Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanta 22 - Pagpapanatili ng Tamang Balanse

    Mga Aklat na Pangkalusugan at Panrelihiyon.—Dapat umiral ang ganap na pagkakaisa sa mga manggagawang nangangasiwa ng mga aklat na magpupuno ng liwanag sa mundo. Saanman ipakilala ang pagkakambas sa ating mga kapatiran, ang mga aklat na pangkalusugan at panrelihiyon ay parehong dapat ipakita na magkasama bilang mga bahagi ng pinag-isang gawain. Ang relasyon ng mga aklat na panrelihiyon at pangkalusugan ay ipinakita sa akin gaya ng hiblang paayon at pahalang upang makabuo ng isang magandang disenyo at perpektong yari ng gawa.MTP 160.1

    Parehong Mahalaga .—Sa nakaraan, ang mga aklat na pangkalusugan ay hindi napapangasiwaang may malasakit na karapat-dapat sa kahalagahan ng mga ito. Bagaman ang mga ito ay mataas na pinahahalagahan ng karamihan, marami pa rin ang hindi naiisip na mahalagang ito ay dapat makarating sa sanlibutan. Pero ano pa ba ang mas magandang paghahanda sa pagparito ng Panginoon at sa pagtanggap ng iba pang katotohanang kailangan upang ihanda ang mga tao sa Kanyang pagparito kaysa gisingin ang mga tao upang makita nila ang kasamaan ng henerasyong ito at kilusin silang baguhin ang makasariling kalayawan at mga ugaling labag sa kalusugan? Hindi ba’t kailangang ang mundo ay mamulat sa paksa ng repormang pangkalusugan? Hindi ba’t kailangan ng mga tao ang mga katotohanang ipinapahayag sa mga aklat na pangkalusugan? Ang kakaibang damdaming dati-rati ay umiiral sa gawaing pangkalusugan ay dapat isaisip ng marami sa ating mga kulpurtor sa bukiran.MTP 160.2

    Ang mga pagkakahati-hati at bumubukod na mga pangkat ay hindi dapat makita sa ating mga kulpurtor at panlahatang kinatawan [mga sekretarya ng publishing department ]. Lahat ay dapat maging interesado sa pagbebenta ng mga aklat na tumatalakay sa paksang pangkalusugan at iba’t ibang gawang may kinalaman sa relihiyon. Hindi dapat gumuhit ng linya na anupa’t ilang mga aklat lamang ang pag-uukulan ng pansin ng mga nagkakambas. Kailangang may ganap na pagkakaisa, isang balanse at proporsiyonadong pag-unlad ng gawain sa lahat ng bahagi nito.MTP 161.1

    Hindi Dapat Ihiwalay.—Ang pagwawalang-bahalang pakikitungo ng marami sa ating mga aklat na pangkalusugan ay isang kasalanan sa Diyos. Ang paghiwalay ng gawaing pangkalusugan sa malaking kabuuan ng gawain ay wala sa Kanyang patakaran. Ang napapanahong katotohanan ay nakasalalay sa gawain ng repormang pangkalusugan na gaya rin sa ibang bahagi ng gawain ng ebanghelyo. Walang isang sangay ang ganap na buo kapag inihiwalay sa iba.— Testimonies, vol. 6, pp. 326, 327. (1900)MTP 161.2

    Ang mga pagkakahatihati at bumubukod na mga pangkat ay hindi dapat makita sa ating mga kulpurtor at panlahatang kinatawan.MTP 161.3

    Walang Isang Sangay na Pagdalubhasaan.—Sa lahat nating gawain, dapat pag-ingatang walang isang sangay na pagdadalubhasaan habang ang ibang bahagi ay pinababayaang nagdurusa. Wala pang gayong malasakit na ginawa sa pagpapalaganap ng ating mga magasing pangkalusugan na dapat sana ay meron. Ang pagpapakalat ng mga magasing ito ay hindi dapat isawalang-bahala, dahil magdurusa ng malaking kawalan ang mga tao.— Review and Herald , Nov. 1 2, 1901.MTP 161.4

    Bawat Isa ay may Tamang Lugar.—Pero bagaman ang gawaing pangkalusugan ay may lugar sa pagpapahayag ng pabalita ng ikatlong anghel, ang mga tagapagtaguyod nito sa anumang paraan ay hindi dapat pagsikapang mapalitan nito ang pabalita. Ang mga aklat na pangkalusugan ay dapat lumagay sa kanyang tamang lugar, ngunit ang pagpapalaganap ng mga aklat na ito ay isa lamang sa maraming linya sa malaking gawaing dapat gampanan. Ang mga nagbabagang impresyong ibinibigay minsan sa nagkakambas ukol sa mga aklat na pangkalusugan ay hindi dapat magresulta na huwag isama sa bukiran ang ibang mahahalagang aklat na dapat makarating sa mga tao. Yung mga may tungkulin sa gawain ng pagkakambas ay dapat mga taong naiintindihan ang relasyon ng bawat bahagi ng gawain sa malaking kabuuan. Bigyan nila ng kaukulang pansin ang pagpapalaganap ng mga aklat na pangkalusugan, pero huwag gawing lantad na lantad ang linyang ito anupa’t napapalayo ang mga tao sa iba pang mga linyang may mahalagang kapakinabangan, sa gayon ay hindi naisasama ang mga aklat na nagdadala ng espesyal na pabalita ng katotohanan sa mundo.MTP 161.5

    Sapat na edukasyon ay kailangan sa pangangasiwa ng mga aklat na panrelihiyon, na gaya rin sa pangangasiwa nung mga tumatalakay sa paksa ng kalusugan at pagtitimpi. Dapat sabihin ang tungkol sa gawain ng pagkakambas ng mga aklat na may pagkaing espirituwal at dapat gumawa ng pagsisikap para himukin at turuan ang mga manggagawa sa pagpapakalat ng mga aklat na naglalaman ng mensahe ng ikatlong anghel, na husto sa mga sinasabi at ginagawa upang magpalago ng mga manggagawa para sa mga aklat na pangkalusugan.MTP 162.1

    Bawat Isa ay Pinupunuan ang Iba.—Ang isang klase ng mga aklat ay laging gagawa ng lugar para sa iba. Parehong kailangan, parehong dapat lumagay nang sabay sa bukiran. Ang bawat isa ay pinupunuan ang iba at sa anumang paraan ay di-mapapalitan. Parehong tumatalakay sa mga paksang pinakamataas ang kahalagahan, at parehong dapat gumawa ng kanilang bahagi sa paghahanda ng bayan ng Diyos sa mga huling araw na ito. Parehong dapat manindigan bilang napapanahong katotohanan para magliwanag, pumukaw, at mangumbinsi. Parehong dapat magsama sa gawain ng pagpapakabanal at pagdadalisay ng mga iglesyang umaasa at naghihintay sa pagparito ng Anak ng Diyos sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.MTP 162.2

    Gumawang may kasigasigan ang bawat naglilimbag at panlahatang kinatawan [sekretarya ng publishing department] upang palakasin ang mga ahente [mga kulpurtor] na nasa bukiran na ngayon at maghanap at magsanay ng mga bagong manggagawa. Patatagin at pagsikapang itayo ng bawat isa ang gawain, na hangga’t maaari ay hindi pinapanghina ang gawain ng iba. Lahat ay gawing may pag-ibig ng magkakapatid at walang kasakiman.— Testimonies, vol. 6, pp. 327, 328. (1900)MTP 162.3

    Ang mga isip ay hindi ginawang parepareho, at ang pagkain para sa isa ay maaaring hindi nakakaakit sa iba.MTP 163.1

    Gumawa Upang Lumagong Balanse.— Ang repormang pangkalusugan ay may malapit na kaugnayan sa mensahe ng ikatlong anghel gaya ng braso sa katawan; subalit hindi puwedeng palitan ng braso ang lugar ng katawan. Ang pagpapahayag ng pabalita ng ikatlong anghel, ang mga utos ng Diyos at patotoo ni Jesus, ay siyang pasanin ng ating gawain. Ang mensahe ay dapat ipahayag na may isang malakas na sigaw, at dapat makarating sa buong mundo. Ang pagpapahayag ng mga prinsipyo ng kalusugan ay dapat makasama ng mensaheng ito, ngunit sa anumang kalagayan ay hindi dapat maging hiwalay dito o sa anumang paraan ay palitan ito....Dapat magkaroon ng balanse, at proporsiyonadong paglago ng gawain sa lahat ng bahagi nito....Gusto kong mailagay ang mga aklat na pangkalusugan sa kanilang tamang lugar; subalit isa lang sila sa maraming linya sa dakilang gawaing dapat gampanan. Pinadala ng Panginoon ang Kanyang mensahe sa mundo sa mga aklat na naglalaman ng katotohanan para sa mga huling araw.MTP 163.2

    Hindi dapat turuan ang mga nagkakambas na isang aklat o isang klase ng mga aklat lang ang dapat pumuno sa bukiran, dahilan para mapabayaan ang lahat ng iba pa. Sa mga manggagawa ay laging may ilang nadadala sa halos kahit saang direksiyon. Yung mga may tungkulin sa gawain ng pagkakambas ay dapat mga taong may balanseng isipan, na nakakaunawa ng relasyon ng bawat bahagi ng gawain sa malaking kabuuan. Bigyan nila ng kaukulang pansin ang pagpapalaganap ng mga aklat na pangkalusugan, pero huwag gawing lantad na lantad ang linyang ito para ilayo ang mga tao sa iba pang mga linyang may mahalagang kapakinabangan.— Letter 57, 1896.MTP 163.3

    Ang pagbebenta ng mga magasin at aklat na pangkalusugan sa anumang paraan ay hindi hadlang sa pagbebenta ng mga babasahing tumatalakay sa iba pang mga bahagi ng pabalita ng ikatlong anghel. Lahat ay dapat maghanda ng daan para sa pagdating ng Panginoong Jesus sa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.— Manuscript 113, 1901.MTP 163.4

    Hindi Lahat ay Dapat Gumawa Para sa lisang Aklat.—Matagal nang iginigiit na ang pinakamagandang patakaran ay paisa-isang aklat lang muna ang dapat malagay sa bukiran ng pagkakambas— na lahat ng mga nagkakambas ay gagawa para sa iisang aklat. Kung ito ay magagawa, hindi ito magiging mabuti ni kapaki-pakinabang. Walang iisang aklat ang dapat eksklusibong dalhin at panatilihin sa publiko na para bang matutustusan nito ang bawat pangangailangan sa panahong ito. Kung may liwanag ang Panginoon para sa Kanyang bayan, na inilabas sa iba’t ibang paraan sa sari-saring mga aklat, sino ang mangangahas na maglagay ng mga balakid para hindi kumalat ang liwanag sa buong mundo? Nais ng Panginoong gumawa ng mga piano ang ating mga kapatid para ang liwanag na Kanyang binigay ay hindi nakatago sa mga bahay-palimbagan, kundi sisikat para maliwanagan ang lahat ng tatanggap nito.— Manual for Canvassers, p. 47. (1902)MTP 164.1

    Babasahin Para sa Lahat ng Klase.—Walang sinumang nagkakambas ang dapat magtaas ng kanyang tinatrabahong aklat nang higit sa iba pang nagsusulong ng napapanahong katotohanan. Kung bibitawan ng ating mga kulpurtor ang lahat maliban sa isang aklat, at itutuon ang kanilang mga lakas doon, ang gawain ay hindi maipatutupad na ayon sa panukala ng Diyos. Ang mga isip ay hindi ginawang pare-pareho, at ang pagkain para sa isa ay maaaring hindi nakakaakit sa iba; kaya, dapat ay nasa bukiran ang mga aklat na tinatalakay sa iba’t ibang paraan ang mga natatanging paksa sa panahong ito. Mahalaga na ang nagkakambas ay gumawa ng matalinong pagpili. Walang sinumang gumagawa sa gawain ng Diyos ang dapat maging makitid at kulang sa pang-unawa. Ang Panginoon ay maraming kaparaanan na dito ay pinapanukala Niyang gumawa. Kapag ang isang aklat ay mas itinaas kaysa iba, may panganib na ang mismong gawa na pinakaangkop para magbigay ng liwanag sa mga tao ay maiwanan. Hindi na kailangang paghambingin ang iba’t ibang aklat, at pagpasyahan kung alin ang makagagawa ng pinakamabuti. Ang Diyos ay may lugar para sa lahat ng tinig at panulat na Kanyang kinasihan upang magsalita para sa Kanya. Magiging mahirap para sa ilang mga kaisipan ang unawain ang pinakamahihirap nating gawa, at mas madali Ang ating mga silang maaabot ng mas simpleng paraan ng paglalagay ng katotohanan. Tulungan ng mga nangungunang manggagawa ang mas mahihina, at magpakita ng patas na malasakit sa bawat isang kaparaanan na pinagagana para ihanda ang mga tao sa araw ng Panginoon. Ang ilan ay mas makikinabang sa mga peryodiko at polyeto kaysa sa mga aklat. Ang mga peryodiko, polyeto at pamphlet na tumatalakay sa mga liksiyon sa Biblia, ay pare-parehong kailangang pagtuunan ng pansin sa pagkakambas, sapagkat ang mga iyon ay gaya ng maliliit na pantusok na bumubutas ng daan para sa mas malalaking ginawa.— Manual for Canvassers , pp. 48, 49. (1902)MTP 164.2

    Ang ating mga babasahin ay makakarating sa mga lugar na hindi pa puwedeng pagdausan ng mga pagpupulong.MTP 165.1

    Mga Polyeto at Pamplet.—Ang nagkakambas ay dapat magdala ng mga polyeto, pamplet, at maliliit na aklat para maibigay doon sa mga hindi makakabili. Sa ganitong paraan, maipapasok ang katotohanan sa maraming tahanan.— Testimonies , vol. 6, p. 338. (1900)MTP 165.2

    Mas Disididong Pagsisikap Para sa mga Aklat na Panrelihiyon.— Ang pagkakambas ng ating mga babasahin ay isang makabuluhan at talagang kapaki-pakinabang na gawaing pangebanghelyo....Bagaman marami na tayong nasabi tungkol sa pagkakambas ng mga aklat na pangkalusugan—at nadarama pa rin nating kailangang maipalaganap ang mga aklat na ito—ngunit ang mas disididong pagsisikap ay dapat gawin para maihatid ang ating mahahalagang aklat na panrelihiyon sa mga tao. Ang ating mga babasahin ay makakarating sa mga lugar na hindi pa puwedeng pagdausan ng mga pagpupulong. Sa ganong mga lugar ang tapat na ebanghelistang nagkakambas ang humahalili sa lugar ng buhay na mangangaral.— Letter 14, 1902 .MTP 165.3

    Sa panahong ito ng ating paggawa, dapat nating bantayan ang bawat hakbang natin na may kinalaman sa paglalathala ng ating mga aklat. Malinaw na ipinakita sa akin na ang dapat nating makuha bilang mga kulpurtor ay mga lalaki at babaing maabilidad. Malaking bahagi ng pagsisikap na itinalaga sa pagbebenta ng mga aklat na pangmedikal ay dapat ilaan sa pagdala ng mga aklat na naglalaman ng kasalukuyang katotohanan para sa panahong ito, upang maipaalam sa mga tao ang mga katibayan ng ating pananampalataya at ang mga usaping kinakaharap natin....MTP 165.4

    Dapat nating pagtrabahuin ang bawat buhay na ahensiyang nadarama na siya ay pinili ng Diyos upang gumawa hindi ng pangkaraniwang pagnenegosyo, kundi gawaing magbibigay ng liwanag at katotohanan, katotohanan ng Biblia, sa sanlibutan. — Letter 72, 1907 .MTP 166.1

    Hindi natin kailangan ang mga nobela; sapagkat ang pinag-uusapan natin ay ang talagang mga katotohanan ng buhay.MTP 166.2

    Maliliit Laban sa Malalaking Aklat.—Hindi ako naniniwala na tama ang magbigay ng malaking atensyon sa pagbebenta ng maliliit na aklat hanggang sa mapabayaan ang mas malalaki. Mali ang iwanang nakalapag sa mga istante ang malalaking gawang inihayag ng Panginoon na dapat mapasa kamay ng mga tao, at pagdiinang maigi, kapalit nito, ang pagbebenta ng maliliit na aklat.— Manuscript 123, 1902.MTP 166.3

    Walang Panahon Para sa Pangkaraniwan.—Lahat tayo ay napakalapit na sa pagtatapos ng kasaysayan ng daigdig na ito para ipagbigay-pansin pa sa mga tao ang klase ng mga aklat na hindi naglalaman ng mensaheng kailangan ng ating mga kababayan. Dalhin ang kanilang atensyon sa mga aklat na tumatalakay sa praktikal na pananampalataya at kabanalan. Linisin at pakabanalin ang kampo. Sagana ang mga aklat na magbibigay-liwanag sa mundo.MTP 166.4

    Hindi ko maintindihan kung bakit ang ating mga babasahin ay kailangang lagyan ng maraming patalastas ng mga aklat na hindi naman mahalaga para sa panahong ito. Maraming ganyang mga aklat ang makukuha sa mga tindahan ng libro. Bakit hindi na lang akayin ang isipan ng mga tao sa mga paksang may kaugnayan sa mga salita ng buhay na walang hanggan? Bakit hindi na lang pagsikapang magkaroon ng mga simple, makatotohanan, at tunay na komunikasyon, mula sa mga manggagawa natin sa lahat ng bahagi ng mundo? Nananawagan ang Diyos sa ganitong klase ng babasahin. Wala na tayong panahon na mailalaan pa sa mga pangkaraniwang bagay. Wala nang aaksayahing panahon sa mga aklat na panglibang lamang.— Counsels to Writers and Editors, pp. 147, 148. (1899)MTP 166.5

    Ipinaalam sa akin na ang mga karaniwang kuwento na ginagawang aklat ay hindi kailangan para sa ikabubuti natin. Ang mundo ay binabaha na ng ganitong uri ng literatura, at ang katunayang madaling mabili ang ganong mga aklat ay hindi ebidensiya na iyon ang mga aklat na dapat ipakalat. Ang pagkahumaling sa mga kuwento ang nagpapalabas sa libu-libong aklat na walang kuwenta gaya ng dayami, panggatong, at pinaggapasan. Ang mga aklat na ito ay sinulat ng mga taong ang mga isipan ay sinanay na umagos sa daluyan ng romansa. Bawat bagay na maiisip ng mapagkathang isipan ay ginagawang aklat, at ipiniprisinta sa mundo bilang pagkain ng utak. Pero kadalasan wala naman itong halaga ng pagkain. “Ano ba naman ang dayami sa trigo?” Hindi natin kailangan ang mga nobela; sapagkat ang pinaguusapan natin ay ang talagang mga katotohanan ng buhay.— Counsels to Writers and Editors , p. 147. (1899)MTP 167.1

    Iwasan ang Walang Kabuluhan at Nakakatangay na Literatura.— Ang mundo ay binabaha ng mga aklat na mas mabuti pang sunugin kaysa ipakalat. Ang mga aklat tungkol sa pakikipagdigma ng mga Indian at mga paksang katulad nito na nilalathala at pinapalaganap para magparami ng pera, ay mas maiging huwag na lang basahin. May makademonyong pang-gayuma sa mga aklat na ito. Ang nakalulungkot na ugnayan ng mga krimen at kabuktutan ay may bumibighaning kapangyarihan sa maraming kabataan, ginigising sa kanila ang pagnanasang sila ay mapansin, kahit sa pamamagitan ng pinakamasamang gawain. Mas maganda pa ng kaunti ang impluwensiya ng maraming isinulat na mas ganap na makasaysayan. Ang mga katakut-takot na kasamaan, kalupitan, at mahahalay na gawaing inilalarawan sa mga isinulat na ito, ay nagsisilbing pampaalsa sa maraming isipan at umaakay sa kanila na gawin din ang ganong mga gawain. Itinatanyag ng mga aklat na naglalarawan sa makademonyong gawain ng mga tao ang mga makasalanang gawain. Ang nakakapangilabot na detalye ng krimen at ng kasawiang-palad ay hindi na dapat pang patagalin, at walang sinuman sa mga naniniwala sa katotohanan para sa panahong ito ang dapat makibahagi sa pagpapamalagi ng alaala nito. Ang mga kuwento ng pag-ibig at kalokohan at nakakatangay na istorya ay bumubuo ng isa pang klase ng mga aklat na isang sumpa sa bawat magbabasa. Ang manunulat ay maaaring magsama ng mabuting aral, at sa buo niyang ginawa ay magsama ng damdaming panrelihiyon; ngunit sa napakaraming pagkakataon, si Satanas ay nagbibihis lang ng mga damit-anghel, para mas makapandaya at makaakit. May malaking epekto sa utak natin ang pinakakain natin dito. Ang mga nagbabasa ng mga kalokohan at nakakatangay na kuwento ay hindi nababagay sa mga tungkuling nasa harapan nila. Tinatahak nila ang di-makatotohanang buhay, at ayaw maging kapaki-pakinabang sa trabaho, at wala silang hilig na magsaliksik ng Kasulatan, upang makakain ng tinapay mula sa langit. Ang isip ay nanghihina, at nawawala ang lakas nito para pag-isipan ang malalaking problema sa tungkulin at patutunguhan.MTP 167.2

    Ipinaalam sa akin na ang mga kabataan ay lantad sa napakalaking panganib ng hindi tamang babasahin. Laging inaakay ni Satanas ang mga kabataan at ang mga nasa tamang edad para magayuma ng mga walang kabuluhang kuwento. Kapag ang malaking bahagi ng mga aklat na nilalathala ay sinunog, isang salot na gumagawa ng nakakapangilabot na gawain sa pagpapahina ng isipan at pagpapasama ng puso ang mapipigilan. Walang sinumang napakatatag sa mga tamang prinsipyo ang ligtas sa tukso. Lahat ng basurang babasahing ito ay dapat itapon na may matibay na pagpapasya.MTP 168.1

    Wala tayong pahintulot mula sa Panginoon para maglimbag o magbenta man ng ganyang literatura, sapagkat iyan ang paraan ng pagwasak sa maraming kaluluwa. Alam ko kung ano ang aking sinusulat; dahil ang bagay na ito ay ipinakita sa akin. Huwag sumali sa ganitong gawain ang mga naniniwala sa katotohanan, dahil iniisip na magkakapera. Wawasakin ng Panginoon ang mga kabuhayang nakuha dito; mas marami ang Kanyang ikakalat kaysa sa naipon.— Manual for Canvassers, pp. 51-53. (1902)MTP 168.2

    Magkambas Para Ikalat ang Liwanag. — Sa henerasyong ito ang mga walang-kuwenta ay pinupuri at dinadakila. May panawagan sa anumang makalilikha ng damdamin at maibebenta. Ang bansa ay binabaha ng mga babasahing lubos na walang kabuluhan, na isinulat para lamang magkapera, habang ang tunay na makabuluhang mga aklat ay hindi nabibiIi at nababasa. Ang mga nagbebenta ng madamdaming literaturang ito dahil sila ay kikita ng mas malaki dito, ay nawawalan ng mahalagang pagkakataong gumawa ng kabutihan. May mga digmaang dapat paglabanan para makuha ang atensyon ng mga lalaki at babae, at akitin sila sa tunay na mahahalagang aklat na ang pundasyon ay ang Biblia; at magiging malaking tungkulin pa rin ang paghahagilap ng matatapat at may takot sa Diyos na mga manggagawa para sa layuning ipakalat ang liwanag.— Testimonies , vol. 5, pp. 401, 402. (1885)MTP 168.3

    Mga tanong na dapat pag-isipan

    1. Bakit ang mga aklat na pangkalusugan at panrelihiyon ay dapat “ipakita na magkasama bilang bahagi ng pinag-isang gawain”?
    a. “Hindi dapat gumuhit ng linya.... Kailangang may ganap na pagkakaisa, isang balanse at proporsiyonadong ____________ ng gawain sa lahat ng bahagi nito.”
    b. “Ang paghiwalay ng gawaing pangkalusugan sa malaking kabuuan ng gawain ay wala sa Kanyang ____________.”
    c. “Sa lahat nating gawain.... walang isang sangay na [dapat] --------------------habang ang ibang bahagi ay pinababayaang nagdurusa.”
    d. “Ang bawat isa ay ____________ ang iba at sa anumang paraan ay di-mapapalitan.”
    MTP 169.1

    2. Anu-ano pang ibang gawain ang nakagagawa ng “tamang balanse”?
    a. “Walang sinumang nagkakambas ang dapat ____________ ng kanyang tinatrabahong aklat nang higit sa iba .... Ang mga ____________ ay hindi ginawang pare-pareho.”
    b. “Ang nagkakambas ay dapat magdala ng mga , ____________ ____________ at maliIiit na para maibigay doon sa mga hindi makakabili.”
    c. “Hindi tama ang magbigay ng malaking atensyon sa pagbebenta ng ____________ na aklat hanggang sa mapabayaan ang mas ____________.”
    MTP 169.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents