Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "undefined".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Binabago ni kristo ang puso

    Higit sa rito, ay binabago ni Kristo ang puso. Tumatahan Siya sa inyong puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat ninyong ingatan ang pakikiugnay na ito kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya at patuloy na pagpapakupkop ng inyong kalooban sa Kanya; at habang ito’y inyong ginagawa, ay gagawa naman Siya sa inyo upang kayo’y magpasiya at gumawa ng ayon sa Kanyang mabuting kalooban. Kaya’t masasabi ninyong: “Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Diyos, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang Kanyang sarili dahil sa akin.” Galacia 2:20. Ganito ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Hindi kayo ang mangagsasalila, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo’y magsasalita.” Mateo 10:20. Kaya’t kung si Kristo ang gumagawa sa inyo, ay magpapakita kayo ng diwang gaya ng sa Kanya, at gagawa kayo ng mga gawang gaya ng ginawa Niya—mga gawa ng katuwiran, na siyang pagkamasunurin.PK 87.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents