Aking tutubusin kayo na may nakaunat na kamay at may mga dakilang kahatulan. Exodo 6:6. KDB 339.1
Ang pinakasentrong tema ng Biblia, ang tema kung saan nakakumpol ang bawat iba pa sa buong aklat, ay ang panukala ng pagtubos, ang pagpapanumbalik ng larawan ng Diyos sa kaluluwa ng tao. Mula sa pinakaunang pagpapahiwatig ng pag-asa sa mga salitang binigkas ss Eden hanggang sa pinakahuling maluwalhating pangako sa Apocalipsis, “at makikita nila ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan ay masusulat sa kanilang mga noo,” ang pasanin ng bawat aklat at bawat bahagi ng Biblia ay ang paghahayag ng kamangha-manghang temang ito—ang pagtataas sa tao—ang kapangyarihan ng Diyos, “na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” Siyang nakauunawa sa kaisipang ito ay mayroon sa kanyang harapan ang isang walang-hanggang larangan para sa pag-aaral. Nasa kanya ang susi na magbubukas sa buong kabang-yaman ng Salita ng Diyos. KDB 339.2
Ang siyensya ng pagtubos ay siyang siyensya ng lahat ng mga siyensya; ang siyensyang pinag-aaralan ng lahat ng mga anghel at lahat ng mga intelehensiya sa mga mundong hindi nagkasala; ang siyensyang kumukuha ng pansin ng ating Panginoon at Tagapagligtas; ang siyensyang pumapasok sa layuning namamalagi sa isipan ng Walang hanggan—”iningatan sa katahimikan sa gitna ng walang hanggang kapanahunan;” ang siyensyang pag-aaralan ng mga natubos sa walang-hanggang kapanahunan. Ito ang pinakamataas na pag-aaral na maaaring makamit ng tao. Bubuhayin nito ang pag-iisip at iaangat ang kaluluwa sa paraang hindi magagawa ng ibang pag-aaral.— EDUCATION, pp. 125, 126. KDB 339.3
Siya ang lumalang sa kaluluwa ng tao, na may kakayanang kumilala at magmahal. At hindi Siya magpapabayang hindi napupunan ang mga pangangailangan ng kaluluwa. . . . Kailangan nating mahawakang mahigpit ang isang kamay na malugod, na magtiwala sa isang pusong puno ng pagmamalasakit. At gayon ang paglalahad ng Diyos ng Kanyang sarili sa Kanyang Salita.— Ibid., p. 133. KDB 339.4