Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Siya ang Pagsasakatawan ng Katotohanan, 20 Enero

    Ako’y ipinanganak dahil dito, at dahil dito ay pumarito Ako sa sanlibutan, upang magpatotoo sa katotohanan. Ang bawat isang panig sa katotohanan ay nakikinig sa Aking tinig. Juan 18:37.LBD 24.1

    Ang batid na kataasan ni Cristo, kahit na pababa nang pababa Siya sa landas ng pagkadusta, ay nagbigay sa Kanyang mga salita ng nakagigilalas na kapangyarihan. Anong mga kamangha-manghang aralin ang Kanyang ibinigay, at anong kapangyarihan ang Kanyang taglay noong Kanyang sinaway ang mga kasalanan ng tao na nasa matataas na kalagayan. Ang katotohanan ay katotohanan sa Kanya, at hindi ito napabayaan sa Kanyang mga kamay; dahil Siya ang may-akda ng katotohanan. “Dahil dito,” sinabi Niya, “ay pumarito Ako sa sanlibutan, upang magpatotoo sa katotohanan.”. . . Siya ang pagsasakatawan ng katotohanan at kabanalan. Siyang nakakasama sa mga konsilyo ng Diyos, na nanahan sa pinakaloob-loobang santuwaryo ng Walang-hanggan, ay nagsasalita tungkol sa Kanyang nalalaman. . . . Ngunit nabigong unawain ng mga lalaking nag-aangking may mataas na kalagayan sa kaalaman at espirituwal na pagkaunawa ang Kanyang pakahulugan; at iyong nabuo mula sa walang-hanggan ng Ama at ng Anak, sa kanilang kamangmangan ay tumayo bilang mga kritikong humahatol.LBD 24.2

    Patuloy na nagpapalapit ng mga tao sa Kanyang sarili si Cristo na napako sa krus. Sa kabilang banda, hinihila sila ni Satanas palayo kay Cristo, upang hindi sila makalakad sa liwanag ng Kanyang mukha, upang hindi nila makita si Cristo sa Kanyang kabutihan at kahabagan, sa Kanyang walang-hanggang pagmamahal at hindi malalagpasang pag-ibig. Inilalagay niya ang kanyang sarili sa gitna sa pamamagitan ng paglalahad ng mga pang-akit ng makasanlibutang kalayawan upang hindi makita ang Diyos kay Cristo. Ngunit dumating si Cristo upang iligtas ang sinumang manampalataya sa Kanya. Gaya ng isang bulaklak na humaharap sa araw upang makatulong ang maliliwanag na sinag nito sa pagpapaganap ng kanyang kagandahan at kaayusan, gayundin dapat tumitingin ang mga tagasunod ni Cristo sa Araw ng Katuwiran upang sumilay sa kanila ang kaliwanagan ng kalangitan, na nagpapaganap sa kanilang mga karakter, at nagbibigay sa kanila ng malalim at nananatiling karanasan sa mga bagay ng Diyos. Higit pa sa ating makakayanang maunawaan ang mga pagpapalang madadala sa atin sa pamamagitan ni Cristo, kung isasama lamang natin ang makataong pagsisikap natin sa banal na biyaya.— The Youth’s Instructor, September 22, 1898. LBD 24.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents