Go to full page →

Mag-ingat sa pagpapaliban PK 43

Mag-ingat kayo sa pagpapaliban. Huwag ninyong ipagpaibang araw ang pagwawaksi ng inyong mga kasalanan, at paglilinis ng inyong puso, sa pamamagitan ni Jesus. Dito nagkakamali ang libu-libo, pagkakamaling ikinawawaglit nila magpakailan man. Hindi ko na pag-uukulan dito ang kaiklian at di-kapanatagan ng buhay; subali’t may isang kakila-kilabot na kapanganiban—isang kapanganibang hindi ganap na nauunawa—sa pagpapaliban ng pagpapasakop sa mga panawagan ng Banal na Espiritu ng Diyos, at pagpili sa kabuhayang makasalanan; sapagka’t iyan nga ang kinauuwian ng ganiyang pagpapaliban. Ang kasalanan gaano mang liit sa ating palagay, ay maaari lamang pagpasasaan sa ikapapahamak magpakailan man. Ang hindi natin dinadaig ang dadaig sa atin, at siyang sa atin ay magpapahamak. PK 43.1