Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Gawing Pagpapala sa Iba ang Tahanan, 16 Hulyo

    Subalit kung naghahanda ka ng piging, anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pilay, ang mga lumpo, ang mga bulag. At pagpapalain ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng mga matuwid. Lueas 14:13,14BN 110.1

    Hindi nalulugod ang Diyos sa makasariling interes na madalas naihahayag para sa kapakanan “ko at ng aking pamilya.” Ang bawat pamilyang nag-iingat sa ganitong espiritu ay kailangang mahikayat sa mga dalisay na prinsipyong naihayag sa buhay ni Cristo. Silang nagkukulong sa kanilang mga sarili, na hindi nakahandang magpatuloy sa mga bisita ay maraming mga biyayang pinapalagpas.BN 110.2

    Marami ang maaari nating pagpalain sa pamamagitan ng ating mga tahanan. Hindi dapat nadidiktahan ng gawi ng sanlibutan ang ating mga pinaglilibangan, ngunit ng Espiritu ni Cristo at ng turo ng Kanyang Salita. Ang mga Israelita, sa lahat ng kanilang mga kapistahan, ay isinama ang mga mahihirap, iyong mga dayuhan, at ang Levita na siyang katulong ng pari sa santuwaryo at isa ring tagapagturo ng kabanalan at misyonero. Sila ay itinuturing na mga panauhin ng bayan na makikibahagi sa kanilang pagtanggap sa lahat ng kasiyahang panlipunan o relihiyoso. Dapat din silang arugain sa panahon ng karamdaman o pangangailangan. Ang mga ganito ang kailangan nating tanggapin sa ating mga tahanan. Gaano kalaki ang magagawa ng ganitong pagtanggap para pasayahin at palakasin ang kalooban ng misyonerong nars o tagapagturo, iyong nabibigatang ina o iyong mahihina at matatandang madalas ay walang tahanan, at nakikipagpunyagi sa kahirapan at napakaraming mga pagsubok.BN 110.3

    Ang init ng isang magiliw na pagtanggap, isang lugar sa inyong hapag, ang pagkakataong makibahagi sa biyaya ng oras ng panalangin, ay magiging parang isang sulyap sa kalangitan para sa marami.BN 110.4

    Ang ating mga kahabagan ay dapat na lumagpas sa mga hangganan ng sarili at ng pamilya. May mga mahahalagang pagkakataon para sa kanilang gagawing pagpapala sa iba ang kanilang mga tahanan. Ang impluwensyang sosyal ay isang kahanga-hangang kapangyarihan. Maaari nating gamitin ito para makatulong sa mga nakapalibot sa atin. . . BN 110.5

    _______________

    Kaunti ang ating panahon dito. Minsan lamang tayo dadaan sa sanlibutang ito; at habang tayo ay dumadaan, kunin na natin ang lahat ng pagkakataong ibinibigay ng buhay.BN 110.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents