Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Malapit Siya sa Lahat ng Tumatawag sa Kanya,13 Enero

    Ang Panginoon ay malapit sa lahat ng sa Kanya’y nananawagan, sa lahat ng tumatawag sa Kanya sa katotohanan. Awit 145:18.LBD 17.1

    Nalulugod ng Diyos kapag itinutuon natin ang ating mga mukha sa Araw ng Katuwiran. . . . Kapag tayo ay nasa kagulumihanan at naiipit ng mga pangamba, malapit ang Panginoon, at nagnanasa Siyang ibigay natin ang lahat ng ating pagkabalisa sa Kanya, dahil nagmamalasakit Siya sa atin. . . .LBD 17.2

    Lumalapit Siya sa lahat ng Kanyang mga anak sa oras ng kanilang paghihirap. Siya ang kanilang kanlungan sa panahon ng panganib. Sa kalumbayan, nag-aalok Siya sa kanila ng kasiyahan at kaaliwan. Lalayo ba tayo sa Manunubos, na siyang bukal ng tubig ng buhay, upang gumawa para sa ating mga sarili ng basag na sisidlan, na hindi makapaglalaman ng tubig? Kapag lumalapit ang panganib, aasa ba tayo ng tulong mula sa mga mahihinang gaya natin, o tatakbo ba tayo tungo sa Kanya na makapangyarihan upang magligtas? Nakahandang tumanggap ang Kanyang mga bisig, at binibigkas Niya ang mabiyayang paanyayang, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan.” . . .LBD 17.3

    Hindi ang pagpapahayag ng Kanyang dakila at kakila-kilabot na karangalan at hindi mapapantayang kapangyarihan ang siyang mag-iiwan sa atin na walang dahilan kapag ating ipinagkait sa Kanya ang ating pag-ibig at pagsunod. Ang pag-ibig, ang pagmamahal, pagtitiyaga, at pagtitiis na Kanyang ipinakita, ito ang sasaksi laban sa mga hindi magbibigay sa Kanya ng nakahandang paglilingkod ng kanilang mga buhay. Makatatagpo sa Kanya ng mapayapang katiyakan silang magbabaling sa Diyos ng kanilang puso, kaluluwa, at pag-iisip. . . .LBD 17.4

    Alam Niya kung ano ang ating kinakailangan, kung ano ang ating maka kayanan, at bibigyan Niya tayo ng biyaya upang mabata ang bawat pagsubok at pagsusulit na Kanyang dinadala sa atin. Ang mas lalong mapalapit sa Diyos ang lagi kong ipinananalangin.— Ellen G. White Manuscript 20, 1892. LBD 17.5

    Naibigay na ang bawat paglalaan upang matustusan ang mga pangangailangan ng ating likas na espirituwal at moral. . . . Nakita ang liwanag at walang-hanggang buhay sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Bumababa ang mga sinag ng liwanag mula sa mga nakabukas na pintuan.— The Youth’s Instructor, December 14, 1893. LBD 17.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents