Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinagyayaman ng Katuwiran ang Buhay, 20 Hulyo

    Ang sumusunod sa katuwiran at kabaitan, ay makakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan. Kawikaan 21:21BN 114.1

    Ang mga pagtitipon para sa pakikitungong sosyal ay nagiging kapaki-pakinabang kung iyong mga nagtitipon ay nag-iingat ng pag-ibig ng Diyos na nagniningas sa kanilang mga puso; kapag sila ay nagtitipon para magpalitan ng mga kaisipan tungkol sa Salita ng Diyos o mag-isip ng mga paraan ng pagpapasulong ng gawain ng Panginoon at paggawa ng mabuti sa kanilang kapwa. Kapag ang Banal na Espiritu ay itinuturing na isang panauhin sa mga pagtitipong ito, kapag walang ginagawa o sinasabi para palungkutin ito, ang Diyos ay napararangalan, at iyong mga nagsasama-sama ay napapaluguran at napapatibay. . . .BN 114.2

    Si Cristo ay nagagalak kapag ang mga kaisipan ng mga kabataan ay napupuno ng mga dakila at nagbibigay karangalang tema ng kaligtasan. Siya ay pumapasok sa mga puso ng lahat na katulad ng isang panauhin na nananatili na pinupuno sila ng kaligayahan at kapayapaan Silang nagtataglay ng pag-ibig na ganito ay magagalak na mag-usap tungkol sa mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanilang umiibig sa Kanya.BN 114.3

    Hindi dapat isipin ng mga kabataang lalaki at babaing ang pangkaraniwang pagsasagawa ng kanilang mga palakasan, mga kasiyahan sa gabi at ng kanilang libangang pangmusika ay katanggap- tanggap kay Cristo.BN 114.4

    Ang liwanag ay nabigay sa akin, muli't muli, na ang lahat ng ating mga pagtitipon ay dapat magkaroon ng tiyak na impluwensyang relihiyoso. Kung ang ating mga kabataan ay magtitipon upang magbasa at unawain ang Kasulatan, na nagtatanong, “Anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” at pagkatapos ay ilalagay ang kanilang sariling nagkakaisa sa panig ng katotohanan, ipahihintulot ng Panginoon na ang Kanyang pagpapala ay pumasok sa kanilang mga puso.. . .BN 114.5

    Sa lahat, mga matatanda at mga kabataan, ang salita ng Panginoon ay: Hayaang ang katotohanan ng Diyos ay mailakip sa pag-iisip at sa kaluluwa. Hayaang ang inyong panalangin ay maging, “Iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa Iyo.”BN 114.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents