O Israel, umasa ka sa PANGINOON! Sapagkat sa PANGINOON ay may tapat na pagmamahal, at sa kanya ay may saganang katubusan. Awit 130:7. KDB 341.1
May malayang pakikipag-usap sa pagitan ng Diyos at ng tao hanggang sa panahon ng paghihimagsik ng tao laban sa pamahalaan ng Diyos. Ngunit inihiwalay ng kasalanan ni Adan at Eva ang lupa mula sa langit, na anupa't hindi na maaaring makipagniig ang tao sa kanyang Maylalang. Ngunit hindi napabayaan ang sanlibutan sa nakabukod na kawalang pag-asa. . . . Kung hindi Niya pinag-ugnay ang paghihiwalay na ginawa ng pagkakasala sa pamamagitan ng Kanyang sariling kabutihan, hindi magkakaroon ng pakikipagtalastasan ang mga anghel na naglilingkod sa taong nagkasala. Iniugnay ni Cristo ang tao sa kanyang kahinaan at kawalang-kaya sa bukal ng walang-hanggang kapangyarihan.— Patriarchs and Prophets, p. 184. KDB 341.2
Noong kapanahunan ng mga patriyarka, ang mga handog na nakaugnay sa banal na pagsamba ay binubuo ng patuloy na paalala sa pagdating ng Tagapagligtas; at gayundin sa buong ritwal sa mga paglilingkod sa santuwaryo sa buong kasaysayan ng Israel. Sa paglilingkod sa tabernakulo, at sa templo na pumalit dito, tinuruan ang mga tao araw-araw, sa pamamagitan ng mga tipo at anino, ng mga dakilang katotohanan na may kinalaman sa pagdating ni Cristo bilang Manunubos, Saserdote, at Hari; at minsan isang taon dinadala ang kanilang mga pag-iisip sa mga panghuling pangyayari sa malaking tunggalian sa pagitan ni Cristo at ni Satanas, ang pangwakas na pagdadalisay ng sansinukob mula sa kasalanan at sa mga makasalanan.— Prophets and Kings, pp. 684, 685. KDB 341.3
Dapat na maitago sa Diyos ang Mesiyas, at maihayag ang Diyos sa karakter ng Kanyang Anak. Kung walang kaalaman ng Diyos, mawawaglit nang walang hanggan ang sangkatauhan. Kung walang tulong ng Diyos, lulubog nang pababa nang pababa ang mga lalaki at babae. Kailangan na Siyang lumalang sa sanlibutan ang magbibigay ng buhay at kapangyarihan. Hindi masasapatan ang mga pangangailangan ng tao sa ibang paraan.— Ibid., p. 693. KDB 341.4