Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pangkat I - Ang Pagkukulpultor

    pagtugon sa panawagan para maglingkod
    ni claro r. vicente
    MTP 12.1

    Isang araw ng Disyembre, tumugon si Tony sa isang apuradong katok sa kanyang pinto. Doon ay nakatayo ang nakangiting kulportor na si Lynza. Bumili si Tony ng Healing Wonders of Water para sa kanyang sariIi at Tell-It-Again Stories para sa apat na taon niyang anak na si Neill. Ang tiyaga, katapatan, at sigasig ng kulportor nang mga sumunod nitong dalaw ay umakit kay Tony na naging daan sa regular na pag-aaral ng Biblia.MTP 12.2

    Hindi nagtagal, si Tony ay nasa pagpapasya na. Ang matibay na pagkakaugnay niya sa iglesyang Romano Katoliko ay hindi matibag. Ang dahilan, ang mga kaanib ng kanyang pamilya ay di lamang mga ordinaryong laykong Katoliko na namumuno sa komunidad. Isang tiyahin ang nag-iingat ng imahen ni Cristo na nasa karwahe na pag-aari ng pamilya at ginagamit sa mga prusisyon ng relihiyon. Si Tony mismo ay may ranggong ikalawang digri sa lokal na sangay ng Knights of Columbus. Halos isang buwan na rin siyang inaaralan ng mga Saksi ni Jehovah at ito’y nakadagdag sa pag-aalangan niya.MTP 12.3

    Bago ang araw ng binyag, humingi siya ng tanda sa Diyos. Siya ay sinagot sa isang panaginip.MTP 13.1

    Nakita ni Tony ang kanyang sarili na lumalakad sa isang kalye. Sa isang bahagi, isang nagtitinda ng tsinelas ang nag-alok ng kanyang mga paninda, na itinuturo ang napakaIiit na tsinelas ni Tony. Ang mga ito ay pambata. Pagsakay niya sa bus, maging ang mga pasahero’y pinag-uusapan ang maliit niyang tsinelas. Hindi ito bumabagay sa kanyang pormal na bihis.MTP 13.2

    Nang sumunod na araw, siya’y nabinyagan.MTP 13.3

    Mabilis na sumunod ang mga pagsubok. Ang isang patuloy niyang problema ay ang kawalan ng permanenteng trabaho. “Panginoon, ano po ang gusto Ninyong gawin ko?” pakiusap niya. “Ipakita po Ninyo sa akin.” At ipinakita nga ng Diyos sa ikalawang panaginip.MTP 13.4

    Sa panaginip na ito, ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan niya’y nagsabi, “Mula ngayon, ikaw na ang aming magiging tagapagdala ng sulat sa mga tao.” Bagaman naIiIito at nagdaramdam sa mababang trabaho, siya’y sumunod.MTP 13.5

    Kung ang unang pagtawag sa kanya ay para siya’y maligtas, ang ikalawa ay walang pagsalang panawagan para siya’y maglingkod. Nais ng Diyos na siya’y maging kulpurtor!MTP 13.6

    Ngayon, hindi lamang nararanasan ni Tony ang ligaya ng kaligtasan, kundi maging ang ligaya ng paglilingkod.MTP 13.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents