Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Pauwi Na Sa Langit

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Dumating Si Jesus Upang Luwalhatiin Ang Diyos, Pebrero 20

    Ngunit dahil dito ay dumating Ako sa oras na ito. Ama, luwalhatiin Mo ang Iyong pangalan. Juan 12:27, 28.PnL

    Ang mensahe ng mga Griyego, na inilalarawan gaya ng ginawa nito sa pagtitipon sa mga Hentil, ay nagdala sa isip ni Jesus tungkol sa Kanyang buong misyon. Ang gawain ng pagtubos ay dumaan sa harap Niya, mula sa oras na inilatag ang plano, hanggang sa kamatayan na malapit nang maganap. Isang mahiwagang ulap ang tila lumulukob sa Anak ng Diyos. Ang kalumbayan nito’y nadama ng mga taong malapit sa Kanya. Umupo Siyang matamang iniisip.PnL

    Pagkatapos ay dumating ang banal na pagpapasakop sa kalooban ng Kanyang Ama. “Dahil sa kadahilanang ito,” sabi Niya, “dumating Ako sa oras na ito. Ama, luwalhatiin ang Iyong pangalan.” Tanging sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo maaaring mapabagsak ang kaharian ni Satanas. Tanging sa gayon lang tayo matutubos, at ang Diyos ay maluluwalhati. Pinahintulutan ni Jesus ang hirap, tinanggap Niya ang sakripisyo. Ang Kamahalan ng langit ay pumayag na magdusa bilang Tagapagdala ng Kasalanan. “ Ama, luwalhatiin Mo ang Iyong pangalan,” sabi Niya. Sa pagbanggit ni Cristo ng mga salitang ito, isang tugon ang dumating mula sa ulap na umaaligid sa itaas ng Kanyang ulo: “ Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.” Ang buong buhay ni Cristo, mula sa sabsaban hanggang sa panahong nasalita ang mga salitang ito, ay nagluwalhati sa Diyos; at sa darating na paghihirap, tunay ngang magbibigay luwalhati ang Kanyang Diyos-taong pagdurusa sa pangalan ng Kanyang Ama.PnL

    Nang marinig ang tinig, isang liwanag ang lumabas mula sa ulap, at pumaligid kay Cristo, na tila ang mga bisig ng Walang Katapusang Kapangyarihan ay inihagis sa kanya na tulad ng isang pader na apoy. Nakita ng mga tao ang eksenang ito na may takot at pagkamangha. Walang nangahas na magsalita. Tahimik at makapigil hininga silang tumayo na may mga matang nakatuon kay Jesus. Sa pagbigay ng patotoo ng Ama, ang ulap ay pumaitaas, at kumalat sa kalangitan. Sa panahong matapos ang nakikitang pakikipagniig sa pagitan ng Ama at ng Anak.PnL

    “ Narinig ito ng maraming taong nakatayo roon at sinabi nilang kumulog. Sinabi naman ng iba na, Isang anghel ang nakipag-usap sa Kanya.” Ngunit nakita ng mga nagtatanong na mga Griyego ang ulap, narinig nila ang tinig, naunawaan ang kahulugan nito, at tunay ngang nakilala si Cristo; para sa kanila, Siya’y inihayag na Isinugo ng Diyos.PnL

    Ang tinig ng Diyos ay narinig nang mabautismuhan si Jesus sa pasimula ng Kanyang ministeryo, at muli sa Kanyang pagbabagong-anyo sa bundok. Ngayon sa pagtatapos ng Kanyang ministeryo, ito’y narinig sa ikatlong pagkakataon ng mas maraming mga tao, at sa di-pangkaraniwang pangyayari.— The Desire of Ages, pp. 624, 625.PnL

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents