Mapalad ka, O Israel! Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng PANGINOON, ang kalasag na iyong tulong, ang tabak ng iyong tagumpay! Deuteronomio 33:29. KDB 335.1
Siyang naglilingkod sa ilalim ng banderang nabahiran ng dugo ng Emmanuel ay madalas na kailangang gawin ang tumatawag ng magiting na pagsusumikap at matiyagang pagtitiis. Ngunit tumatayong walang pangamba ang kawal ng krus sa harapan ng labanan. Habang lumulusob ang kaaway sa kanya, tumitingin siya sa Tanggulan para sa tulong; at habang dinadala niya sa Panginoon ang mga pangako ng Salita, napalalakas siya upang gampanan ang tungkulin para sa oras na iyon. Nababatid niya ang pangangailangan niya para sa kalakasan mula sa itaas. . . . Nagtitiwala sa kapangyarihang iyon, nagagawa niyang ipahayag ang mensahe ng kaligtasan na may kalakasan na ginigising nito ang tumutugon na damdamin sa mga isipan ng iba.— Gospel Workers, p. 16. KDB 335.2
Samantalang nagtataglay si Pablo ng mga mataas na kakayanang intelektuwal, ipinakita ng kanyang buhay ang kapangyarihan ng higit na pambihirang karunungan, na nagbigay sa kanya ng bilis ng pag-unawa at simpatya ng puso, at naglapit sa kanya sa iba, na nagagawa niyang gisingin ang higit na mabuting likas nila at udyukan silang magsumikap para sa higit na mataas na buhay. Napuno ang kanyang puso ng taimtim na pag-ibig para sa mga mananampalataya sa Corinto. . . . Alam niya na sa bawat hakbang sa landas ng Cristiano, sila'y sasalungatin ng sinagoga ni Satanas, at sila'y masasangkot sa pakikipaglaban araw-araw. . . . Ngunit alam niya rin na kay Cristo na napako sa krus may ibinibigay sa kanila na sapat na kapangyarihan upang hikayatin ang kaluluwa, at binibigyan sila ng lakas na tanggihan ang lahat ng tukso ng masama. Taglay ang pananampalataya sa Diyos bilang kanilang baluti, at ang Kanyang Salita bilang kanilang armas ng pakikipaglaban, mabibigyan sila ng panloob na kapangyarihan upang labanan ang mga atake ng kaaway.— The Acts of the Apostles, p. 307. KDB 335.3