Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inihahanda Ako ng mga Anghel Para sa Walang Hanggan, 30 Oktubre

    Narito, Aking isinugo ang isang anghel sa harapan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong Aking inihanda para sa iyo. Exodo 23:20BN 216.1

    Abala ang buong kalangitan sa gawain ng paghahanda ng isang bayang tumayo sa araw ng Panginoon. Tila napakalapit ng ugnayan ng langit sa lupa. . . .BN 216.2

    Naghihintay ang mga makalangit na nilalang na halos naiinip na ipakilala Siya sa mga tao, upang maging kamanggagawa sila kasama ng mga makalangit na mga anghel sa pagpapakilala kay Jesus—ang Manunubos ng sanlibutan, puno ng biyaya at katotohanan... .BN 216.3

    Ang unang luha ng pagsisisi dahil sa kasalanan ay nagdudulot ng kasiyahan sa gitna ng mga makalangit na anghel. Handang kumilos ang mga makalangit na sugo upang maglingkod sa kaluluwang naghahanap kay Jesus.. . .BN 216.4

    Marangal at maluwalhati ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanilang umiibig sa Kanya. Masikap na umaasa ang mga anghel sa huling pagtatagumpay ng bayan ng Diyos, kung kailan ang mga serafin at mga kerubin at ang “sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo” ay magpapalakas sa awitan ng mga pinagpala at magdiriwang sa mga tagumpay ng pamamagitan sa pagkabawi sa sangkatauhan.BN 216.5

    Batid ni Jesus ang magiging kabayaran ng kaligtasan ng bawat anak na lalaki at babae ni Adan. Nagbigay Siya ng sapat na paghahanda na, kung susunod sila sa mga kondisyon, walang kinakailangangang mawaglit, kundi magtamo ng buhay na walang hanggan Kumikilos ang bawat makalangit na kapangyarihan bilang Kanyang kinatawan upang maibalik ang tao sa Diyos.BN 216.6

    Natutuwa ang mga anghel ng kaluwalhatian sa . . . pagbibigay ng pagmamahal at hindi napapagod na pagbabantay sa mga kaluluwang nagkasala at walang kabanalan. Sinusuyo ng mga makalangit na nilalang ang mga puso ng mga tao; dinadala nila ang liwanag mula sa mga bulwagan ng kalangitan sa madilim na sanlibutang ito. Sa pamamagitan ng maamo at matiyagang paglilingkod sila ay kumikilos sa espiritu ng tao upang dalhin ang nawawaglit sa pakikisama kay Cristo na higit na malapit kaysa maaari nilang malaman.BN 216.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents