Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Panalangin Ay Hindi Nawawala sa Lugar, 12 Enero

    Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo’y magbantay na may pagpapasalamat. Colosas 4:2BN 16.1

    Walang oras o lugar kung saan hindi naaangkop na maghandog ng kahilingan sa Diyos. Walang bagay na makapipigil sa atin sa pagtataas ng ating mga puso sa espiritu ng maalab na panalangin. Sa maraming mga tao sa lansangan, sa gitna ng isang pakikipag-ugnayan sa negosyo, maaari tayong magtaas ng kahilingan sa Diyos, at makiusap para sa banal na paggabay.BN 16.2

    Maaari tayong makipag-usap kay Jesus habang naglalakad sa daan, at sasabihin Niyang, “Ako ay nasa iyong kanan.” Maaari tayong makipagniig sa Diyos sa ating mga puso, maaari tayong lumakad kasama ni Cristo. Sa tuwing tayo'y abala sa pang-araw-araw na gawain, maaari nating bigkasin ang ninanasa ng ating mga puso, na hindi naririnig ng sinumang tao; ngunit ang salitang iyon ay hindi magmamaliw sa katahimikan, ni mawawala. Walang makapipigil sa pagnanasa ng kaluluwa. Ito'y umaangat sa ingay ng lansangan, sa ibabaw ng tunog ng mjga makinarya. Sa Diyos tayo nakikipag-usap at ang ating panalangin ay’ pinakinggan.BN 16.3

    Ang bawat masugid na pakiusap para sa biyaya at kalakasan ay masasagot. . . . Hilingin sa Diyos na gawin para sa iyo ang mga bagay na hindi mo kayang gawin para sa iyong sarili. Sabihin lahat kay Jesus. Buksan sa harapan Niya ang mga sekreto ng iyong puso; dahil sinasaliksik ng Kanyang mata ang kaloob-looban ng kaluluwa, at binabasa Niya ang iyong isipang gaya ng isang nakabuklat na aklat. Kapag humingi ka ng mga bagay ria kailangan para sa kabutihan ng iyong kaluluwa, manampalatayang matatanggap mo ito, at mapapasaiyo ang mga ito. Buong pusong tanggapin ang Kanyang mga regalo; dahil namatay si Jesus upang ikaw ay magtamo sa iyong sarili ng mahahalagang bagay ng kalangitan, at sa huli ay masumpungan ang isang tahanan kasama ang mga makalangit na anghel sa kaharian ng Diyos.BN 16.4

    _______________

    Kung ikaw ay maglalaan ng tinig at panahon para manalangin, ang Diyos ay hahanap ng panahon at tinig para tumugon.BN 16.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents