Kabanta 7 - Lubos na Pagsuko sa Diyos
Ang Pangunahing Pangangailangan.—Ang mga kasama sa gawain ng pagkakambas ay dapat munang ibigay ang kanilang sariIi nang buong-buo at walang pag-aalinlangan sa Diyos. Inanyayahan sila ni Cristo, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at matuto kayo sa Akin; sapagkat Ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang Aking pasan.”— Manuscript 26, 1901.MTP 61.1
Bawiin ang Panahon.—Kung inyong binalewala ang panahon ng paghahasik, kung hinayaan ninyong lumampas na walang nagbago ang mga pagkakataong ibinigay ng Diyos, at ibinigay ninyo ang inyong sarili sa kalayawan, hindi ba kayo magsisisi ngayon, bago lubusang maging huli ang lahat, at pagsikapang mabawi ang panahon? Ang obligasyon na gamitin ang inyong mga talento sa serbisyo ng Panginoon ay mabigat na nakapatong sa inyo. Lumapit kayo sa Panginoon, at lubos na isuko ang lahat sa Kanya. Hindi na ninyo dapat sayangin ang isang araw pa. Gawin ang napabayaan ninyong gawain. Alisin ang inyong kawalang-tiwalang pagrereklamo, pagkainggit at masamang pag-iisip, at gumawa na may mapagpakumbabang pananampalataya, at taimtim na pananalangin sa Panginoon para kayo ay patawarin sa mga taon ng kawalang kabanalan. Humingi kayo ng tulong sa Panginoon. Kung hahanapin ninyo Siya nang buong sikap, nang buong puso, Siya ay inyong masusumpungan, at kayo ay Kanyang palalakasin at pagpapapalain.— Review and Herald, Jan. 7, 1903.MTP 61.2
Maging Mapagpakumbaba at Matuturuan.—Sa pagpili ng mga lalaki at babae sa Kanyang serbisyo, hindi itinatanong ng Diyos kung sila’y may pinag-aralan, o husay sa pagsasalita o makamundong kayamanan. Ang itinatanong Niya: “Lumalakad ba si la sa ganong kapakumbabaan anupa’t maituturo Ko sa kanila ang Aking pamamaraan? Mailalagay Ko ba sa kanilang mga labi ang Aking mga salita? Maipapakita ba ni la Ako sa mga tao?”MTP 62.1
Magagamit ng Diyos ang bawat tao kung mailalagay Niya ang Kanyang Espiritu sa templong kaluluwa. Ang gawaing Kanyang tatanggapin ay yong gawaing nagpapakita ng Kanyang wangis. Dapat dalhin ng Kanyang mga tagasunod ang di mapapawing mga katangian ng Kanyang mga walang kamatayang prinsipyo bilang katibayan nila sa mundo.— Testimonies, vol. 7, p. 144. (1902)MTP 62.2
Bakit Maraming Nabigo.—Ang mga nagkakambas ay kailangang mahikayat sa Diyos araw-araw, para ang kanilang mga salita at gawa ay maging pampalasa ng buhay sa buhay, at nang magamit nila ang impluwensiyang makaliligtas. Ang dahilan kung bakit maraming nabigo sa pagkakambas ay dahil hindi sila mga tunay na Kristiyano; hindi nila nalalaman ang espiritu ng pagkahikayat. Sila ay may teoriya kung paanong isagawa ang trabaho, subalit hindi nila nadarama ang pangangailangan nila sa Diyos.MTP 62.3
Nababago sa Pamamagitan ng Pagtingin.—Mga kulpurtor, tandaan na sa mga aklat na inyong dinadala ay hindi ninyo ipinahahayag ang basong may alak ng Babilonia, na mga maling doktrinang pinagsasaluhan ng mga hari ng daigdig, kundi basong puno ng pinakamamahal na mga katotohanan ng pagtubos. Kayo ba mismo ay iinom nito? Ang inyong mga isipan ay maaaring madala sa pagkabihag sa kalooban ni Cristo, at mailalagay Niya sa inyo ang Kanyang sariIing titulo. Sa pamamagitan ng pagtingin, kayo ay mababago mula kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, mula sa karakter tungo sa karakter. Gusto ng Diyos na pumunta kayo sa harapan at sabihin ang mga salitang ibibigay Niya sa inyo. Gusto Niyang ipakita ninyong kayo ay may mataas na pagtingin sa sangkatauhan, sangkatauhang binili ng mamahaling dugo ng Tagapagligtas. Kapag bumagsak kayo sa Bato at nangadurog, mararanasan ninyo ang kapangyarihan ni Cristo, at mapapansin ng iba ang kapangyarihan ng katotohanan sa inyong mga puso.— Testimonies, vol. 6, pp. 317, 318. (1900)MTP 62.4
Isuot si Cristo.—Walang sinumang magiging matagumpay na tagahikayat ng kaluluwa malibang maayos niya mismo ang paksa tungkol sa pagsuko sa Diyos. Ang bawat isa sa atin ay dapat na isuot ang Panginoong Jesu-Cristo. Sa bawat isa sa atin, Siya ay dapat maging karunungan, katuwiran, kabanalan, at katubusan. Kung ang ating pananampalataya ay nanghahawak kay Cristo bilang personal nating Tagapagligtas, ilalahad natin Siya sa iba sa isang bagong liwanag. At kapag napagmasdan ng mga tao si Cristo sa kung ano Siya, hindi na sila magtatalo pa sa mga doktrina; sila ay tatakbo sa Kanya para sa kapatawaran, kadalisayan, at buhay na walang hanggan.MTP 63.1
Ang suliranin na dapat mas katakutan ay, kung ang nagkakambas mismo na nakakausap ng mga nagtatanong na kaluluwang ito ay hindi hikayat; siya mismo ay hindi nalalaman sa karanasan ang pagibig ni Cristong nagbibigay ng kaunawaan. Kung siya nga mismo ay walang ganitong kaalaman, paano niya maisasalaysay sa iba ang pinakamamahal na kuwentong matandang-matanda na? Ang mga tao ay dapat maturuan ng pinakadiwa ng tunay na pananampalataya, ng paraan ng pagtanggap kay Cristo, at magtiwala sa Kanya bilang kanilang personal na Tagapagligtas. Dapat nilang malaman kung paano nila masusunod ang Kanyang mga yapak saan man siya magpunta. Sundan ng mga paa ng manggagawa ang bawat hakbang ng bakas ng mga paa ni Jesus, at huwag nang gumawa ng iba pang bakas ng daang patungo sa langit....MTP 63.2
Ilapit ang mga Tao sa Manunubos.— Maraming nag-aangking Kristiyano ang lumayo kay Cristo, ang dakilang sentro, at ginawa nilang sentro ang kanilang mga sariIi; ngunit kung nais nilang managumpay sa pag-akit ng iba sa Tagapagligtas, sila mismo ay dapat magsipanumbalik sa Kanya, at kilalanin ang kanilang lubos na pangangailangan sa Kanyang biyaya. Sinubukan ni Satanas sa abot ng kanyang makakaya na putulin ang kadenang nagdudugtong ng mga tao sa Diyos; gusto niyang itali sila sa kanyang karo, at gawin silang mga alipin sa kanyang serbisyo; ngunit tayo ay dapat gumawang laban sa kanya, at ilapit ang mga tao sa Manunubos.— Manual for Canvassers, pp. 38, 39. (1902)MTP 63.3
Kaluluwang Dinala kay Jesus Para Maingatan.—Kapag ang kaluluwa ay nadala kay Cristo sa ganitong personal na paggawa, iwanan ang nagsuko at nagpakumbabang puso sa Diyos para makagawa Siya dito; hayaang ipilit sa kanya ng Diyos ang gayong paglilingkod na nakikita Niyang angkop sa kanya. Nangako ang Diyos na ang Kanyang biyaya ay sapat para sa bawat isang lalapit sa Kanya. Yung mga sumuko kay Jesus, na nagbubukas ng pinto ng puso at inaanyayahan Siyang pumasok, ay malalagay sa pag-iingat. Sabi Niya, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay.” Juan 14:6. Sa pagtaglay kay Jesus, tataglayin nila ang katotohanan. Magiging kumpleto sila sa Kanya.— Manual for Canvassers, pp. 38, 39. (1902)MTP 64.1
Lubos na Katapatan.—Kapag tinatahak ng nagkakambas ang maling daan, kapag siya’y nagsasalita ng kasinungalingan at gumagawa ng panloloko, nawawala ang kanyang paggalang sa sarili. Maaaring hindi niya alam na nakikita siya ng Diyos at nalalaman ang bawat transaksiyon sa negosyo, na ang mga banal na anghel ay tinitimbang ang kanyang mga motibo at nakikinig sa kanyang mga salita, at ang kanyang gantimpala ay ibabatay sa kanyang mga gawa; pero kahit posible mang maitago ang kanyang maling gawain sa pagsisiyasat ng tao at ng Diyos, ang katotohanang alam niya mismo ito ay nakakapagpasama sa kanyang pag-iisip at karakter. Ang isang bagay na ginawa ay di nagtatakda ng karakter, subalit tinitibag nito ang harang, at ang susunod na tukso ay mas handang papasukin, hanggang sa bandang huli, ang ugali ng pagsisinungaling at kawalang-katapatan sa trabaho ay nabubuo, at ang tao ay hindi na mapagkakatiwalaan.MTP 64.2
Napakarami sa mga pamilya at maging sa iglesya ang bahagya lang na isinasaalang-alang ang napakalinaw na mga paiba-iba. May mga kabataang ipinapakita yung hindi naman talaga sila. Sila ay parang tapat at totoo; pero sila’y parang puntod na pininturahan ng puti, maganda sa labas, pero bulok ang nasa loob. Ang puso ay may batik, namantsahan ng kasalanan; at sa gayon ang rekord ay naroroon pa rin sa hukuman ng langit. Isang proseso ang nangyayari sa kanilang isipan na nagpatigas sa kanila, walang pakiramdam. Subalit kung ang kanilang karakter na tinimbang sa timbangan ng santuwaryo ay idineklarang kulang sa dakilang araw ng Diyos, ito’y magiging isang kalamidad na hindi pa nila naiisip ngayon. Ang katotohanan, napakahalaga at di-narumihang katotohanan, ay dapat maging bahagi ng karakter.MTP 64.3
Kalinisan ng Buhay.—Anumang daan ang piliin, ang landas ng buhay ay napapaligiran ng panganib. Kung ang mga manggagawa sa anumang sangay ng gawain ay magiging pabaya at hindi maguukol ng pansin sa kanilang mga walang hanggang kapakanan, sila ay nahaharap sa isang malaking kalugihan. Ang manunukso ay makakapasok sa kanila. Maglalatag siya ng mga silo sa kanilang mga paa, at aakayin sila sa mga daang walang katiyakan. Ang mga ligtas lamang ay yung ang mga puso ay nasa sanggalang ng mga prinsipyong dalisay. Gaya ni David, sila ay mananalangin: “Ang aking mga hakbang ay panatilihin sa iyong mga landas, upang ang aking mga paa ay hindi madulas.” Dapat manatili ang patuloy na pakikipaglaban sa kasakiman at katiwalian ng puso ng tao. Madalas, ang masasama ay parang umaasenso sa kanilang lakad; datapuwa’t yung mga nakakalimot sa Diyos, kahit isang oras o isang sandali lamang, ay nasa mapanganib na daan. Maaaring hindi nila alam ang panganib nito; ngunit bago pa nila malaman, ang mga gawi, gaya ng bendang bakal, ay pumipigil sa kanila sa ilalim ng kasamaang nilikot nila. Kinamumuhian ng Diyos ang kanilang landasin, at ang Kanyang pagpapala ay hindi mapapasakanila.MTP 65.1
Huwag Likutin ang Kasalanan.—Nakita ko ang mga kabataan na ginagampanan ang gawaing ito nang hindi ikinukonekta ang sarili nila sa langit. Inilalagay nila ang kanilang mga sarili sa landas ng tukso para ipakita ang kanilang katapangan. Tinatawanan nila ang kalokohan ng iba. Alam nila ang tamang daan; alam kung paano kumilos nang maayos. Napakadali nilang napapaglabanan ang tukso! Walang kabuluhang isipin ang kanilang pagbagsak! Subalit hindi nila ginagawang depensa ang Diyos. Si Satanas ay may mapaglalang na silo na hinanda para sa kanila, at sila mismo ay nagiging tampulan ng mga loko-loko.MTP 65.2
Ang dakilang kaaway natin ay may mga tauhang laging naghahanap ng pagkakataon upang wasakin ang mga kaluluwa, gaya ng leong naghahagilap ng kanyang masisila. Lumayo ka sa kanila, bata; dahil samantalang sila ay parang mga kaibigan mo; palihim nilang ituturo sa iyo ang masasamang paraan at pamumuhay. Bobolahin ka nila sa kanilang mga labi, at mag-aalok na tulungan at patnubayan ka; ngunit ang kanilang mga hakbang ay patungong impiyerno. Kapag nakinig ka sa kanilang payo, iyon na siguro ang simula ng pag-iiba ng buhay mo. Ang isang pananggalang na inalis sa konsensya, ang pagpapaunlak sa isang masamang ugali, isang pagpapabaya sa mataas na karapatan ng katungkulan, ay maaaring maging simula ng isang landasin ng pandaraya na maghahatid sa iyo sa hanay ng mga naglilingkod kay Satanas, habang lagi mo namang sinasabing mahal mo ang Diyos at ang Kanyang gawain. Ang isang sandali ng pagpapabaya, isang maling hakbang, ay maaaring ipihit ang buong takbo ng iyong buhay sa maling direksyon. At maaaring hindi mo malalaman kung ano ang dahilan ng iyong pagkasira hanggang banggitin ang sentensiya: “Lumayo kayo sa Akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.”MTP 65.3
Iwasan ang Masasamang Kasamahan.—Alam ng ilang mga kabataan na ang aking sinabi ay talagang naglalarawan ng kanilang gawain. Hindi lihim sa Panginoon ang kanilang mga ginagawa, bagaman maaaring ito’y maitago sa kanilang pinakamatatalik na kaibigan, maging sa kanilang ama at ina. Wala na akong nakikitang pag-asa na ang ilan sa mga ito ay magbabago pa sa kanilang gawain ng pagkukunwari at pandaraya. Ang ibang nagkamali ay nagsisikap na mabawi ang kanilang mga sariIi. Tulungan nawa si la ng mahal na Jesus na iharap ang kanilang mukha gaya ng batong napakatigas laban sa mga kasinungalingan at pambobola ng mga taong magpapahina sa kanilang layuning gumawa ng tama o magsingit ng mga pag-aalinlangan o damdamin ng di-paniniwala para ligligin ang kanilang pananampalataya sa katotohanan. Mga kaibigang kabataan, huwag kayong gumugol ng oras na kasama yung mga mag-aalis sa inyo ng karapatan sa dalisay at banal na gawain ng Diyos. Huwag ninyong gawin sa harapan ng mga hindi ninyo kakilala ang mga bagay na hindi ninyo ginagawa sa harap ng inyong ama at ina, o ng mga bagay na ipapahiya kayo kay Cristo at sa mga banal na anghel.MTP 66.1
Maaaring isipin ng iba na ang mga paalalang ito ay hindi kailangan ng mga nangingilin ng Sabbath, subalit alam ng mga pinatutukuyan nito ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko sa inyo, mga kabataan, magingat; sapagkat wala kayong magagawang hindi makikita ng mga anghel at ng Diyos. Hindi kayo puwedeng gumawa ng isang masamang gawain na hindi makakaapekto sa iba. Samantalang ang takbo ng inyong gawain ay naghahayag kung anong materyales ang ginamit sa paghubog ng inyong sariIing karakter, ito ay meron ding makapangyarihang impluwensiya sa iba. Huwag kalimutan ang katotohanang kayo ay pag-aari ng Diyos, na binili Niya kayo sa halaga at dapat kayong managot sa Kanya sa lahat ng talentong ipinagkatiwala Niya. Walang sinumang dapat magkaroon ng anumang bahagi sa gawain ng kulportor na ang kamay ay may dungis ng kasalanan o ang puso ay hindi maayos sa Diyos, sapagkat ang gayong mga tao ay siguradong sisirain ang puri ng layunin ng katotohanan. Yung mga manggagawa sa bukirang misyonero ay kailangan ang Diyos para gabayan sila. Maging maingat dapat sila na magsimula nang tama at pagkatapos ay manahimik at magpakatatag sa landas nang pagtatapat. Sila ay dapat na desidido, sapagkat si Satanas ay determinado at nagtitiyaga sa kanyang mga pagsisikap na sila ay pabagsakin.— Testimonies, vol. 5, p. 396-399. (1885)MTP 66.2
Palagiang Pagdepende sa Diyos.—Siyang nakakasagupa ng mga pagsubok at tukso sa kanyang gawain ay dapat makinabang sa mga karanasang ito, matutong mas disididong sumandal sa Diyos. Dapat niyang madama ang pangangailangan niyang dumepende bawat sandali.MTP 67.1
Walang reklamong dapat kimkimin sa kanyang puso o banggitin ng kanyang mga labi. Kapag nagtagumpay, hindi niya dapat angkinin ang kaluwalhatian sa kanyang sarili, sapagkat ang kanyang tagumpay ay dahil sa paggawa ng mga anghel ng Diyos sa kanyang puso. At alalahanin niya na sa panahon ng kalakasan ng loob at pati panlulupaypay, ang mga anghel ng langit ay laging nasa tabi niya. Dapat niyang kilalanin ang kabutihan ng Panginoon, na pinupuri Siyang may kagalakan.MTP 67.2
Isinaisantabi ni Cristo ang Kanyang kaluwalhatian at pumarito sa daigdig na ito upang magdusa para sa mga makasalanan. Kapag nakaharap natin ang mga kahirapan sa ating gawain, tayo ay tumingin sa Kanya na Siyang Nagtatag at Nagpasakdal ng ating pananampalataya. Sa gayon, hindi tayo mabibigo, ni manlulupaypay. Matitiis natin ang kahirapan bilang mabubuting kawal ni Cristo Jesus. Alalahanin ang Kanyang sinasabi tungkol sa lahat ng tunay na mananampalataya: “Tayo ay mga kamanggagawa ng Diyos, kayo ang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos.” 1 Corinto 3:9.— Testimonies, vol. 6, pp. 334, 335. (1900)MTP 67.3
Ang Mahigpit na Kailangan ng Mundo.—Ang matinding pangangailangan ng mundo ay ang pangangailangan ng mga tao,— mga taong hindi mabibili o maipagbibili; mga taong sa kaibuturan ng kanilang mga kaluluwa ay totoo at tapat; mga taong hindi takot na tawagin ang kasalanan sa tamang pangalan nito; mga taong ang konsensya ay tapat sa tungkulin gaya ng karayom ng kompas na nakatapat sa hilaga; mga taong maninindigan sa tama kahit pa bumagsak ang mga langit.— Education, p. 57. (1903)MTP 68.1
Mga tanong na dapat pag-isipan
1. Bakit ang “lubos na pagsuko sa Diyos” ay pangunahing katangian ng karapat-dapat na mangangaral?
a. “Ang mga kasama sa gawain ng pagkakambas ay dapat ____________ ibigay ang kanilang sariIi nang ____________ at walang ____________ sa Diyos.”
b. “Walang sinumang magiging matagumpay na tagahikayat ng kaluluwa malibang maayos niya mismo ang paksa tungkol sa ____________ sa Diyos.”
c. “Ang dahilan kung bakit maraming nabigo sa pagkakambas ay dahil hindi sila mga ____________ na Kristiyano; hindi nila nalalaman ang espiritu ng . ____________ ”MTP 68.2
2. Ano ang mga patunay ng isang lubos na pagsuko sa Diyos?
a. ____________ at ____________
b. ____________ ____________
c. ____________ ____________MTP 68.3