Kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama. Paglingkuran mo siya nang buong puso at nang kusang pag-iisip, sapagkat sinasaliksik ng PANGINOON ang lahat ng puso, at nalalaman ang lahat ng balak at iniisip. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya; ngunit kung pababayaan mo siya, itatakuwil ka niya magpakailanman. 1 Cronica 28:9. KDB 263.1
Upang ating marating ang mataas na pamantayang ito, kailangang isakripisyo ang nagiging sanhi ng pagkadapa ng kaluluwa. Ito'y sa pamamagitan ng kalooban na napananatili ng kasalanan ang paghawak nito sa atin. Inilalarawan bilang pagdukot sa mata o pagputol sa kamay ang pagsuko ng kalooban. Madalas na iniisip nating katulad ng pamumuhay ng baldado o lumpo ang pagsuko ng kalooban sa Diyos. Ngunit higit na mabuti, sabi ni Cristo, na mabaldado, masugatan, o malumpo ang sarili, kung sa pamamagitan nito'y makapapasok ka sa buhay. Ang itinuturing mong pagkalugi ay siyang pintuan tungo sa mas mataas na pakinabang. . . . KDB 263.2
Sa pamamagitan lamang ng pagsuko ng ating kalooban sa Diyos magiging posible para sa Kanya na bigyan tayo ng buhay. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa Kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsuko ng sarili magiging posible, sabi ni Jesus, na ang mga nakatagong kasalanang ito na aking binanggit ay mapananagumpayan. . . . Kung mangungunyapit sa sarili, na tumatangging ipasakop ang iyong kalooban sa Diyos, pinipili mo ang kamatayan. Sa kasalanan, saan man ito matatagpuan, ang Diyos ay isang namumugnaw na apoy. Kung pipiliin mo ang kasalanan, at tatangging mahiwalay rito, ang presensya ng Diyos na namumugnaw ng kasalanan, ay kailangan ka ring pugnawin.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 61, 62. KDB 263.3
Kailangan mong uminom araw-araw sa bukal ng katotohanan, upang iyong maunawaan ang lihim ng kasiyahan at katuwaan sa Panginoon. Ngunit kailangan mong alalahanin na ang iyong kalooban ang pinagmumulan ng lahat ng iyong pagkilos. . . . Walang pagsunod kay Cristo malibang iyong tiyaking sumunod sa Diyos. Hindi ang iyong mga damdamin ang gumagawa sa iyong maging anak ng Diyos, kundi ang pagtupad sa kalooban ng Diyos. Nasa iyong harapan ang isang buhay na kapaki-pakinabang, kung ang iyong kalooban ay magiging kalooban ng Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 515. KDB 263.4