Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pangkat II - Ang Karapat-Dapat Na Kulpurtor

    larawan ng isang kampeon
    ni remwil r. tornalejo
    MTP 58.1

    Walang kapuna-puna at makaagaw-pansin sa personalidad ni Nonita Pingoy. Siya ay simple, malumanay magsalita, at mahinhin. Ang magaang pangangatawan niya at pagkamahiyain ay tila di puwedeng mangasiwa sa mundo ng pagnenegosyo, pero lahat ng ito’y pinabubulaanan ng mga kahanga-hanga niyang naabot sa literature ministry.MTP 58.2

    Sa likod ng mahinang anyo niya ay ang matatag na diwa ng pagtatalaga sa literature ministry. Siya ay may karisma at pagnanasang manguna.MTP 58.3

    Si Nonita ay ikapito sa sampung magkakapatid. Pinalaki siya ng mga magulang na debotong Katoliko. Ipinakilala siya sa Adventismo ng kanyang Seventh-day Adventist na guro sa highschool. Lalong lumago ang kanyang interes sa pananampalatayang Adventista nang bigyan siya ng Biblia ng kaklase niyang Seventh-day Adventist. Sa pag-oobserba sa buhay ng mga kaibigang Adventista at sa liwanag na nasumpungan sa mga Kasulatan, siya’y nakumbinsi sa katotohanan. Si Nonita ay nagpasyang magpabinyag kahit ayaw ng kanyang mga magulang.MTP 58.4

    Itinakwil siya ng kanyang pamilya. Lahat ng kanyang karapatan pati ang pagsuporta sa pag-aaral niya ay itinigil. Lumipat siya sa bahay ng kanyang kapatid na babae sa siyudad, subalit itinaboy din siya nang malaman ng kanyang kapatid ang tungkol sa bago niyang relihiyon.MTP 58.5

    Hindi nawalan ng loob si Nonita. Inangkin niya ang pangako ng Diyos sa Awit 27:10 “Sapagkat pinabayaan na ako ng aking ama at ina, gayunma’y ibabangon ako ng PANGINOON.”MTP 59.1

    Hindi siya pinabayaan ng Panginoon. Hinimok siya ng mga Adventistang kaibigan na magkulpurtor. Sa pasimula pa lang ay minahal na niya ang gawain. Napahanga siya ng espirituwalidad ng mga kulpurtor. Siya’y nalulugod na maging manggagawa ng Diyos at nagpapasalamat sa pagkakataong kumita habang nag-aaral.MTP 59.2

    Natapos niya ang Bachelor of Science in Commerce at ang master sa Economics niya sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang part-time na kulpurtor at sa tulong na rin ng ilang kaibigan. Nang matapos niya ang kanyang graduate studies, maraming nag-alok sa kanya ng mga trabahong matataas ang sahod, pati na ang pagtuturo sa unibersidad kung saan siya nagtapos. Pero pinili niya ang maging regular na kulpurtor.MTP 59.3

    Si Nonita ay palaging credential na kulpurtor sa Davao Mission simula pa noong 1985. Higit pa sa anim na sunud-sunod na taon na siya’y nanguna sa sales sa South Philippine Union Conference. Bukod pa sa mga narating niyang ito, siya ay ina ng tatlong anak.MTP 59.4

    Kapag tinanong kung paanong siya na isang pamilyadong babae ay nakakaabot sa ganitong pagtatagumpay, siya’y pangiti-ngiting sumasagot, “Wala namang bago, ah. Basta’t nag-uumpisa lang ako nang maaga at nagsisipag sa pagtatrabaho. Ginagamit kong mabuti ang aking oras dahil meron akong pamilyang dapat asikasuhin.”MTP 59.5

    Sa kanyang mga kapwa kulpurtor, ito ang payo niya: “Maging mapanalanginin, nagtatalaga, at may iisang layunin sa inyong gawain. Tandaan n’yong ang gawaing ito ay katumbas ng ministro ng ebanghelyo. Sanayin ang katapatan at pagtitiyaga. Maging pala-kaibigan at ipakitang tunay ang inyong malasakit para sa kapakanan ng inyong kustomer.”MTP 59.6

    Kanyang ipinagtapat na ang kanyang mga nakaharap simula pa noong 1986 ay patuloy na naging kustomer niya hanggang ngayon.MTP 59.7

    Malinaw ang mga layuning-misyonero niya. Idinadalangin niya ang kanyang kustomer, ini-enrol sa Voice of Prophecy, iniimbitahan sa iglesya at ipinakikilala ang mga gustong mag-aral ng Biblia sa mga layman o pastor.MTP 59.8

    “Ang aking tagumpay ay kaloob ng Diyos,” bunyag niya. “Pati ang asawa ko ay napakasuportado at maunawain sa uri ng gawain ko.”MTP 59.9

    “Masaya ako bilang kulpurtor. Sa paglilingkod na ito natamasa ko ang mga pagpapala ng Panginoon maging materyal o espirituwal. Natanggap ko ang higit pa kaysa sa hiniling at pinangarap ko.”MTP 59.10

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents