Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Pauwi Na Sa Langit

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Tunggalian Ay Nagwakas, Disyembre 31

    Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal. Amen. Apocalipsis 22:21.PnL

    Ang bayan ng Diyos ay mapalad na magkaroon ng bukas na pakikipag-ugnayan sa Ama at Anak. . . .PnL

    Ang lahat ng kayamanan ng sansinukob ay pawang bubuksan sa pag-aaral ng mga tinubos ng Diyos. Mga di-natatalian ng kamatayan, ay magsisilipad silang walang kapagalan sa ibang malalayong sanlibutan—mga sanlibutang kinilos ng kalungkutan sa pagkakita nila sa kaabaan ng tao, at umalingawngaw sa mga awit ng kagalakan sa pagkabalita sa isang kaluluwang natubos. Taglay ang di-mabigkas na kagalakan, ang mga anak ng lupa ay makikisama sa kagalakan at kaalaman ng mga nilalang na dinagkasala. Makikibahagi sila sa mga kayamanan ng kaalaman at pagkaunawang tinamo nila sa nalolooban ng napakaraming panahong pagbubulay-bulay ng gawang kamay ng Diyos. Sa pamamagitan ng walang ulap na paningin ay mamamasdan nila ang kaluwalhatian ng nilalang—mga araw at mga bituin at mga kaayusan, ang lahat ay nasa pinaglagyan sa kanila, na pawang nagpapalibut-libot sa trono ng Diyos. Sa lahat ng mga ito, buhat sa kaliit-liitan hanggang sa kalakilakihan, ang pangalan ng Maylalang ay nasusulat, at sa lahat ng ito’y nakikita ang kasaganaan ng Kanyang kapangyarihan.PnL

    At ang mga taon ng walang hanggang panahon, sa kanilang paglakad ay magdadala ng lalong sagana at lalong maluwalhating mga pahayag ng Diyos at ni Cristo. Sa pagsulong ng kaalaman, ay lalago ang pag-ibig, ang paggalang at kaligayahan. Habang natututo ang mga tao tungkol sa Diyos, ay lalo namang lumalaki ang kanilang paghanga sa Kanyang likas. Sa pagbubukas ni Jesus sa kanilang harapan ng mga kayamanan ng pagtubos, at ng malalaking pananagumpay sa pakikipagpunyagi kay Satanas, ay lalong mag-aalab sa mga puso ng mga natubos ang pag-ibig at pagtatapat, at taglay ang dimabigkas na katuwaan, ay kakalabitin nilang lahat ang kanilang mga alpang ginto; at sampung libong tigsasampung libo at libu-libong tinig ay maglalagum sa malaking awitan ng pagpupuri.PnL

    “At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito ay narinig kong nagsasabi, Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan, magpakailanpaman.” (Apocalipsis 5:13.)PnL

    Natapos ang malaking tunggalian. Wala na ang kasalanan at makasalanan. Malinis na ang buong sansinukob. Iisang tibukin lamang ng pagkakaisa at katuwaan ang naghahari sa buong nilalang. Mula sa Kanya na Maylalang sa lahat, ay dadaloy ang buhay at liwanag at kaligayahan, sa buong kaharian ng walang hanggang kalawakan. Mula sa kaliit-liitang atomo hanggang sa pinakamalaking sanlibutan, ang lahat ng bagay, may buhay at walang buhay, sa kanilang hayag na kagandahan at sakdal na katuwaan, ay pawang nagpapahayag na ang Diyos ay pag-ibig.— The Great Controversy, pp. 676-678.PnL

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents