Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pangkat III - Ang Kulpultor Sa Gawa

    paggawa sa mga kandidato para sa langit
    ni levi j. estores na isinalaysay kay nestor c. rilloma
    MTP 98.1

    Pagkamalikhain at talino,” ang di-sinasadyang naisagot ni Esther Bonan-Almocera, isang credential na kulpurtor sa Central Philippine Union Conference, nang tanungin siya tungkol sa lihim na pormula sa pagtatagumpay.MTP 98.2

    Pangalawang anak sa pitong magkakapatid, si Esther ay lumaki sa isang Adventistang pamilya sa Lutopan, Toledo City. Bagaman hanggang third year high school lamang, hindi pinayagan ni Esther ang kakulangan niya sa edukasyong pormal na makahadlang sa kanyang pangarap na magamit sa gawain ng Panginoon.MTP 98.3

    Ang pangarap ay naging totoo noong 1993 nang sumali siya sa literature ministry. Gayunman, ang pagiging instrumento ng Diyos ay hindi madaling responsibilidad. Ngunit ang kanyang pagtatalaga at paghahandog ng sarili ay nagbigay-kapangyarihan sa kanya upang makayanan ang parang mahihirap na panahon nang sumunod na mga taon. Dahil sa kanyang mabuting halimbawa, sumunod sa kanyang mga yapak ang asawa niya.MTP 98.4

    Higit sa 10 taon na ngayon, may kahusayang napanatili niya ang kanyang pagiging credential. May kakaiba sa kanyang istilo ng pagkakambas para siya’y makabuo ng matibay at di mapagaalinlanganang pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng higit sa 300 na kustomer.MTP 99.1

    Kaya, paano ba niya nagagawa ito bukod sa kanyang pormula ng pagkamalikhain at talino? “Ang mga kustomer ko ay nilikha para makipagkapwa. Kailangan nila ng pagpapahalaga, pagmamahal, pagkalinga,” bulalas niya na ang mukha ay nasisinagan ng dalisay na kagalakan “kaya lagi akong naghahanap ng panahon para mapadalhan ang bawat isa sa kanila pati ang mga pamilya nila ng mga kard tuwing may espesyal na okasyon. Sa pamamagitan ng simpleng pagpapahayag na ito, nadarama nilang sila’y importante at espesyal.”MTP 99.2

    Nang tanungin kung bakit niya ginagawa ito, ipinaliwanag niya na mahalagang mahal mo ang iyong mga kustomer. “Sila ang pinagmumulan ng iyong tagumpay. Kung tutuusin nga, ang literature ministry ay isang gawaing nagmamalasakit sa mga taong kandidato para sa langit.”MTP 99.3

    Kapag siya ay kasama sa tour, sa loob o labas ng bansa, bumibili siya ng mga regalong souvenir para sa mga kustomer niya. Hindi lamang may paggalang at malasakit ang pagturing niya sa kanila; itinuturing din niya sila bilang kapamilya. Para sa kanya, ang mapagmahal na pagpapamalas na ito ay isang puhunan na rin. Ito ay isang paraan para mapanatili ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanila. Kaya, kapag bumibisita siya sa kanila para sa karagdagang order o para ipakilala ang bagong produkto, hindi nila siya tinatanggihan.MTP 99.4

    Ngayon, si Esther ay meron nang kalahating milyong puhunan— ang resulta ng matapat na pagsisikap niya sa paghanap ng panahon para patuloy na mapanatili ang unawaan nila ng kanyang mga kustomer at pagturing sa kanila bilang napakaimportanteng mga tao. Para sa kanya, ang linyang, “Ang kustomer ay laging tama!” ay hindi lamang isang kasabihan sa gawain kundi isa ring uri ng pamumuhay ng bawat Kristiyanong sales representative.MTP 99.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents