Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanta 9 - Huwaran sa Pag-uugali, Pagkilos, at Pananamit

    Isang Mataas at Marangal na Gawain.—Ang gawain ng pagkakambas ay paraan ng Diyos para maabot ang maraming hindi sana makakabatid ng katotohanan. Ang gawain ay maganda, ang layunin ay mataas at marangal; at dapat na may katumbas na dignidad sa pagkilos. Makakaharap ng nagkakambas ang mga taong iba-iba ang isipan. Makakaharap niya ang mga ignorante at mababang uri ng mga tao na walang pinahahalagahang anuman na hindi nila mapagkakakitaan ng pera. Ang mga ito ay magiging mapang-abuso ngunit hindi niya sila dapat intindihin. Ang kanyang mabuting likas ay hindi dapat masira; dapat siyang magkaroon ng masayahin at palaasang pananaw sa bawat kalituhan. Makakaharap niya ang mga naulila, nasiraan ng loob, at nasaktan at sugatan sa espiritu. Magkakaroon siya ng maraming pagkakataong sabihin sa mga ito ang mabubuting salita, at mga salita ng pagpapalakas ng loob, pag-asa, at pananampalataya. Maaari siyang maging bukal upang panariwain ang iba kung gagawin niya; subalit para ito ay maisagawa, siya mismo ay dapat sumalok sa Bukal ng katotohanang buhay.— Testimonies, vol. 5, p. 405. (1885)MTP 74.1

    Mapanganib ang Walang-ingat na Paggawa.—Maganda sanang maramdaman ng bawat isa ang kanya-kanyang responsibilidad sa gawaing ito. Maganda sanang isaalangalang niya kung ano ang pinakamaiging pagkuha ng atensiyon, sapagkat ang paraan niya ng paglalahad ng katotohanan ay maaaring magpasya ng kapalaran ng isang kaluluwa. Kung makagagawa siya ng kaayang-ayang impresyon, ang kanyang impluwensiya ay maaaring maging pampalasa ng buhay sa buhay ng kaluluwang iyon; at ang isang taong iyon na naliwanagan ng katotohanan ay maaaring magbigay-liwanag sa marami pang iba. Kaya nga, napakamapanganib ang walang-ingat na paggawa sa pakikitungo sa mga isipan.— Testimonies, vol. 5, p. 405. (1885)MTP 74.2

    Pangangailangan ng Lakas at Kasiglahan.—Sa mga taong nag-aangkin ng katotohanang napapanahon, walang nagtataglay ng espiritung misyonero na katumbas ng ating pananampalataya. Wala ang taginting ng tunay na ginto sa karakter. Ang buhay Kristiyano ay higit pa sa ipinamumuhay nila. Hindi lamang ito binubuo ng kahinahunan, pagtitiis, kaamuan, at kabutihan. Ang mga biyayang ito ay mahalaga; subalit kailangan din ng lakas ng loob, puwersa, kalakasan at pagtitiyaga. Marami sa mga pumapasok sa pagkakambas ay mahihina, duwag, walang espiritu, madaling manghina ang loob. Kulang sila sa tulak. Wala sila nung mga positibong katangian na nagbibigay-kapangyarihan sa mga tao upang makagawa ng isang bagay—ang espiritu at kalakasang nagpapaningas ng kasiglahan. Ang nagkakambas ay kasangkot sa isang marangal na trabaho, at hindi siya dapat kumilos na parang ikinahihiya niya ito. Kung gusto niyang magtagumpay ang kanyang mga pagsusumikap; dapat siyang maging malakas ang loob at umaasa.MTP 75.1

    Linangin ang mga Aktibong Katangian.—Ang mga aktibong katangian ay dapat linangin, gayundin ang hindi aktibo. Bagaman ang Kristiyano ay laging handang magbigay ng malumanay na sagot na nakakapawi ng galit, dapat din siyang magkaroon ng lakas ng loob ng isang bayani para labanan ang kasamaan. Kasama ng pagibig na tinitiis ang lahat ng bagay, dapat siyang magkaroon ng lakas ng karakter na gagawing positibong kapangyarihan ng kabutihan ang kanyang impluwensiya. Ang kanyang karakter ay dapat yari sa pananampalataya. Ang kanyang mga prinsipyo ay dapat matibay; dapat siyang maging marangal sa espiritu, higit sa lahat ng pagsususpetsa sa kahinaan. Ang mga nagkakambas ay hindi dapat ipamayagpag ang sariIi. Sa pakikihalubilo niya sa mga tao, hindi niya dapat gawing hayag na hayag ang kanyang sarili, na nagsasalita tungkol sa kanyang sarili sa mayabang na paraan; sapagkat sa ganitong landasin, iniinis niya ang matatalino at matitinong tao. Hindi siya dapat maging makasarili sa kanyang pag-uugali ni maghari-harian at dominante sa pag-aasal niya.MTP 75.2

    Gumamit ng Pamamaraan.—Napakaraming nagpasya sa kanilang mga isip na hindi sila makahahanap ng panahong magbasa ng kahit isa sa sampung libong mga aklat na nililimbag at nilalagay sa pamilihan. At sa maraming pagkakataon, kapag ipinaalam na ng nagkakambas ang kanyang pakay, ang pinto ng puso ay mahigpit na sumasara; kaya malaki ang pangangailangang gawin ang kanyang trabaho na may taktika at sa mapagpakumbaba at mapanalangining espiritu. Dapat siyang maging pamilyar sa salita ng Diyos at magkaroon ng mga salitang masasabi para ipahayag ang mahahalagang katotohanan at ipakita ang napakalaking kabuluhan ng mga dalisay na babasahing dinadala niya.— Testimonies, vol. 5, pp. 404, 405. (1885)MTP 76.1

    Katapatan at Integridad. — Ang manggagawang nasa puso ang gawain ng Diyos ay hindi magpupumilit na makatanggap ng pinakamataas na suweldo. Hindi siya mangangatwiran, gaya ng ginagawa ng Han nating kabataan, na kung hindi sila magmumukhang sunod sa uso at elegante ang dating, at nakatira sa pinakamagagandang hotel, wala silang magiging suki. Ang kailangan ng nagkakambas ay hindi ang walang kapintasang pananamit o tirahan ng mga first class na tao o ng tagapagpatawa, kundi ang katapatan at integridad ng karakter na naaaninag sa mukha. Ang kabaitan at kahinahunan ay nag-iiwan ng bakas sa mukha, at ang mga sanay na mata ay walang makikitang pandaraya, walang matutuklasang kahambugan sa asal.MTP 76.2

    Malaking bilang ang pumasok sa bukiran bilang mga kulpurtor na ang mga papremyo ang tanging paraan ng tagumpay. Wala silang tunay na kakayahan bilang mga manggagawa. Wala silang karanasan sa praktikal na relihiyon; ganon pa rin ang kanilang mga pagkakamali, ganon pa rin ang kanilang mga hilig at pagpapalayaw sa sarili na katangian nila bago pa nila angkining sila ay mga Kristiyano. Masasabi sa kanilang, wala ang Diyos sa isipan nila; wala Siyang lugar na matatahanan sa kanilang mga puso. May kaliitan, kamunduhan, kababaan sa kanilang karakter at pagkilos, na nagpapatotoo laban sa kanila na sila’y lumalakad sa landas ng kanilang sariIing puso at sa paningin ng kanilang sariling mga mata. Hindi nila isasakabuhayan ang pagtanggi sa sarili, bagkus ay determinadong magpakasaya sa buhay. Ang kayamanan ng langit ay hindi nakakaakit sa kanila; ang lahat nilang hilig ay pawang pababa, hindi pataas. Maging mga kaibigan at kamag-anak ay hindi mapararangalan ang gayong mga tao, sapagkat wala silang kapasyahan na itakwil ang kasamaan at piliin ang kabutihan.— Testimonies, vol. 5, p. 402. (1885)MTP 76.3

    Malinis na Pamumuhay, Maamo, Mapagpigil.—Ang mga nagkakambas ay nangangailangan ng pagsasanay ng kaisipan at pinong asal, hindi ang naaapektuhan at huwad na pag-uugali ng sanlibutan kundi ang kalugud-lugod na asal na natural na resulta ng kabutihan ng puso at hangaring gayahin ang halimbawa ni Cristo. Dapat nilang sanayin ang maalalahanin, at mapagkalingang ugali—ugali ng kasipagan at mabuting pagpapasya—at dapat sikaping maparangalan ang Diyos sa pamamagitan ng pagiging lahat ng puwedeng posibleng maging sila. Si Jesus ay gumawa ng walang hanggang sakripisyo upang malagay sila sa tamang relasyon sa Diyos at sa kanilang kapwatao, at ang tulong ng langit na kasama ang pagsisikap ng tao ay magbibigay sa kanila ng kakayahang abutin ang mataas na pamantayan ng kahusayan. Ang nagkakambas ay dapat maging sinlinis ng pamumuhay ni Jose, maamo gaya ni Moises, at mapagpigil gaya ni Daniel; at ang kapangyarihan ay mapapasa kanya saan man siya pumunta.— Testimonies , vol. 5, p. 396. (1885)MTP 77.1

    Ang manggagawang nasa puso ang gawain ng Diyos ay hindi magpupumilit na makatanggap ng pinakamataas na suweldo.MTP 77.2

    Kaaya-ayang Pananamit at Asal.—May magagandang pasilidad na tayo ngayon sa pagpapalaganap ng katotohanan; ngunit ang ating mga kapatiran ay hindi tinutumbasan ang mga pribilehiyong binigay sa kanila. Sa bawat iglesya ay hindi nila nakikita at nadadama ang pangangailangang gamitin ang kanilang mga abilidad sa pagligtas ng mga kaluluwa. Hindi nila nauunawaan ang kanilang tungkuling magkaroon ng mga tagatangkilik ang ating mga peryodiko, kasama na ang ating mga magasing pangkalusugan, at ipakilala ang mga aklat at polyeto. Ang mga taong dapat na nasa gawain ay yung mga handing maturuan ng pinakamagandang paraan ng paglapit sa bawat tao at mga pamilya. Dapat malinis silang manamit, ngunit hindi masyadong pasikat, at ang kanilang mga asal ay hindi yong nakayayamot sa mga tao. May malaking kakulangan ng tunay na kagandahang-asal sa atin ilang isang bayan. Ito ay dapat sanayin ng lahat nang natatag sa gawaing misyonero.— Testimonies , vol. 4, pp. 391, 392. (1880)MTP 77.3

    Ang madungis sa pananamit ay nagdadala ng kahihiyan sa katotohanan na ating sinasabing pinaniniwalaan natin. Dapat ninyong tandaan na kayo ay kinatawan ng Panginoong Jesu-Cristo. Gawing kasang-ayon ng katotohanan ng Biblia ang buong buhay.... Hindi ito basta isang bagay na di-mahalaga; dahil naaapektuhan nito ang inyong impluwensiya sa iba para sa panahong ito at sa walang hanggan. Hindi ninyo maaasahang ibibigay sa inyo ng Panginoon ang lubos na pananagumpay sa paghikayat ng kaluluwa para sa Kanya malibang ang inyong buong pag-uugali at hitsura ay may likas na makakakuha ng paggalang. Ang katotohanan ay mas lumilmaw sa pamamagitan ng impresyon ng kalinisan sa pananamit.— Letter 336, 1908.MTP 78.1

    Ang mga taong magagaspang ang paguugali ay hindi bagay sa gawaing ito. Ang mga k a la la k ih a n at kababaihang nagtataglay ng husay sa pakikitungo, ng magandang pag-uugali, matalas na pananaw, at mga isipang may kakayahang kumilala ng tama at mali, at nadadama ang halaga ng mga kaluluwa, ang siyang magiging matagumpay.— Manual for Canvassers, p. 15. (1902) MTP 78.2

    Kristiyanong Paggalang at Pagkamatulungin.—Ang nagkakambas ay dapat gawin ang lahat ng pagsisikap sa kanyang lakas para paliwananagin ang ilaw ng katotohanan sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Sa pagtupad niya ng tungkulin, dapat niyang ipakalat sa paligid niya ang halimuyak ng Kristiyanong paggalang, na pinabubuti ang bawat pagkakataon sa pagsasagawa ng serbisyo ng pagtulong. Mahalagang turuan niya ang kanyang sarili na magsalitang malinaw at may bisa. Dapat matuto siya araw-araw sa paaralan ng Dakilang Guro. Siguradong tutulungan ni Cristo yung mga kumakanlong sa Kanya, at umaasa ng lakas sa Kanya.— Review and Herald , June 16, 1903.MTP 78.3

    Ang madungis sa pananamit ay nagdadala ng kahihiyan sa katotohanan na ating sinasabing pinaniniwalaan natin.MTP 78.4

    Pag-iingat sa Pagkilos.—Dapat merong disididong paninindigan ang lahat nating ministro at mga nagsasabing naniniwala sa katotohanan, tungkol sa mababang antas na parang gustong panghawakan ng ilan ukol sa kanilang mga sinasabi at kinikilos. Ang mga ito, sa maraming pagkakataon ay hindi natutumbasan ang mga katotohanang banal at sagrado na ating inaangkin. Maraming hindi hikayat ang nag-aakalang sila’y may kakayahan para maging kulpurtor at tagakambas. Hindi sila nagkaroon ng nakapagbabagong biyaya ni Cristo. Hindi sila dalisay. Araw-araw silang namumuhay ng walang-ingat at makasalanang buhay. Ang kanilang mga ginagawa ay yong nagiging dahilan para ikubli ng mga anghel ang kanilang mga mukha. Dapat nating abutin ang mataas na pamantayan, kung hindi, magbibigay lang tayo ng kahihiyan sa gawain ng Diyos at batong katitisuran sa mga makasalanan.— Letter 26d, 1887.MTP 79.1

    Huwaran sa Repormang Pangkalusugan.—Sa pakikihalubilo ninyo sa mga hindi mananampalataya, huwag pahintulutan na ang inyong sarili ay ilihis mula sa tamang mga prinsipyo. Kung uupo kayo sa kanilang hapag-kainan, kumain lang ng katamtaman at yong mga pagkain lamang na hindi nakagugulo ng isipan. Alisin ang kawalan ng pagpipigil. Hindi ninyo puwedeng panghinain ang lakas ng inyong isip at katawan, dahil baka hindi kayo makaunawa ng mga espirituwal na bagay. Panatilihin ang inyong isipan sa kalagayang maikikintal dito ng Diyos ang mahahalagang katotohanan ng Kanyang salita.MTP 79.2

    Sa gayon, kayo ay magkakaroon ng impluwensiya sa iba. Marami ang sumusubok na ituwid ang buhay ng iba sa pamamagitan ng pagatake sa itinuturing nila na mga maling pag-uugali. Pumupunta sila doon sa mga iniisip nilang nangagkakamali, at itinuturo ang mga kasiraan, subalit hindi naman tapat at mapamaraang nagsisikap sa pagakay ng isip sa mga tamang prinsipyo. Ang gayong mga hakbang ay madalas bumibigo na matamo ang gustong mangyari. Sa pagtatangkang itama ang iba ay madalas din nating napupukaw ang pagiging palaban nila, at doon ay mas nakakasakit pa tayo sa halip na makabuti. Huwag nating bantayan ang iba para lang maituro ang kanilang mga kasalanan at pagkakamali. Magturo sa pamamagitan ng halimbawa. Gawing larawan ng pagsunod sa mga tamang prinsipyo ang inyong pagtanggi sa sarili at tagumpay laban sa hilig. Maging saksi ang inyong buhay sa nagpapabanal at nagpaparangal na impluwensiya ng katotohanan.— Testimonies, vol. 6, pp. 336, 337. (1900)MTP 79.3

    Ang mga Biyaya ng Espiritu.—Ang Diyos, sa Kanyang dakilang pag-ibig, ay naghahangad na palaguin sa atin ang mahahalagang biyaya ng Kanyang Espiritu. Pinahihintulutan Niyang makasagupa tayo ng mga balakid, pag-uusig, at kahirapan, hindi bilang isang sumpa, kundi bilang pinakamalaking pagpapala sa ating buhay. Bawat tuksong napaglabanan, bawat pagsubok na tiniis nang may tapang, ay nagbibigay sa atin ng isang bagong karanasan, at pinasusulong tayo sa gawain ng paghubog ng karakter. Ang bawat kaluluwang napaglalabanan ang tukso sa pamamagitan ng banal na kapangyarihan, ay inihahayag sa mundo at sansinukob ng langit ang bisa ng biyaya ni Cristo.— Thoughts from the Mount of Blessing, pp. 1 70, 171.(1896)MTP 80.1

    Personal na “Atmospera.”—Bawat kaluluwa ay napaliligiran ng sarili nitong atmospera—isang atmospera, marahil, na kargado ng nakapagbibigay-buhay na kapangyarihan ng pananampalataya, lakas ng loob, at pag-asa, at mabango dahil sa halimuyak ng pag-ibig. O marahil ito ay mabigat at malamig dahil sa kapanglawan ng pagiging di kontento at kasakiman, o may lason ng nakamamatay na mantsa ng iniingat-ingatang kasalanan. Sa pamamagitan ng atmosperang pumapaligid sa atin, bawat taong makakausap natin ay naaapektuhan, alam man nila o hindi.— Christ’s Object Lessons, p. 339. (1900)MTP 80.2

    Ang Karakter ay Kapangyarihan.—Ang karakter ay kapangyarihan. Ang tahimik na pagsaksi ng tunay, di-makasarili, at makadiyos na buhay ay nagdadala ng halos hindi malabanang impluwensiya. Sa paghahayag ng karakter ni Cristo sa ating sariling buhay, tayo ay nakikipagtulungan sa Kanya sa gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa. Sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng Kanyang karakter sa ating buhay tayo maaaring makipagtulungan sa Kanya. At kung mas malawak ang naaabot ng ating impluwensiya, mas marami ding kabutihan ang magagawa natin.— Christ’s Object Lessons, p. 340. (1900)MTP 80.3

    Huwag nating bantayan ang iba para lang maituro ang kanilang mga kasalanan at pagkakamali. Magturo sa pamamagitan ng halimbawa.MTP 80.4

    Tapat Gaya ng Karayom ng Kompas na Nakatapat sa Hilaga.— Tulungan nawa ng Panginoon ang bawat isa na mapalago nang husto ang mga talentong ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga. Ang mga gumagawa sa gawaing ito ay hindi pinag-aaralan ang kanilang Biblia gaya ng nararapat. Kapag pinag-aralan nila, ang mga praktikal na aral nito ay magkakaroon ng positibong kaugnayan sa kanilang mga buhay. Anuman ang inyong gawain, minamahal na mga kapatid, gawin ninyo ito para sa Panginoon, at gawin ang lahat ninyong magagawa. Huwag ninyong kaligtaan ang kasalukuyang mga ginintuang pagkakataon at ipakitang kabiguan ang inyong buhay kung kayo ay patamad-tamad, nakaupo at nangangarap ng kaginhawaan at tagumpay sa gawaing hindi iniangkop ng Diyos sa inyo. Gawin ang trabahong pinakamalapit sa inyo. Gawin ito kahit pa ito ay nasa gitna ng mga panganib at kahirapan sa bukirang misyonero; ngunit ako ay nakikiusap, huwag kayong magreklamo tungkol sa mga kahirapan at pagsasakripisyo. Tingnan ninyo ang mga Waldenses. Masdan ninyo kung anong mga plano ang ginagawa nila upang ang ilaw ng ebanghelyo ay magliwanag sa mga nagdilim na isipan. Hindi tayo dapat gumawa na umaasang tatanggapin ang ating gantimpala sa buhay na ito, kundi nakatuong mabuti ang mga mata sa gantimpala pagkatapos ng takbuhin. Ang mga lalaki at babaing kinakailangan ngayon ay yung mga tapat sa tungkulin gaya ng karayom ng kompas na nakatapat sa hilaga, mga lalaki at babaing gagawa kahit hindi patag ang daraanan at kahit hindi alisin ang bawat balakid.MTP 81.1

    Kapag Ipinamuhay Ninyo ang Inyong Pananampalataya.—Inilarawan ko na kung maging ano dapat ang mga nagkakambas; at nawa, buksan ng Panginoon ang kanilang mga isipan upang maunawaan ang haba at lawak ng paksang ito, at maintindihan nawa nila ang kanilang tungkuling ipakita ang karakter ni Cristo sa pamamagitan ng kanilang pagtitiis, tapang, at matatag na integridad. Tandaan nila na puwede nila Siyang ipagkaila sa pamamagitan ng pabaya, maluwag, at mapag-alinlangang karakter. Mga kabataan, kung isasama ninyo ang mga prinsipyong ito sa bukiran ng pagkakambas, kayo ay igagalang; at maraming maniniwala sa katotohanang inyong itinataguyod, dahil ipinamumuhay ninyo ang inyong pananampalataya, sapagkat ang inyong pang araw-araw na pamumuhay ay kasing liwanag ng kandilang nagbibigay-liwanag sa lahat ng nasa loob ng bahay. Maging ang mga kaaway ninyo, gaano man kakontra laban sa inyong mga doktrina, ay igagalang kayo; at kapag nakamit ninyo ang ganito, ang mga simpleng salita ninyo ay magkakaroon ng kapangyarihan at magdadala ng kombiksyon sa mga puso. Testimonies, vol. 5, pp. 406, 407. (1885)MTP 81.2

    Mga tanong na dapat pag-isipan

    1. Bakit dapat na maging halimbawa sa pagkilos, pag-uugali at pananamit ang isang kulpurtor?
    a. “Ang gawain ay ____________, ang layunin ay____________ at ; at dapat na may katumbas na dignidad sa pagkilos.”
    b. “Maganda sanang isaalang-alang niya kung ano ang pinakamaiging pagkuha ng atensiyon, sapagkat ang____________ niya ng paglalahad ng katotohanan ay maaaring magpasya ng____________ ng isang kaluluwa.”
    c. “Sa pamamagitan ng ____________ pumapaligid sa atin, bawat taong makakausap natin ay naaapektuhan, man nila o ____________ .”
    d. “Ang ____________ ay kapangyarihan. Ang tahimik na saksi ng____________ , ____________ , at____________ na buhay ay nagdadala ng halos hindi malabanang ____________.”
    e. “Tandaan nila na puwede nila Siyang ____________ sa pamamagitan ng ____________ , ____________ ,at ____________ karakter.”
    MTP 82.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents