Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ginagamit ng mga Anghel ang Aking mga Kamay Upang Gampanan ang Kanyang Gawain, 28 Oktubre

    Ang Paggabay ng mga Anghel sa Aking Buhay Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel Niya; Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng Kanyang salita, na nakikinig sa tinig ng Kanyang salita. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo Niya; Ninyong mga ministro Niya, na nagsisigawa ng Kanyang kasiyahan. Awit 103:20, 21BN 214.1

    Ang mga anghel, bagaman hindi nakikita, ay nakikipagtulungan sa nakikitang mga ahensya ng tao, bumubuo ng isang samahang kasama ang mga taong nakatutulong. Hindi ba 't may bagay na nakapagpapasigla sa kaisipang ito na ang tao ay tumatayong mga nakikitang instrumento upang ibigay ang mga biyaya ng mga anghel? Sa ating pakikipagtulungan sa Diyos, ang gawain ay nagtataglay ng tatak ng paggawa ng Diyos. Anong katuwaan at kagalakan nga ang nararamdaman ng mga nananahan sa langit habang tumutunghay sila sa magkahalong mga impluwensyang ito, mga impluwensyang kinikilala sa kalangitan! Ang mga tao ay mga kamay ng makalangit na kapangyarihan, sapagkat gumagamit ang mga makalangit na mga anghel ng mga kamay ng mga tao sa praktikal na ministeryo. Ang kanilang mga gawaing bukas palad na paglilingkod ay ginagawa silang mga kabahagi sa pagtatagumpay na siyang bunga ng tulong na inihahandog. Ito ang paraan ng pamamahala ng langit sa kapangyarihang nakapagliligtas.BN 214.2

    Ang kaalaman at pagkilos ng mga makalangit na manggagawa, na isinama sa kaalaman at kapangyarihang nabigay sa mga tao, ay nagbibigay ginhawa sa mga nasisiil at nahihirapan.BN 214.3

    Ang mga anghel na sumama sa pakikipaglaban at nagtagumpay sa panig ng Diyos noong si Satanas ay nakikipagpunyagi para sa paghahari, ang mga anghel na mula sa kanilang matataas na kalagayan ay sumigaw na may kasiyahan sa pagkalalang ng ating sanlibutan, at sa pagkakalalang sa una nating mga magulang na silang maninirahan sa lupa ... ay silang may pinakamaigting na pagmamalasakit na gumawa kasama ng lahing nagkasala sa pagpapasigla ng kapangyarihang ibinibigay ng Diyos sa bawat taong makikiisa sa mga makalangit na nilalang upang hanapin at iligtas ang mga tao patungo sa kamatayan dahil sa kanilang mga kasalanan....BN 214.4

    Ang mga ahensya ng tao ay tinawagan para maging mga kamay na tumutulong, para gamitin ang kaalaman at kalakasan ng mga makalangit na anghel. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kalakasang ito na makapangyarihan sa lahat, matutulungan tayo ng kanilang higit na mataas na edukasyon at karanasan.... Magagampanan ng ganitong pakikipagtulungan ang isang gawaing magbibigay karangalan at kaluwalhatian sa Diyos.BN 214.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents