Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tutulong ang diyos upang makaunawa

    Maraming bagay na talagang mahirap unawain at malabo ang kahulugan, nguni’t gagawin ng Diyos na malinaw at magaan sa nangagsisikap na makakilala. Subali’t kung hindi tayo aakayin ng Espiritu ng Diyos ay palagi tayong mabibingit sa pagpilipit sa Kasulatan at sa di-tumpak na pagpapakahulugan sa mga salita nito. Marami ang pagbasa ng Biblia na hindi pinakikinabangan, at sa maraming pangyayari, ay nakasasama pa. Pagka binubuksan ang salita ng Diyos na walang paggalang at walang panalangin; pagka ang pag-iisip at kalooban ay hindi napapalagay sa Diyos, o naayon sa Kanyang kalooban, ang pag-iisip ay pinalalabo ng alinlangan; at sa ganyang pag-aaral ng Biblia ay lalong nagtitibay ang pag-aalinlangan. Ang pag-iisip ay hahawakan ng kaaway, at nagpapasok siya ng mga isipang hubad sa katotohanan. Kailan ma’t sa salita at sa gawa ay talagang hindi pinagpipilitan ng mga tao na maging kasang-ayon ng Diyos, kung gayon, maging gaaano man ang kanilang karunungan, ay malamang na sila’y magkamali sa pag-unawa ng Kasulatan, at hindi panatag ang magtiwala sa kanilang mga paliwanag. Yaong mga bumabasa ng Kasulatan upang humanap lamang ng mga pagkakasalungatan, ay walang pagkaki- lalang ukol sa espiritu. Dahil sa lisyang pagkakilala ay marami silang makikita na ipag-aalinlangan at hindi ipananampalataya sa mga bagay na napakalinaw at napakasimple.PK 154.1

    Pagtakpan man nila gaya ng maaari nilang gawin, sa maraming pangyayari ang tunay na dahilan ng pagaalinlangan at eseptisismo ay pag-ibig sa kasalanan. Hindi tinatanggap ng pusong mapagmataas at maibigin sa kasalanan ang mga iniaaral at mga pagbabawal ng salita ng Diyos, kaya nga’t nakalaang mag-alinlangan sa kapangyarihan nito yaong mga tumatangging sumunod sa mga itinagubilin nito. Upang maabot ang katotohanan, ay dapat tayong magkaroon ng isang maalab na hangad na maalaman ang katotohanan, at pagkukusa ng pusong sumunod. At lahat ng nag-aaral ng kasulatan na taglay ang ganitong diwa, ay makakatagpo ng saganang katunayan na ito nga ang salita ng Diyos, at mauunawa nila ang mga katotohanang linalaman nito na siyang sa kanila’y magpapapantas sa ikaliligtas.PK 155.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents