Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Para Magkaroon ng mga Kaibigan, Kailangan Tayong Maging Palakaibigan, 19 Hulyo

    May mga kaibigang nagkukunwaring kaibigan, ngunit may kaibigan na mas madikit kaysa isang kapatid. Kawikaan 18:24BN 113.1

    Sa mga kaayusan para sa edukasyon ng piniling bayan, naihahayag na ang buhay na nakasentro sa Diyos ay buhay ng kasakdalan. Ang bawat pangangailangang Kanyang itinanim ay Kanyang pupunuin. Ang bawat kagalingang Kanyang ibinigay ay Kanyang nililinang.BN 113.2

    Ang May-Akda ng lahat ng kagandahan, na Siya mismo ay mapagmahal sa mga magaganda, ay naghanda para mapaluguran ang pagmamahal sa kagandahan sa Kanyang mga anak. Mayroon din Siyang inihanda para sa kanilang mga pangangailangang sosyal, para sa mga samahang mabubuti at nakatutulong na malaki ang nagagawa para linangin ang mga simpatya at pagliwanagin at patamisin ang buhay.BN 113.3

    Hindi ganap na nalilinang ang Cristianong pakikisama sa bayan ng Diyos Sa pamamagitan ng pakikisama ang pagkakaibigan ay nabubuo at ang mga relasyong nagbubunga sa pagkakaisa ng puso at mapagmahal na impluwensyang nakalulugod sa paningin ng kalangitan.BN 113.4

    Ang bawat isa ay makahahanap ng mga kasamahan o makagagawa ng mga ganito. Ang lakas ng impluwensya ng mga kaibigan para sa kabutihan o kasamaan ay sang-ayon sa tibay ng pagkakaibigan. Ang lahat ay magkakaroon ng mga kasamahan, at sila ay nakakaimpluwensya at maiimpluwensyahan.BN 113.5

    Ang ugnayang nagdudugtong sa mga puso ay mahiwaga, na anupa't ang mga damdamin, panlasa, at mga prinsipyo ng dalawang tao ay naghahalo. Nakukuha ng isa ang espiritu at sinusundan ang mga gawi ng kanyang kasama. Gaya ng pagkit na nakukuha ang wangis ng selyo, naiiiwan sa isip ang mga impresyong bunga ng pagsasama. Maaaring hindi batid ang impluwensya, ngunit ito ay malakas pa rin. . . . Kung pipiliin ang mga kasamahang may takot sa Panginoon, ang kanilang impluwensya ay hahantong sa katotohanan, pagtupad sa tungkulin at kabanalan. Ang buhay ng isang Gristiano ay isang kapangyarihan para sa Diyos.BN 113.6

    _______________

    Ang init ng tunay na pagkakaibigan.. .ay patikim ng mga kasiyahan ng kalangitan.BN 113.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents