Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "undefined".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Si jesus ang nagliligtas

    Sinabi ni apostol Pablo, na ang Diyos ang “nagligtas sa atin sa kaharian ng Anak ng Kanyang pag-ibig.” Colosas 1:13. At lahat ng naalis sa kamatayan at nalipat sa kabuhayan ay “naglalagay rito ng kanyang tatak, na ang Diyos ay totoo.” Juan 3:33. Masasabi niya na: “Nangailangan ako ng tulong at ibinigay sa akin ni Jesus. Bawa’t kailangan ko ay Kanyang ipinagkaloob, at binusog Niya ang nagugutom kong kaluluwa; at sa ganang akin ngayon, ang Biblia ay isang pahayag ni Jesu-Kristo. Itinatanong ba ninyo kung bakit ako sumasampalataya kay Jesus?—Sapagka’t sa ganang akin ay isa Siyang Diyos na Tagapagligtas. Bakit ako naniniwala sa Biblia?—Sapagka’t nasumpungan kong ito ang tinig ng Diyos na nagsasalita sa aking kaluluwa.” Tayo na rin ang makakasaksi na ang Biblia ay totoo, at si Kristo ay Anak ng Diyos. Napag-aalaman natin na ang ating sinusunod ay hindi mga katha-kathang ginawang mainam.PK 156.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents