamang, tuyong pormalidad, at mabigat na pagkabagot. KDB 262.3
Nararamdaman ba ninyong malaking sakripisyo ang pagpapasakop kay Cristo? Tanungin ninyo ang inyong sarili, “Ano ang ibinigay sa akin ni Cristo?”— steps to Christ, p. 45. KDB 262.4
Dadalhin sa inyo ng Diyos nang paulit-ulit ang gawaing ito, hanggang sa makayanan ninyo ang pagsubok na ibinibigay Niya na may mapagpakumbabang puso, at ganap na natalaga sa Kanyang paglilingkod at gawain.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 214. KDB 262.5