Ang walang hanggang Diyos ay isang kanlungan, at sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig. At kanyang palalayasin ang kaaway sa harapan mo, at sinabi, Puksain. Deuteronomio 33:27. KDB 334.1
Nasa ating harapan ang mga mapanganib na panahon. Ang lahat ng may kaalaman sa katotohanan ay kailangang gumising at ilagay ang kanilang sarili, katawan, kaluluwa, at espiritu, sa ilalim ng pagdidisiplina ng Diyos. Pinupuntirya tayo ng kaaway. Kailangan nating maging gising na gising, na nagbabantay laban sa kanya. Kailangan nating isuot ang buong kasuotan ng Diyos. Dapat nating sundin ang mga atas na ibinigay sa pamamagitan ng Espiritu ng propesiya. Dapat nating mahalin at sundin ang katotohanan para sa kapanahunang ito. Ito ang magliligtas sa atin mula sa pagtanggap ng mga matitinding panlilinlang. Nangusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Nangusap Siya sa atin sa pamamagitan ng mga patotoo sa iglesya, at sa pamamagitan ng mga aklat na nakatulong sa ating gawing malinaw ang ating tungkulin para sa kapanahunang ito at ang posisyong kailangan nating kunin ngayon. Ang mga babalang ibinigay, taludtod sa taludtod, tuntunin sa tuntunin, ay dapat na sundin. Kung atin silang babalewalain, anong dahilan ang ating maibibigay?— Gospel Workers, p. 308. KDB 334.2
Nalalantad sa walang-hanggang kamatayan ang makasalanan, hanggang makahanap siya ng makukublihan kay Cristo; at sa kung paanong maaaring nakawin ng kakuparan at kawalang pag-iingat sa taong tumatakas ang tangi niyang pag-asa upang makaligtas, gayundin maaaring humantong sa pagkawaglit ng kaluluwa ang mga pagkaantala at pagwawalang-bahala. Sinusubaybayan ni Satanas, ang dakilang kaaway, ang bawat manlalabag sa banal na kautusan ng Diyos, at siyang hindi nakadarama ng kanyang panganib, at sa hindi nagsisikap makasumpong ng tahanan sa walang-hanggang kanlungan, ay magiging biktima ng mangwawasak.— Patriarchs and Prophets, p. 517. KDB 334.3
Siyang pumigil sa mga leon sa kanilang lungga, at lumakad kasama ng kanyang mga tapat na saksi sa gitna ng apoy, ay handa ring gumawa para sa atin, na gapiin ang bawat kasamaan sa ating likas. . . . Wala Siyang itinatakwil na tumatangis at nagpapakumbaba.— The Ministry of Healing, p. 90. KDB 334.4