Sapagkat magkakaroon ng paghahasik ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y magbibigay ng pakinabang, at ang langit ay magbibigay ng kanyang hamog; at aking ipaaangkin sa nalabi sa bayang ito ang lahat ng bagay na ito. Zacarias 8:12. KDB 348.1
Sa pangangaral ng mga katotohanan ng walang-hanggang ebanghelyo sa bawat bansa, lahi, wika, at bayan, tinutupad ng iglesya ng Diyos sa lupa ngayon ang sinaunang hula, “ang Israel ay uusbong at mamumulaklak at pupunuin nila ng bunga ang buong sanlibutan.” KDB 348.2
Mabilis na inookupahan ng mga tagasunod ni Jesus, sa pakikipagtulungan sa mga makalangit na intelehensiya, ang mga tiwangwang na dako sa lupa; at bilang bunga ng kanilang mga paggawa, nagkakaroon ng saganang bunga ng mahahalagang kaluluwa. Ang pagpapangalat ng mga katotohanan ng Biblia ngayon, higit kailanman, sa pamamagitan ng iglesyang nakatalaga ay nagdadala sa mga anak ng tao ng mga pakinabang na inilarawan daan-daang taon na ang nakalipas sa pangako kay Abraham at sa buong Israel—sa iglesya ng Diyos sa bawat kapanahunan—”Ikaw ay Aking pagpapalain, . . . at ikaw ay magiging isang pagpapala.” KDB 348.3
Dapat sanang natupad ang pangakong ito ng pagpapala sa malaking sukat sa panahon ng daan-daang taon pagkatapos ng pagbabalik ng mga Israelita mula sa lupain ng kanilang pagkaalipin. Layunin ng Diyos na mahanda ang buong lupa para sa unang pagdating ni Cristo, na tulad din ngayon na nahahanda ang daan para sa Kanyang ikalawang pagdating. Sa pagtatapos ng mga taon ng nakahihiyang pagkakatapon, mabiyayang ibinigay ng Diyos sa Kanyang bayang Israel, sa pamamagitan ni Zacarias, ang katiyakan: “Ako'y babalik sa Zion. . . . Ako'y magiging kanilang Diyos, sa katapatan at katuwiran.” . . . Napakayaman ng mga gantimpala, parehong temporal at espirituwal, na ipinangako sa kanilang dapat magsagawa ng mga prinsipyong ito ng katuwiran.— Prophets and Kings, pp. 703, 704. KDB 348.4