Kabanata 1 - Ang Rebelyon
Sa langit, bago siya magrebelde, isang mataas at dinadakilang anghel si Lucifer, kasunod sa karangalan ng sariling Anak ng Diyos. Maamo’t namamanaag ang kaligayahan sa kanyang mukha, gaya ng ibang mga anghel. Mataas at malapad ang kanyang noo, nagpapakita ng matinding katalinuhan. Perpekto ang hubog ng kanyang katawan, marangal at makisig ang tindig. Isang bukodtanging liwanag ang sumisinag sa kanyang mukha at sa palibot niya na mas matingkad at maganda ang ningning kaysa sa nakapalibot sa ibang mga anghel; gayunman si Cristo, na Anak, ang nangingibabaw sa buong kapulungan ng mga anghel. Kaisa na Niya ang Ama bago pa man likhain ang mga anghel. Nainggit si Lucifer kay Cristo, at inangkin niya unti-unti ang awtoridad na nauukol lamang kay Cristo.KP 5.1
Kinilala ng mga anghel si Cristo bilang pinuno ng kalangitan, katulad ng sa Diyos ang Kanyang kapangyariha’t awtoridad. Inisip ni Lucifer na paborito siya ng mga anghel sa langit. Binigyan siya ng Diyos ng mataas na posisyon, subalit hindi ito pumukaw sa kanya ng pasasalamat at papuri sa kanyang Manlilikha. Hinangad niya ang kataasan ng Diyos. Nagmalaki siya sa napakataas niyang kalagayan. Alam niyang pinararangalan siya ng mga anghel. Meron siyang napakahalagang misyong dapat isagawa. Napakalapit niya sa dakilang Lumikha, at sumisikat sa kanya ang walang-maliw na mga sinag ng maluwalhating liwanag na pumapalibot sa walang- hanggang Diyos. Naisip niya kung paanong masayang sinusunod agad ng mga anghel ang kanyang utos. Hindi bat maliwanag at maganda ang kanyang kasuotan? Bakit dapat parangalan si Cristo nang ganito sa halip na siya?KP 5.2
Iniwan niya ang presensya ng Ama, di-nasisiyaha’t puspos ng inggit kay Cristo. Itinatago ang mga tunay niyang layunin,KP 5.3
Batay sa Isaias 14:12-14, Ezekiel 28:12-17, Apocalipsis 12:7-9. tinipon niya ang mga anghel sa palibot niya. Sinimulan niya ang kanyang paksa, ang kanyang sarili. Gaya ng isang ginawan ng mali, nagsalita siya kung paanong binale-wala siya ng Diyos at mas minagaling si Jesus. Sinabi niya sa kanila na Simula noon, nagwakas na ang lahat ng masarap na kalayaang tinatamasa nila. Hindi ba't nagtalaga na ng isang pinuno sa kanila, na lagi na nilang bibigyang-parangal na parang mga alipin?
Sinabi niya na ipinatawag niya sila upang tiyakin sa kanilang hindi na siya magpapasakop sa panghihimasok sa kanilang mga karapatan; na hindi na ulit siya yuyukod kay Cristo. Sa halip, kukunin niya ang karangalang dapat iginawad sa kanya ng Diyos, at magiging kumander siya ng lahat ng magpapasakop para sumunod sa kanya't sa kanyang tinig.KP 6.1
Nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mga anghel. Pinag- sikapan ni Lucifer at ng mga kakampi niya na baguhin ang pamahalaan ng Diyos. Nagrebelde sila sa awtoridad ng Anak.KP 6.2
Sinikap ng mga tapat na anghel na maibalik ang makapang- yariha’t rebeldeng anghel sa kalooban ng Maylikha. Malinaw nilang ipinakita na si Cristo ang Anak, kasama na Niya bago pa man likhain ang mga anghel. Parati na Siyang nakatayo sa kanan ng Diyos. Hindi pa dati nakuwestiyon ang Kanyang maamo’t mapagmahal na awtoridad, at hindi Siya nagbigay ng mga utos maliban sa mga ikinagagalak na isagawa ng makalangit na puwersa.KP 6.3
Iginiit nila na hindi nakabawas sa karangalang natanggap ni Lucifer ang espesyal na karangalan ni Cristo. Lumuha ang mga anghel. Masugid nilang sinikap na kumbinsihin siyang talikuran ang masama niyang balak at magpasakop sa kanilang Manlalalang. Hanggang sa panahong iyon, paliwanag nila, pawang kapayapaa’t pagkakasundo ang lahat. Anong posibleng dahilan para sa salungat at mapaghimagsik na tinig na ito?KP 6.4
Ayaw makinig ni Lucifer. Tumalikod siya sa mga tapat na anghel, na pinararatangan silang mga alipin. Tumayong nagtataka ang mga anghel na tapat sa Diyos, habang nakikita nilang nagtatagumpay siya sa pagsisikap niyang manulsol ng paghihimagsik. Ipinangako niya sa kanila ang isang bago’t mas magandang pamamahala kaysa sa naranasan nila, kung saan magkakaroon ng lubos na kalayaan. Napakaraming nagpahayag ng kanilang intensyong tanggapin siya bilang lider at pinakamataas na pinuno. Habang nakikita niyang nagtatagumpay ang kanyang mga pagsisikap, naniwala siyang madadala rin niya ang lahat ng mga anghel sa kanyang panig at magiging kapantay na niya ang Diyos. Maririnig ng lahat ang may- awtoridad niyang tinig na nag-uutos sa buong hukbo ng langit.KP 6.5
Muli siyang binalaan ng mga tapat na anghel, tinitiyak sa kanya kung ano ang kahihinatnan ng pagpupumilit niya. Kaya silang lupiging lahat, Niyang nakakalikha ng mga anghel, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan at parusahan ang kanilang kapangahasa’t nakakakilabot na rebelyon sa isang mabilis na pamamaraan. Akalain mong may isang anghel na kakalaban sa kautusan ng Diyos, na kasingsagrado ng Diyos! Binalaan nila ang mga mapaghimagsik na huwag makinig sa mga mapandayang argumento ni Lucifer, at pinayuhan siya't ang lahat ng naimpluwensyahan niya na pumunta sa Diyos at aminin gnagkamali sila sa pag-iisip man lang na kuwestiyunin ang Kanyang awtoridad.KP 7.1
Marami sa mga kakampi ni Lucifer ang gustong sumunod sa payo ng mga tapat na anghel at pagsisihan ang diskuntento nila’t muling matanggap sa pagtitiwala ng Ama't Anak. Sinabi naman ng makapangyarihang rebelde na alam na alam niya ang kautusan ng Diyos, at kung papayag siyang magpasakop at magkaloob ng mala-aliping pagsunod, aalisin sa kanya ang kanyang karangalan. Hindi na siya pagkakatiwalaan ng mataas niyang katungkulan. Sinabi niya na napakalayo na ng narating nila para bumalik pa, at makikipagsapalaran siya sa mga kahihinatnan, dahil hindi na siya yuyukod sa mala-aliping pagsamba sa Anak. Sinabi niya na hindi magpapatawad ang Diyos, at dapat nilang igiit ang kanilang kalayaan at kunin sa pamamagitan ng dahas ang posisyon at awtoridad na ayaw ibigay sa kanila. Sa ganitong paraan, si Lucifer, “ang tagapagdala ng liwanag,” na kabahagi ng kaluwalhatian ng Diyos, at nakatayo malapit sa Kanyang trono, ay naging si Satanas, “ang kaaway,” dahil sa pagsalangsang.KP 7.2
Dali-daling pumunta sa Anak ang mga tapat na anghel para sabihin sa Kanya ang nangyayari. Nadatnan nilang nakikipag- usap ang Ama sa Anak, upang ipasya, para sa pinakamabuting kapakanan ng mga tapat na anghel, kung paano nila susugpuin magpakailanman ang awtoridad na inangkin ni Satanas para sa kanyang sarili. Puwede sanang agad na ihagis ng dakilang Diyos ang punong mandarayang ito palabas ng langit, pero hindi ito ang Kanyang balak. Bibigyan Niya ang mga naghimagsik ng pantay na pagkakataong subukin ang kanilang kapangyariha’t lakas laban sa Kanyang Anak at sa mga tapat Niyang anghel.KP 7.3
Sa labanang ito, pipili ng papanigan ang bawat anghel, para makita ng lahat. Hindi magiging ligtas na payagan ang lahat ng nakisama kay Satanas sa kanyang rebelyon na patuloy na manirahan sa langit. Nalaman na nila ang liksyon ng tunay na pagrerebelde laban sa di-mababagong kautusan ng Diyos, at wala nang lunas ito. Kung ginamit ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan para parusahan ang punong rebeldeng ito, hindi malalantad ang mga di-nasisiyahang anghel. Kaya’t gumawa ang Diyos ng ibang hakbang, dahil gusto Niyang ihayag nang malinaw ang Kanyang katarunga't katuwiran sa lahat ng makalangit na mga nilalang.KP 8.1
Digmaan sa Langit—Pinakamalaking krimen ang magrebelde sa pamahalaan ng Diyos. Waring nagkakagulo ang buong langit. May kanya-kanyang pangkat ang mga anghel, at may mas mataas na makapangyarihang anghel bilang pinuno sa bawat dibisyon. Nakikipaglaban si Satanas sa kautusan ng Diyos, dahil nag- aambisyon siyang itaas ang kanyang sarili’t ayaw magpasakop sa kapamahalaan ng Anak, ang dakilang Pinuno ng langit.KP 8.2
Ipinatawag ang lahat ng anghel para humarap sa Ama. Walang kahiya-hiyang inanunsyo ni Satanas na hindi siya masaya na pinarangalan si Cristo sa halip na siya. Buong pagmamalaki siyang tumayo’t iginiit na dapat siyang maging kapantay ng Diyos. Umiyak ang mabubuting anghel nang marinig ang mga sinabi ni Satanas at ang bastos nitong pagmamayabang. Idineklara ng Diyos na hindi na puwedeng manatili pa sa langit ang mga mapaghimagsik. Nakamit nila ang mataas at masayang kalagayan sa sansinukob sa kondisyong susunod sila sa kautusang ibinigay ng Diyos upang pangasiwaan ang mas mataas na uri ng matatalinong nilalang. Subalit walang paglalaang ginawa para iligtas ang mga mangangahas na suwayin ang Kanyang kautusan.KP 8.3
Naging mas malakas ang loob ni Satanas na magrebelde, na ipinahahayag ang kanyang paghamak sa kautusan ng Lumikha. Sinabi niyang hindi kailangan ng mga anghel ng kautusan kundi dapat lang hayaang malayang sundin ang sarili nilang kagustuhan, na laging gagabay sa kanila nang tama. Sabi niya, isang paghihigpit sa kanilang kalayaan ang kautusan, at isang dakilang mithiin ng kanyang pagsalungat ang pagbuwag sa kautusan.KP 9.1
Nasa lubos nilang pagsunod sa kautusan ang kaligayahan ng mga anghel. May bukod-tanging gawaing nakatakda ang bawat isa, at merong napakagandang kaayusa't nagkakasundong pag- kilos sa langit hanggang sa magrebelde si Satanas.KP 9.2
Nagkaroon ng digmaan sa langit. Nakipaglaban ang Anak, ang Prinsipe ng kalangitan, at ang mga tapat Niyang anghel sa punong rebelde’t sa mga nakisama sa kanya. Nagwagi ang Anak at mga tapat na anghel, at pinatalsik sa langit si Satanas at ang kanyang mga kakampi. Kinilala’t sinamba ng lahat ng natitirang anghel ang Diyos ng katarungan. Walang naiwang bahid ng rebelyon sa langit. Naging mapayapa’t nagkakasundong muli ang lahat, gaya ng dati. Ikinalungkot ng mga anghel sa langit ang kapalaran ng mga kasama nila dati sa kaligayaha't kaluwalhatian. Dama ng buong langit ang kanilang pagkawala.KP 9.3
Kinausap ng Ama ang Kanyang Anak na isagawa agad nila ang kanilang piano na likhain ang tao para manirahan sa lupa. Ilalagay Niya sila sa yugto ng pagsubok upang tingnan ang kanilang katapatan bago sila gawing ligtas magpakailanman. Makakamtan nila ang pabor ng Diyos. Makikipag-usap sila sa mga anghel, at ang mga anghel sa kanila. Hindi minabuti ng Diyos na ilagay sila sa hindi maaabot ng kapangyarihan ng pagsuway.KP 9.4