Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Anghel na Pumipigil sa Apat na Hangin, 31 Oktubre

    At nakita ko ang ibang anghel na umakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Diyos na buhay; at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng Diyos. Apoealipsis 7:2, 3BN 217.1

    Apat na makapangyarihang mga anghel ang pumipigil sa apat na ang mga aksidente sa lupa at sa dagat; ang pagkawala ng buhay, na patuloy na umiigting, sa pamamagitan ng bagyo, dilubyo, kasawiang palad sa riles ng tren, malalaking sunog; ang malulubhang baha, mga lindol at mga hanging kumikilos sa mga bansa sa isang nakamamatay na pakikidigma, habang pinipigilan ng mga anghel ang apat na hangin, na pinagbabawalan ang matinding kapangyarihan ni Satanas na magamit hanggang matatakan ang mga lingkod ng Diyos sa kanilang mga noo.BN 217.2

    Pinipigil ng mga anghel ang apat na hangin, na inilalarawan bilang galit na kabayong nagsusumikap na makawala at magtumulin sa mukha ng lupa, taglay ang pagkawasak at kamatayan sa daan nito.BN 217.3

    Nasa ating harapan ang isang matinding pagtutunggali. Nalalapit na sa atin ang digmaan ng dakilang araw ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Mapapawalan iyong dating pinipigilan. Tinitiklop ng anghel ng kahabagan ang kanyang mga pakpak na naghahandang bumaba mula sa luklukan at iwanan ang sanlibutan sa mga kamay ni Satanas. Ang mga pamunuan at mga kapangyarihan ng lupa ay nasa mapait na pag- aalsa laban sa Diyos ng kalangitan. Sila ay napupuno ng pagkamuhi laban sa kanila mga naglilingkod sa Kanya, at hindi magtatagal, napakalapit na, paglalabanan ang huling dakilang digmaan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Ang lupa ang magiging larangan—ang tagpo ng huling tunggalian at ng huling tagumpay.BN 217.4

    Habang lumuluwag ang kanilang mga kamay, at malapit nang umihip ang apat na hangin, tumunghay ang mahabaging mata ni Jesus sa nalabing hindi natatakan, at Kanyang itinaas ang Kanyang mga kamay sa Ama at nagsumamo sa Kanya na ibinuhos Niya ang Kanyang dugo para sa kanila. Pagkatapos ay inuutusang lumipad nang mabilis ang isa pang anghel sa apat na anghel at utusan silang pigilan ang mga hangin hanggang matatakan ang mga lingkod ng Diyos ng tatak ng Diyos sa kanilang mga noo.BN 217.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents