Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Si Apolos sq Corinto

    Pag-alis sa Corinto, ang sumunod na bularan ni Pablo ay sa Efeso. Patungo siya sa Jerusalem, upang dumalo sa darating na pista; at ang kanyang pagtigil sa Efeso ay naging madali dahil sa pangangailangan. Naldpagkatuwiranan siya sa mga Judio sa sinagoga, at naging maganda ang impresyon sa kanila anupa’t sumamo silang magpatuloy pang gumawa itong kasama nila. Ang panukalang pagtungo sa Jerusalem ang humadlang upang magtagal siya doon, ngunit nangakong magbabalik sa kanila, “kung loloobin ng Dios.” Sumama sa kanya patungong Efeso si Aquila at Priscila, at ang mga ito ay iniwan doon upang ipagpatuloy ang gawaing sinimulan niya.AGA 205.1

    Sa panahong ito, ang “isang Judio na nagngangalang Apolos, isinilang sa Alexandria, isang lalaking mahusay magsalita, at makapangyarihan sa Kasulatan, ang dumating sa Efeso.” Napakinggan niya ang pangangaral ni Juan na Magbabautismo, tumanggap ng bautismo ng pagsisisi, at isang buhay na saksi na ang gawain ng propeta ay nagbunga. Ang tala ng Kasulatan ukol kay Apolos ay, “ang taong ito’y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa’y may maningas na espiritu ay kanyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol sa Panginoon, na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan.”AGA 205.2

    Samantalang nasa Efeso, si Apolos ay “nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga.” Datapuwat nang siya’y marinig ni Priscila at Aquila, ay “kanilang isinama siya, at isinaysay sa kanya ang daan ng Dios ng lalong maingat.” Sa pamamagitan ng kanilang mga aral kanyang nakamit ang mas malinaw na pagkaunawa ng mga Kasulatan, at naging isa sa mga tagapagtanggol ng pananampalatayang Kristiano.AGA 205.3

    Nagnais si Apolos na magtungo sa Achaia, at ang kapatiran sa Efeso ay “sumulat, nagpapayo sa mga alagad na tanggapin siya” bilang isang gurong katugmang lubusan ng iglesia ni Kristo. Nagtungo siya sa Corinto, at sa paggawa sa publiko at sa pagbabahay-bahay, ay “makapangyarihang kinumbinse ang mga Judio,...na ipinakikita sa pamamagitan ng Kasulatan na si Jesus ang Kristo.” Naitanim ni Pablo ang binhi ng katotohanan; ngayon naman ay dinidiligan ni Apolos. Ang tagumpay na natanggap ni Apolos sa pangangaral ng ebanghelyo ay naging dahilan upang pahalagahan ang kanyang paggawa nang higit kaysa kay Pablo. Ang paghahambing na ito ay naghatid sa iglesia ng diwa ng pagkakabahagi at nagbantang maging hadlang sa pagsulong ng ebanghelyo.AGA 205.4

    Sa isa at kalahating taon na ginugol ni Pablo sa Corinto, sinadya niyang iharap ang ebanghelyo sa simpleng paraan. “Hindi sa kagalingan sa pananalita o sa karunungan” ang dahilan ng pagpunta niya sa Corinto; kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan,” kanyang ipinahayag “ang patotoo ng Dios,” upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.” 1 Corinto 2:1,4, 5.AGA 206.1

    Sa pangangailangan ay iniangkop ni Pablo ang ganitong pagtuturo sa kalagayan ng iglesia. “Ako, mga kapatid, ay hindi makapangusap sa inyo na ayon sa espirituwal,” matapos ay ipinaliwanag niya sa kanila, “kundi sa laman, tulad ng mga sanggol na pinasususo ng gatas, at hindi ng lamang kati; sapagkat kayo’y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya.” 1 Corinto 3:1, 2. Marami sa mananampalataya sa Corinto ay mabagal na maalaman ang mga turong nais niyang iaral sa kanila. Ang kanilang paglago sa kaalamang espirituwal ay hindi katumbas ng mga pagkakataon at karapatang kaloob sa kanila. Nang dapat sanang sila ay malago na sa karanasang Kristiano, at maaaring makaunawa at magsakabuhayan ng lalong malalim na katotohanan ng Salita, sila ay nakatayo pa rin sa kalagayan ng mga alagad nang sabihin sa kanila ni Kristo, “Marami pa Akong dapat na sabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang dalhin ngayon.” Juan 16:12. Inggit, masamang haka, at pagbibintang ang nagpinid ng puso ng mga mananampalataya sa Corinto sa lubusang paggawa ng Banal na Espiritu, na “nagsisiyasat ng lahat ng bagay, oo, ng malalalim na bagay ng Dios.” 1 Corinto 2:10. Gaano man sila karunong sa mga bagay ng lupa, sila naman ay mga sanggol pa sa pagkakilala kay Kristo.AGA 206.2

    Naging gawain ni Pablo na turuan ang mga hikayat sa Corinto sa mga saligan, mga abakada ng pananampalatayang Kristiano. Napilitan siyang turuan sila na parang walang muwang sa paggawa sa puso ng kapangyarihan ng langit. Sa panahong iyon ay di nila maunawaan ang mga misteryo ng kaligtasan; sapagkat “ang taong laman ay tinatanggap hindi ang mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagkat ang mga ito ay kahangalan sa kanya: at hindi rin nila maaaring makilala, sapagkat ang mga ito ay nauunawaan sa espiritu.” 1 Corinto 2:14. Nagsikap si Pablo na maghasik ng binhi, na dapat namang diligin ng iba. Silang sumunod sa kanya ay dapat ipagpatuloy ang gawain kung saan siya nagtapos, sa pagbibigay ng liwanag na espirituwal at kaalaman sa tamang panahon, ayon sa kakayahan ng iglesia.AGA 206.3

    Nang magpasimula ang apostol ng paggawa sa Corinto, nadama niyang kailangang maging napakaingat sa pagpapakilala ng mga katotohanang nais niyang ituro. Alam niyang kabilang sa mga tagapakinig ang mga mayayabang na naniniwala sa mga teoriya ng tao, at mga tagapagtaguyod ng huwad na sistema ng pagsamba, na kakapa-kapang parang bulag, na umaasang makasumpong sa aklat ng kalikasan ng mga teoriyang lalaban sa katunayan ng espirituwal at walang hanggang buhay na nahahayag sa Kasulatan. Alam din niya na ang mga kritiko ay magsisikap na pabulaanan ang mga pagpapakahulugang Kristiano sa hayag na Salita, at pagtawanan at kutyain ng mga walang paniniwala ang ebanghelyo ni Kristo.AGA 207.1

    Sa pagsisikap niyang mag-akay ng mga tao sa paanan ng krus, si Pablo ay hindi sumansalang tuwiran sa kanilang mabababa ang kabuhayan, o ipakita sa kanila ang sama ng kanilang kasalanan sa paningin ng banal na Dios. Sa halip ay inilahad niya sa kanila ang tunay na adhikain ng buhay, at sinikap na idiin sa kanilang mga isipan ang mga liksyon ng banal na Guro, na kung matatanggap, ay magtataas ng kanilang buhay mula sa kamunduhan at kasalanan tungo sa kadalisayan at katuwiran. Naglumagi siya sa praktikal na kabanalang dapat maging karanasan nilang magiging karapat-dapat sa kaharian ng Dios. Nanabik siyang makitang ang liwanag ng ebanghelyo ni Kristo ay naglalagos sa kadiliman ng kanilang mga pag-iisip, upang makita nila kung gaano kasama sa paningin ng Dios ang kanilang imoral na gawa. Kung kaya’t ang naging pasanin ng pagtuturo sa kanila ay si Kristo at Siyang ipinako. Sinikap niyang ipakita sa kanila na ang kanilang pinakamasikap na pag-aaral at pinakadakilang kagalakan ay dapat na ang kahanga-hangang katotohanan ng kaligtasan sa pagsisi sa Dios at pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo.AGA 207.2

    Ang pilosopo ay tumatalikod sa liwanag ng kaligtasan, sapagkat isinasadlak nito ang kanyang mga mapagmataas na teoriya sa kahihiyan; ang makasanlibutan ay tumatangging tanggapin ito, sapagkat ito’y maghihiwalay sa kanya sa mga diyus-diyusan. Nakita ni Pablo na kailangang mahayag ang likas ni Kristo bago Siya maibig ng tao o matingnan ang krus sa mata ng pananampalataya. Dito ay dapat magsimula ang pag-aaral na magiging agham at awit ng mga tinubos sa buong walang hanggan. Tanging sa tanglaw.ng krus makikita ang tunay na halaga ng tao.AGA 208.1

    Ang nagpapadalisay na impluwensya ng biyaya ng Dios ay nagpapabago ng likas ng tao. Ang langit ay hindi kaibig-ibig sa isipang laman; ang kanilang mga pusong hindi banal ay walang hilig sa dalisay at banal na dako; at kung sila ay makapapasok nga, wala silang matatagpuan ditong nakahahalina. Ang mga hilig ng pusong laman ay dapat masupil ng biyaya ni Kristo, bago maangkop sa langit ang taong makasalanan at makasama ng mga banal at dalisay na mga anghel. Kapag ang tao ay namatay sa kasalanan, at nabuhay sa isang bagong buhay kay Kristo, ang banal na pag-ibig ang lumululan sa puso. Ang kanyang pang-unawa ay napapabanal; siya ay nakakainom sa bukal ng kagalakan at kaalamang hindi natutuyo, at ang liwanag ng walang hanggang araw ay nagniningning sa kanyang landas, sapagkat sa kanya ay palagian ang Liwanag ng buhay.AGA 208.2

    Sinikap ni Pablo na idiin sa mga kapatid sa Corinto na siya at ang mga kasamahang manggagawa ay mga tao lamang na inatasan ng Dios upang magturo ng katotohanan. Silang lahat ay kasangkot sa iisang gawain, at silang lahat ay umaasa sa Dios ukol sa tagumpay sa paggawa. Ang usapang bumangon sa iglesia tungkol sa paghahambing ng kabutihan ng iba’t ibang ministro ay hindi naaayon sa kaayusan ng Dios, kundi bunga ng pag-iingat ng mga isipang iyon sa pusong laman. “Sapagkat kung sinasabi ng isa, Ako’y kay Pablo; at ng iba, Ako’y kay Apolos; hindi baga kayo’y mga tao? Ano nga at ano si Apolos, si Pablo? mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo, at sa bawat isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kanya? Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; ngunit ang Dios ang siyang nagpalago. Anupa’t walang anuman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.” 1 Corinto 3:4-7.AGA 208.3

    Si Pablo ang unang nangaral ng ebanghelyo sa Corinto, at siya ring nagtatag ng iglesia roon. Ito ang gawaing itinalaga ng Panginoon sa kanya. Nang malaon, ayon na rin sa direksyon ng Dios, ibang manggagawa ay dumating doon upang tumayo sa kanilang lugar at gawain. Ang binhi ay dapat madiligan, at ito ang ginawa ni Apolos. Sinundan niya ang paggawa ni Pablo upang magbigay ng karagdagang turo at tumulong sa pagpalalago ng binhing naitanim. Nakuha niya ang pagmamahal ng bayan; datapuwat ang Dios ang nagpalago. Hindi kapangyarihan ng tao, kundi ng Dios, ang gumagawa ng pagbabago sa likas. Silang nagtatanim, at silang nagdidilig ay hindi siyang nagpapatubo sa binhi. Sila ay gumagawa sa ilalim ng Dios, bilang itinalagang ahensya, nakikipagtulungan sa Kanya sa Kanyang gawain. Sa Punong Manggagawa marapat ang karangalan at kaluwalhatiang dulot ng tagumpay.AGA 208.4

    Ang mga lingkod ng Dios ay hindi nagtataglay ng magkakatulad na kaloob, ngunit lahat sila ay Kanyang manggagawa. Bawat isa ay dapat matuto mula sa Dakilang Guro, at magbabahagi sa iba ng kanyang natutuhan. Ipinagkaloob ng Dios sa bawat isa ang isahang gawain. May iba’t ibang kaloob, ngunit lahat ay manggagawang magkakatugma sa ilalim ng kontrol ng impluwensya ng nagpapabanal na Banal na Espiritu. Sa kanilang paghahayag ng ebanghelyo ng kaligtasan, marami ang mahihikayat sa kapangyarihan ng Dios. Ang kasangkapang tao ay natatago kay Kristo sa Dios, at si Kristo ang nahahayag na pangunahin sa sampung libo, Siyang kabuuan ng kagandahan.AGA 209.1

    “Ngayon ang nagtatanim, at ang nagdidilig ay iisa: ngunit ang bawat isa ay tatanggap ng kanyang sariling kagantihan ayon sa kanyang sariling pagpapagal. Sapagkat tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios.” 1 Corinto 3:8, 9. Sa sulat na ito inihambing ng apostol ang iglesia sa isang binungkal na lupa, na doon ay gumagawa ang tagapag-alaga, nag-iingat ng mga halamang ang Panginoon ang nagtanim; at gayon din sa isang gusali, na lalago sa isang banal na templo para sa Panginoon. Ang Dios ang punong manggagawa, at Siya ay nagtalaga ng bawat tao sa kanyang gawain. Lahat ay gagawa sa ilalim ng Kanyang pangangasiwa, na babayaang Siya ang gumawa sa pamamagitan ng Kanyang manggagawa. Nagkakaloob Siya sa kanila ng talino at kakayahan, at kung susundin nila ang Kanyang turo, puputungan ng tagumpay ang kanilang pagsisikap.AGA 209.2

    Ang mga lingkod ng Dios ay dapat gumawang magkakasama, mag- katugma sa magalang at magandang loob na kaayusan, “sa karangalan ay iniaangat ang isa’t isa.” Roma 12:10. Hindi dapat magkaroon ng punang magaspang, walang pagwawasak ng gawain ng iba; at di dapat magkaroon ng mga partidong magkakahiwalay. Bawat pinagkatiwalaan ng Panginoon ng isang pabalita ay may tiyak na gawain. Bawat isa ay may sariling pagkatao, at ito ay hindi upang ilubog ang kanyang kapwa. Gayunman, ang bawat isa ay dapat gumawang katugma ng mga kapatid. Sa kanilang paglilingkod, ang mga manggagawa ng Dios ay dapat na nagkakaisa. Walang sinumang dapat maglagay ng sarili bilang huwaran, at walang galang sa kapwa lingkod o ipinapalagay na ang iba ay mas mababa sa kanya. Sa ilalim ng Dios, bawat isa ay gaganap ng itinalagang gawain, ginagalang, minamahal, at pinasisigla ng kapwa manggagawa. Magkasama sila ay magpapatuloy sa pagpapalago ng gawain hanggang ito ay matapos.AGA 209.3

    Ang mga simulaing ito ay matagal na tinalakay ni Pablo sa unang pagsulat sa iglesia sa Corinto. Binanggit ni Pablo ang “mga ministro ni Kristo” bilang “mga katiwala ng mga misteryo ng Dios,” at tungkol sa kanilang gawain ay inihayag: “Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawat isa ay maging tapat. Datapuwat sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako’y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako’y hindi nagsisiyasat sa aking sarili. Sapagkat wala akong nalalamang anuman laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito’y inaaring ganap ako: sapagkat ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.” Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anuman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na Siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso: at kung magkagayon ang bawat isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.” 1 Corinto 4:1-5.AGA 210.1

    Hindi para sa sinumang tao na maging hukom sa pagitan ng magkakaibang lingkod ng Dios. Tanging ang Panginoon lamang ang hukom ng paggawa ng tao, at ang bawat isa ay magsusulit sa Kanya.AGA 210.2

    Sa pagpapatuloy ng apostol, binanggit niya ang ginawang paghahambing sa paggawa niya at ni Apolos: “Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat, upang ang sinuman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba. Sapagkat sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? ngunit kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri, na tulad sa hindi mo tinanggap?” 1 Corinto 4:6, 7.AGA 210.3

    Maliwanag na iniharap ni Pablo sa iglesia ang mga panganib at hirap na dinanas niya at ng mga kasama niya sa paglilingkod kay Kristo. “Hanggang sa oras na ito,” kanyang sinabi, “ay nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan; at kami’y nangagpagal, na nangagsigawa ng aming sariling mga kamay: bagaman inuupasala, at kami’y nangagpapala; bagama’t mga pinag-uusig, ay nangagtitiis kami: bagama’t mga sinisiraang puri, ay aming pinamamanhikan: kami’y naging tulad ng yagit sa sanlibutan, sulcal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon. Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo’y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak. Sapagkat bagaman nangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Kristo, ay wala nga kayong maraming ama: sapagkat kay KristoJesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng ebanghelyo.” Talatang 11-15.AGA 211.1

    Ang Dios na nagpapadala ng mga manggagawa ng ebanghelyo bilang Kanyang mga embahador ay inaalisan ng karangalan kapag nakikita sa mga tagapakinig ang malakas na kaugnayan sa isang paboritong ministro anupa’t ayaw nang tanggapin pa ang paggawa ng ibang mga guro. Ang Panginoon ay nagpapadala ng tulong sa Kanyang bayan, hindi lagi sa kagustuhan nila, kundi sa pangangailangan nila; sapagkat ang pananaw ng tao ay malapitan lamang at hindi nakikita ang pinakamabuti. Bihira na ang isang ministro ay nagtataglay ng lahat ng katangiang kailangan upang mapasakdal ang isang iglesia sa mga kahilingan ng Kristianismo. Kung kaya’t ang Dios ay laging nagsusugo ng ibang ministro, bawat isa ay nagtataglay ng ilang katangiang wala sa iba.AGA 211.2

    Dapat na magalak na tanggapin ng iglesia ang mga lingkod na ito ni Kristo, katulad ng pagtanggap nila sa Panginoon na rin. Dapat nilang sikaping makuha ang lahat ng pakinabang sa turong kaloob ng bawat ministro mula sa salita ng Dios. Ang mga katotohanang taglay ng mga lingkod ng Dios ay dapat tanggapin at mahalin sa kaamuan at kababaan, ngunit walang ministrong dapat na gawing idolo.AGA 211.3

    Sa biyaya ni Kristo, ang mga ministro ay nagiging mensahero ng liwanag at pagpapala. Habang tinatanggap nila ang mga kaloob ng Banal na Espiritu sa maningas at matiyagang pananalangin at humahayo silang taglay ang pasanin ng paghikayat ng tao, ang kanilang mga puso ay puspos ng sigasig sa pagpapalaganap ng mga tagumpay ng krus, at nakikita nila ang bunga ng kanilang paggawa. Matatag na tumatangging maghayag ng karunungan ng tao o magtaas ng sarili, magagampanan nila ang isang gawaing makatatayo sa pagsalakay ni Satanas. Maraming kaluluwa ang maibabaling mula sa kadiliman tungo sa liwanag, at maraming mga iglesia ang maitatatag. Mga tao ay mahihikayat, hindi sa instrumentong tao, kundi kay Kristo. Ang sarili ay matatago sa likuran; tanging si Jesus, ang Tao ng Kalbaryo, ang makikita.AGA 211.4

    Silang gumagawa para kay Kristo ngayon ay maaaring maghayag ng katulad na kagalingang inihayag nilang sa panahon ng mga apostol ay nagbalita ng ebanghelyo. Ang Dios ay handa ngayon na magkaloob ng kapangyarihan sa Kanyang mga lingkod tulad din noon na nagkaloob ng kapangyarihan kay Pablo at Apolos, kay Silas at Timoteo, kay Pedro, Santiago, at Juan.AGA 212.1

    Sa panahon ng mga apostol ay mayroong mga taong ligaw na nagpapanggap na nanampalataya kay Kristo, ngunit tumatangging maghayag ng paggalang sa Kanyang mga embahador. Inihayag nilang sila ay hindi sumusunod sa gurong tao, kundi tuwirang tinuturuan ni Kristo na walang tulong ng mga ministro ng ebanghelyo. Sila ay mga independyente sa isipan at hindi laang pasakop sa tinig ng iglesia. Ang ganitong mga tao ay nasa malaking panganib na madaya.AGA 212.2

    Inilagay ng Dios sa iglesia, bilang Kanyang mga hinirang na katulong, ang mga taong may iba’t ibang talento, upang sa kanilang magkakasamang karunungan, ang isipan ng Espiritu ay masapatan. Ang mga lalaking kumikilos ayon sa sariling malakas na likas, na tumatangging makipamatok sa ibang may mahabang karanasan sa gawain ng Dios, ay mabubulag ng tiwala sa sarili, at hindi makikita ang pagkakaiba ng mali at tunay. Hindi ligtas ang ganitong mga tao ay piliing mga lider ng iglesia; sapagkat susundin nila ang sariling isipan at panukala, anuman ang payo ng kapatiran. Madali para sa kaaway na gumawa sa pamamagitan nila gayong, sila mismo ay nangangailangan ng payo sa bawat hakbang, ay siyang tagapag-ingat ng sariling kalakasan, na hindi natutuhan ang kababaan ni Kristo.AGA 212.3

    Ang mga damdamin ay hindi panatag na patnubay sa tungkulin. Madalas na ang kaaway ay umaakay sa mga taong maniwala na ang Dios ang pumapatnubay sa kanila, gayong sa katunayan ay sumusunod lamang sa mga sariling bugso ng damdamin. Ngunit kung tayo ay maingat na magbabantay, at kukuha ng payo ng mga kapatid, pagkakalooban tayo ng pagkaunawa sa kalooban ng Panginoon; sapagkat ang pangako ay, “Papatnubayan Niya sa kahatulan ang mga maamo: at ang maamo ay tuturuan Niya ng Kanyang daan.” Awit 25:9.AGA 212.4

    Sa naunang iglesia Kristiana, ay mayroong mga taong ayaw kilalanin si Pablo o si Apolos, kundi nanghawakan na si Pedro ang kanilang lider. Tiniyak nilang si Pedro ang naging pinakamalapit kay Kristo nang Siya ay narito pa sa lupa, samantalang si Pablo ay naging tagapagusig ng mga mananampalataya. Ang kanilang isipan at damdamin ay natatalian ng maling akala. Wala sa kanila ang kagandahang loob, ang pagmamahal at biyayang patunay na si Kristo ay naninirahan sa puso.AGA 213.1

    May panganib na ang ganitong diwa ng pagkakabahagi ay magbunga ng malaking kasamaan sa iglesia; at tinagubilinan ng Panginoon si Pablo na magbigay ng maningas na payo at maselan na batikos. Sa kanilang nagsasabi, “Ako’y kay Pablo; at ako’y kay Apolos; at ako’y kay Cefas; at ako’y kay Kristo,” ang tanong ng apostol, “Nabahagi baga si Kristo? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?” “Kayat huwag ipagmamapuri ninuman sa mga tao,” kanyang pakiusap. “Sapagkat ang lahat ng mga bagay ay sa inyo; kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si Cefas, kahit ang sanlibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; lahat ay sa inyo; at kayo’y kay Kristo; at si Kristo ay sa Dios.” 1 Corinto 1:12, 13; 3:21-23.AGA 213.2

    Si Pablo at Apolos ay lubos na magkaayon. Ang huli ay lubos na nalungkot at nabigo dahilan sa alitan sa iglesia sa Corinto; hindi niya sinamantala ang pagpapahalagang higit na nabigay sa kanya, o ginatungan man niya ito, kundi dagliang nilisan ang dakong ito ng alitan. Nang himukin siya ni Pablo na muling dumalaw sa Corinto, tumanggi siya, at di na muling gumawa pa roon, kahit na ang iglesia ay nakaabot na sa lalong mainam na kalagayang espirituwal.AGA 213.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents